17/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง
Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga nararapat at hindi nararapat na gawain sa loob ng paaralan, isinagawa ang Ikalawang HUNTAHAN (Harmonizing, Understanding through Nurturing Trust, Action and Home-School Alliance for Nurturing Learners), na nakatuon sa pagpapaliwanag ng mga alituntuning nakapaloob sa opisyal na Student Handbook ng paaralan, Setyembre 16.
Sinimulan ni Gng. Jeaneth A. Maristela ang programa nang may sigla at galak. Sinundan ito ng pambansang awit ng Pilipinas na pinangunahan ni Lyca B. Marquez at ng taimtim na panalangin na inihandog naman ni Kyrie Elieson F. Moleta, kapwa mag-aaral mula sa Ika-labindalawang baitang. Pagkatapos nito, inihatid ni G. Sonny C. Delos Santos ang pambungad na pananalita.
Sa unang paksa ng agenda, ipinaliwanag ni Gng. Gilda S. Carandang, Faculty President, ang mga nilalaman ng Student Handbook. kabilang dito ang mga patakaran at alituntuning dapat sundin ng bawat mag-aaral. Binigyang-diin din niya ang usapin ng diskriminasyon batay sa relihiyon, kasarian, katayuan sa lipunan, antas, at kapansanan.
โIwasan po natin, mga mag-aaral, ang diskriminasyon,โ ani Gng. Carandang.
Bukod pa rito, pinagtuunan din ng pansin ang mga ipinagbabawal dalhin at gawin sa loob ng paaralan, gaya ng pagdadala ng mga mapanganib o matutulis na kasangkapan. Sa bandang huli ng kaniyang mensahe, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng Handbook sa mga estudyante.
Ipinagbigay-alam naman ng Punong-Guro I ng paaralan na si Gng. Marissa C. Balmes ang gaganaping NCAE o National Career Assessment Examination sa computer laboratory ng paaralan sa ika-18 at ika-21 ng Setyembre 2026 para lamang sa mga mag-aaral sa Ika-sampung Baitang. Binanggit din ng punong-g**o na naka-iskedyul na rin ang Ika-siyam na Baitang sa Enero, ngunit wala pang eksaktong araw kung kailan ito isasagawa.
Para sa pagtatapos ng programa, pinangunahan ni G. Allan E. Bantigue ang closing remarks upang opisyal na tapusin ang programa. Bago niya ito wakasan, nag-iwan siya ng munting paalala, โMagkaisa at magtulungan para sa magandang kinabukasan ng mamamayan.โ
โAng natutunan ko po ngayong hapon sa meeting ay yung mga binahagi na rules and protocols ni Maโam Gilda dito sa ating paaralan,โ wika ni Kurt Yuri G. Endaya, mag-aaral mula sa Ikalabing-isang baitang.
Pagkatapos ng palatuntunin, agad na nagtungo ang mga magulang at mag-aaral sa kani-kanilang mga tagapayo para sa pamamahagi at pagpapakita ng mga report card.
Nagtapos ang HUNTAHAN nang may kaayusan, busog sa kaalaman at mas malawak na kaisipan ang mga kabataan gayundin ang mga magulang. Hindi lamang ito dahil sa Handbook na ipinamigay, kundi dahil din sa mga paliwanag at patuloy na paggabay ng mga g**o ng Katimo National High School. Sa pamamagitan ng HUNTAHAN, higit pang napagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan tungo sa paghubog ng mga responsableng mag-aaral at sa pagkakaroon ng mas maunlad na kinabukasan.
โ๏ธ John Marcelo M. Ayala
๐ท Keisha R. Del Mundo