Makiki-heart react naman po, thank you!
Time Your Way
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Time Your Way, Education Website, E. Aguinaldo Hi-Way, Crossing Silang, Tagaytay City.
13/12/2023
Namiss niyo ba kami? Siyempre, namiss din namin kayo!
Nagbabalik ang Time Your Way advocates para sabihing ang lahat ng Efforts at Dedication na inilaan niyo sa pagrereview ay magbubunga rin. Palaging tumingin sa positibong parte ng buhay, at wag kalimutang magtiwala sa sariling kakayahan. PALAGI KAMING NANDITO PARA SABIHING PROUD KAMI SA INYO!💛💛💛
Ps: Sana ay nakatulong ang Tips and Recommendations mula sa aming advocacy para makamit niyo ang maayos na paggamit ng Oras, na siyempre, may kasamang PAHINGA😉
06/12/2023
“The present has one advantage over every other-- it is our own” Ito ang panahon kung saan tayo ang may kakayahang kumontrol. Sa kasalukuyan, may kakayahan tayo na gumawa ng mga hakbang at desisyon para sa mas magandang hinaharap. May mga oportunidad na nakalaan sa atin na gamitin ang ating mga kakayanan at potensyal upang maabot ang ating mga pangarap at layunin. Sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagkalinga sa kasalukuyan, maaari nating baguhin ang ating mga pangarap sa realidad at magkaroon ng kasiyahan sa ating buhay.
In frame | Veejay Peralta
05/12/2023
PART 4‼️
Heads up, Everyone!
Our group conducted an interview inside Olivarez College-Tagaytay last November 29-30, 2023 that shows each student's different perspectives on time management and how they manage their time well. Here is our classmate, Ericka Mae Badua from Humss 11-Turquoise.
Mahalagang magkaroon ng checklist lalo na kung maraming gawain pa ang naghihintay. Dito ay mas maaayos natin ang ating mga estratehiya sa paggawa at makikita ang mga bagay na dapat unahin at gawing priyoridad.
05/12/2023
Sa bawat isa sa atin, mayroon tayong iisang bagay na hindi maaaring maitago--- ang oras. Ito ang nag-uugnay sa ating lahat, ngunit sa kabilang dako, ito rin ang nagpapakita kung gaano tayo kaiba-iba sa paraan ng ating paggamit dito. Ang bawat segundo, minuto at oras ay isang pagkakataon upang magbigay-kahulugan sa ating buhay at magtayo ng mga pangarap. Kaya't hindi importante kung gaano karaming oras ang ating mayroon, kundi kung paano natin ito ginagamit upang magkaroon ng kabuluhan at magtulungan sa pag-abot ng tagumpay.
In frame | Precious Josh-An Guevarra
PART 3‼️
Heads up, Everyone!
Our group conducted an interview inside Olivarez College-Tagaytay last November 29-30, 2023 that shows each student's different perspectives on time management and how they manage their time well. Here is our classmate, Aeven Jansen Fumar from Humss 11-Turquoise.
Aeven emphasized the importance of setting a goal in terms of doing your schoolworks. He said, "Set your goals po, kasi once na nakapagset ka na ng goals mas mamomotivate ka na, and never procrastinate"
PART 2 ‼️
Heads up, Everyone!
Our group conducted an interview inside Olivarez College-Tagaytay last November 29-30, 2023 that shows each student's different perspectives on time management and how they manage their time well. Here is our classmate, Erich Juvelie Adiz from Humss 11-Turquoise.
"Ang maipapayo ko lang is iwasan talaga yung distractions, kasi nandiyan si facebook, nandiyan si instagram, youtube, tiktok. Madali talaga tayong matukso e"
Huyyy! Di ka gaganyan! Hindi magpapadala sa tukso ang ferson! Palaging unahin ang mas kailangang gawing priyoridad at tapusin ang mga nakaatang na gawain bago tayo magpadala sa pang-aakit ng mga apps na yan😜
03/12/2023
Lights💡, Camera🎥, Action❗
Ready na ba ang lahat na matuklasan at mapanood ang maikling pelikulang handog ng aming adbokasiya?
Stay tuned sa mga taong pagod na sa buhay at gusto nang mag pahinga sakanya- ay este sa lahat.
Malay mo dito mo mahanap ang mga paraan para maging maayos ang pag babalanse ng oras mo?
03/12/2023
Pagiging mag aaral at isang manlalaro...
Kay hirap pagsabayin pero laging kakayanin. Hanggat bata pa, hanggat may oras pa, at hanggat kaya, Palaging subukan, subukan ang mga bagay na nakapagpapasaya sa atin, ang mga bagay na nakakakapaglabas ng totoong tayo at gawin ang mga bagay kung saan ka magaling. "Laging piliin na sumubok" dahil marami pang oras ang kaya nating gugulin at hindi dapat sayangin.
In frame | Rhian Noveno
Heads up, Everyone!
Our group conducted an interview inside Olivarez College-Tagaytay last November 29-30, 2023 that shows each student's different perspectives on time management and how they manage their time well. Here is our classmate, Cassandra Ross Angcaya from Humss 11-Turquoise
In this interview, Angcaya highlighted the "Pomodoro technique" that she always uses while doing her schoolwork. 25 minutes of focused work broken by five-minute breaks which she said can help students to avoid burnout.
Ikaw, Handa ka na bang sumama at ipakita ang mas produktibong bersiyon ng sarili mo?
01/12/2023
Palagi mo rin bang ginigipit ang 'yong sarili, sa dami ng gawain sa paaralan, responsibilidad sa bahay, bilang anak at bilang kapatid?
'Wag kakalimutan na maglaan ng oras para sa sarili mo, sa mga taong mahal mo, sa mga kaibigan, at sa mga bagay na makakapagpasaya sayo. Dahil minsan, gaya nga ng sabi nila. Kung nahihirapan ka, hindi masamang magpahinga.
In frame | Jillian Cueno, Precious Guevarra, & Ericka Badua
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
E. Aguinaldo Hi-Way, Crossing Silang
Tagaytay City