31/03/2026
Isang pagpupugay at pagbati sa ating mga mag-aaral mula Una hanggang Ikalimang Baitang ng Sabang Elementary School! 🌟📚
Sa temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,” ating kinikilala ang inyong sipag, tiyaga, at husay sa pag-aaral. Kayo ang patunay na ang pagsusumikap ay may magandang bunga.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong pag-aaral at patuloy na hubugin ang inyong kakayahan at mabuting asal bilang mga batang lider ng kinabukasan.
Maraming Salamat din po sa aming mga panauhin sa masisipag na opisyal ng Sangguniang Baranggay sa pamumuno ni Kapitan Kap Vicoy Salamat at sa aming masipag na PTA President Gng. Nhora Marquez.
Congratulations sa inyong lahat! Ipagpatuloy ninyo ang pagiging masipag at responsableng mag-aaral! 💙✨