18/05/2026
📣 BRIGADA ESKWELA 2026 📣
Heads Up Neoganista, kayo ay aming inaanyayahang lahat mga magulang, mag-aaral, alumni, mga stakeholder, at kasapi ng komunidad na makiisa sa taunang Brigada Eskwela bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase🏫🧹🧤🪣
🗓 Petsa: June 1-5, 2026
📍 Lugar: Neogan Elementary School
Layunin ng gawaing ito na maisaayos, mapanatili ang kalinisan, at mapabuti ang mga pasilidad ng paaralan upang matiyak ang isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral🧒🧑
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pamamagitan ng:
• Paglilinis ng loob at paligid ng paaralan
• Pagkukumpuni at pag-aayos ng mga kagamitan
• Pagpipintura ng mga silid-aralan at pasilidad
• Pagbibigay ng donasyon tulad ng cleaning materials, pintura, at iba pa
Ang inyong pakikiisa at suporta ay mahalaga sa tagumpay ng programang ito at sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan🚪🪑🏫🏫
Maraming salamat po at inaasahan ang inyong aktibong pakikilahok.
📌 Makiisa. Makibahagi. Magbayanihan para sa Edukasyon🌟✨