DepEd Tayo Dilag Integrated School

DepEd Tayo Dilag Integrated School Official page of Dilag Integrated School

๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐ค๐จ๐ซ, ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญBago marinig ang hudyat ng karera, matagal nang nagsi...
18/09/2026

๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐ค๐จ๐ซ, ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ฌ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ

Bago marinig ang hudyat ng karera, matagal nang nagsimula ang laban sa bawat ensayo, sa pagod na tiniis, at sa pangarap na maitaas ang pangalan ng Dilag Integrated School.

Sa bawat sandali ng kompetisyon, nasusukat ang sipag, tiyaga, at determinasyon ng isang kalahok. Sa likod ng bawat kilos at estratehiya ay mga araw ng paghahanda at pangarap na maipamalas ang kakayahan para sa paaralan.

Bitbit ang pangalan ng kanilang paaralan, lumahok ang mga kinatawan ng Dilag Integrated School (DIS) sa 2026 Tabuk City Athletic Meet na ginanap noong Setyembre 8 hanggang 11, 2026, sa Tabuk City.

Kasama ang iba pang paaralan sa lungsod, hinarap ng mga kinatawan ng DIS ang hamon ng kompetisyon sa ibaโ€™t ibang larangan. Mula sa mga gawaing nangangailangan ng bilis, lakas, at tiyaga hanggang sa mga larong sumusubok sa talas ng isip, bawat kalahok ay nagdala ng sariling husay, paghahanda, at determinasyong maipagmalaki ang kanilang paaralan.

Sa bawat pagsabak, hindi lamang resulta ang mahalaga. Ang bawat kilos, estratehiya, at pagharap sa hamon ay nagsisilbing pagkakataon upang matutuhan ang disiplina, paggalang sa kapwa kalahok, at kahalagahan ng patuloy na pagsisikap.

Sa temang โ€œTABUK: United in Sports, Guided by Trust, Accountability, Binnadang, Unity, and Kindness, Striving for Excellence,โ€ nagsilbing paalala ang palaro na ang kahusayan ay hindi lamang nakikita sa resulta. Nakaugat din ito sa pagkakaisa, pananagutan, at paggalang sa kapwa kalahok.

Sa likod ng bawat kinatawan ay mga g**ong gumagabay, coach na humahasa ng kakayahan, magulang na nagbibigay ng suporta, at komunidad na patuloy na naniniwala sa potensiyal ng kabataan. Ang kanilang pagtutulungan ang naging mahalagang bahagi ng paglahok ng DIS sa city meet.

Higit pa sa kompetisyon, naging pagkakataon ang palaro upang matutuhan ng mga kabataan ang halaga ng tiyaga, pagtanggap sa hamon, at patuloy na pagsisikap upang mapabuti ang sarili. Maaaring matapos ang isang laban sa loob lamang ng ilang minuto, ngunit ang mga aral na nabuo sa mahabang paghahanda ay patuloy na mananatili.

Sapagkat sa bawat larangang kinahaharap, hindi lamang husay ang ipinapamalas kundi ang pangarap na patuloy na umaabante.

Taos-pusong pasasalamat ng Dilag Integrated School kay School Head Sirikit B. Odan, Sports Coordinator Xhaina P. Marallag, sa mga g**o, coaches, PTA, at buong komunidad ng Dilag sa kanilang walang sawang suporta, paggabay, at pagtitiwala sa mga kinatawang lumahok sa 2026 Tabuk City Athletic Meet. Ang inyong oras, pagsisikap, at malasakit ang naging mahalagang bahagi ng paglahok ng mga Dilagueรฑo sa paligsahan.




๐“๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐ข ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š, ๐”๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฐ๐ง๐ ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐‚๐’๐‚-๐‚๐€๐‘; ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐ž๐ฌ๐ญ๐จUmalingawngaw ang tinig ni Christine L. Lagula ng Dilag Inte...
17/09/2026

๐“๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐ข ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š, ๐”๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฐ๐ง๐ ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐‚๐’๐‚-๐‚๐€๐‘; ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐ž๐ฌ๐ญ๐จ

Umalingawngaw ang tinig ni Christine L. Lagula ng Dilag Integrated School sa Tinig at Panulat Para sa Lingkod Bayani: Oratorical Competition ng Civil Service Commissionโ€“Cordillera Administrative Region (CSC-CAR) matapos niyang makamit ang ikalawang puwesto sa patimpalak na ginanap noong Setyembre 16, 2026, sa CSC-CAR Learning and Development Building, 116 Wagner Road, Military Cut-off, Baguio City.

Kinatawan ni Lagula ang Dilag Integrated School sa kompetisyong naglalayong linangin ang kakayahan ng mga kalahok sa mahusay, malinaw, at makabuluhang pagpapahayag sa pamamagitan ng oratorical speech.

Bilang paghahanda, isinailalim ni Lagula sa masusing pagsasanay ang kaniyang oratorical piece sa ilalim ng paggabay ni Gng. Reminda D. Baguiwan. Kabilang sa mga isinasaalang-alang sa paghahanda ang mechanics ng patimpalak, partikular ang itinakdang pitong minutong oras ng pagtatanghal.

Sa kaniyang pagtatanghal, naipamalas ni Lagula ang husay sa pagsasalita, malinaw na pagbigkas, wastong pagpapahayag, at kakayahang maghatid ng mensaheng may kabuluhan. Ang kaniyang pagganap ay nagbunga ng pagkakamit niya ng ikalawang puwesto sa kompetisyon.

Bukod sa pagkilala sa kaniyang kakayahan sa oratoryo, nagsilbing pagkakataon din ang patimpalak upang mahasa ang kaniyang tiwala sa sarili, disiplina sa paghahanda, at kakayahang magpahayag sa harap ng tagapakinig.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Dilag Integrated School sa OIC School Head na si Sirikit B. Odan at sa mga g**ong nagbigay ng suporta sa paghahanda at paglahok ni Lagula sa kompetisyon.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing dagdag na inspirasyon sa mga mag-aaral ng paaralan na patuloy na linangin ang kanilang kakayahan sa pagsasalita, pagsulat, at makabuluhang pagpapahayag, gayundin ang kanilang tapang na gamitin ang tinig upang maghatid ng mga mensaheng may kabuluhan sa komunidad.



๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐‡๐ข๐ง๐ฎ๐›๐จ๐  ๐ฌ๐š ๐‚๐ซ๐ข๐ฆ๐ž ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’Pinaigting ng Dilag Integrated School (DIS) ang kama...
08/09/2026

๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐‡๐ข๐ง๐ฎ๐›๐จ๐  ๐ฌ๐š ๐‚๐ซ๐ข๐ฆ๐ž ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’

Pinaigting ng Dilag Integrated School (DIS) ang kamalayan ng kabataan sa pag-iwas sa krimen at pagpapanatili ng kapayapaan sa isinagawang โ€œYouth for Peace: Crime Prevention and Peace Education Symposiumโ€ nitong Setyembre 8 sa covered court ng paaralan.

Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula Grade 6, Junior High School (JHS), hanggang Senior High School (SHS), kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga, bilang bahagi ng programa na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman sa kaligtasan, proteksiyon at responsableng pagkamamamayan.

Tinalakay ng mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP) ang ibaโ€™t ibang usapin hinggil sa crime prevention, anti-bullying, violence prevention, child protection, cybersecurity at responsableng paggamit ng social media.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng positibong disiplina at pagpapatupad ng Child Protection Policy sa paaralan. Tinalakay naman ni Eduardo Wacan Anniban Jr., MRP Coordinator ng City Local Government Unit, ang mga paraan upang mapanatili ang ligtas at protektadong kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Itinampok din sa symposium ang mga panganib ng ilegal na droga at ang kahalagahan ng pagiging responsable at mapanagutang kabataan. Kabilang din sa mga tinalakay ang peace education at conflict resolution upang matulungan ang mga mag-aaral na matutong lutasin ang mga alitan sa mahinahon at mapayapang paraan.

Pinangunahan ni School Head Sirikit B. Odan ang pambungad na bahagi ng programa, habang nagbahagi naman si PTA President Lino A. Gubat ng mga pananaw hinggil sa pagpapaunlad ng proyekto at mga yugto ng pagbuo at tungkulin ng School Guard.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang Peace Pledge and Commitment Signing, kung saan nangako ang mga kalahok na makikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan at pagkakaisa sa paaralan at komunidad.

Sa pamamagitan ng naturang symposium, layunin ng DIS na mahubog ang kabataan bilang mapanagutan, mapagmatyag at aktibong katuwang sa pag-iwas sa krimen at pagtataguyod ng kapayapaan.

Sa sama-samang pagkilos ng paaralan, pamilya at komunidad, inaasahang mas mapatatatag ang isang ligtas at mapayapang kapaligiran kung saan ang bawat kabataan ay maaaring matuto, umunlad at mamuhay nang may seguridad. #



๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐’๐ก๐จ๐จ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅSa layong palakasin ang kahandaan sa sakuna at tiyakin ang kaligtasan ng mga ...
03/08/2026

๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐’๐ก๐จ๐จ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ

Sa layong palakasin ang kahandaan sa sakuna at tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang stakeholders, matagumpay na isinagawa ng Dilag Integrated School ang School Active Shooting Drill noong Agosto 3, 2026, katuwang ang Philippine National Police (PNP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Barangay Local Government Unit (BLGU).

Ang aktibidad ay bahagi ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) Program ng Department of Education na naglalayong ihanda ang komunidad sa wastong pagtugon sa insidente ng aktibong pamamaril. Nagsimula ang programa sa oryentasyon ng PNP hinggil sa layunin at tamang pagsasagawa ng drill. Sinundan ito ng Incident Command System (ICS) briefing na pinangunahan ng CDRRMO para sa mga g**o. Bilang pangwakas, isinagawa ang simulation drill kung saan aktibong nakilahok ang mga mag-aaral, g**o, at iba pang stakeholders.

Ayon kay maโ€™am Sirikit B. Odan, School Head ng Dilag Integrated School, โ€œAng drill na ito ay hindi lamang isang pagsasanay kundi paalala na ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay pangunahing tungkulin ng paaralan at ng komunidad.โ€

Ipinakita ng aktibidad ang matibay na ugnayan ng paaralan, barangay, at kapulisan sa pagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan ng komunidad sa harap ng anumang emerhensiya. Nagsilbi rin itong patunay ng sama-samang pagkilos ng ibaโ€™t ibang ahensya upang mapanatili ang ligtas at handang kapaligiran para sa mga mag-aaral. #



๐๐š๐ง๐๐ข๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š, ๐ˆ๐ฐ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฒ๐ฐ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’Sa bawat pag-angat ng mga bandila ng Gol...
02/08/2026

๐๐š๐ง๐๐ข๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š, ๐ˆ๐ฐ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฒ๐ฐ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฆ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’

Sa bawat pag-angat ng mga bandila ng Golden Tigers, Silver Foxes, Blue Hawks, Green Dragons, at Red Warriors, hindi lamang limang koponan ang nagtipon sa iisang entablado. Muli ring nabuhay ang diwa ng pagkakaisa, sigla, at pagkakaibigan sa pagbubukas ng Intramurals 2026 ng Dilag Integrated School noong Hulyo 29, sa temang โ€œPlay Hard, Learn Strong, Lead On.โ€

Naging tampok sa seremonya ang raising of banners, na nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng mga palaro at sagisag ng iisang adhikain ng bawat koponan na makipagtagisan nang may dangal, paggalang, at sportsmanship. Sa pagwagayway ng bawat bandila, dama ang pananabik ng mga mag-aaral na muling makibahagi sa taunang pagdiriwang ng talento at husay.

Mas lalo pang nabigyang-buhay ang programa sa makukulay na dance presentation ng mga mag-aaral sa elementarya at sa masiglang Zumba performance na nagpasaya sa mga g**o, mag-aaral, magulang, at iba pang panauhing nakiisa sa pagdiriwang. Bawat pagtatanghal ay naghatid ng enerhiya at nagpatunay sa sama-samang paghahanda ng buong komunidad ng paaralan.

Ngunit higit pa sa mga paligsahan at pagtatanghal, ipinakita ng intramurals ang mas malalim nitong layunin. Naging daan ito upang maisabuhay ng mga mag-aaral ang disiplina, pagtutulungan, paggalang, at pamumuno. Sa bawat laban at hamon, higit na namayani ang pagkakaibigan, pakikipagkapuwa, at pagkatutong hindi kayang sukatin ng anumang medalya o tropeo.

Sa ilalim ng temang โ€œPlay Hard, Learn Strong, Lead On,โ€ muling pinatunayan ng Dilag Integrated School na ang tunay na diwa ng intramurals ay hindi lamang nakikita sa mga nagwawagi. Nasasalamin ito sa mga ngiti, palakpakan, at samahang nabuo sa bawat kalahok. Sa huli, ang pinakamahalagang tagumpay ay ang pagkakaroon ng isang komunidad na sama-samang natututo, naglalaro, at humuhubog ng mga lider para sa kinabukasan.

๐Š๐จ๐ซ๐จ๐ง๐š, ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐›๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐คMuling nabigyang-buhay ang tradisyon ng pageantr...
02/08/2026

๐Š๐จ๐ซ๐จ๐ง๐š, ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐›๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค

Muling nabigyang-buhay ang tradisyon ng pageantry sa Dilag Integrated School (DIS) nang matagumpay na idaos ang Mr. and Miss Intramurals 2026 noong Hulyo 31 sa Dilag Integrated School Covered Court, matapos ang ilang taong hindi naisasagawa ang naturang patimpalak.

Tinanghal na Mr. Intramurals 2026 si Aries Jay Cha-ay, habang nakamit naman ni Ashlyn Gel Banza ang korona bilang Miss Intramurals 2026. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento, kumpiyansa, at talino sa production number, school uniform, casual wear, at question-and-answer portion, na naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi.

Kinilala rin bilang 1st Runner-up sina Mark Anthony Granada at Christine Lagula; 2nd Runner-up sina Ramil Torres at Arianne Faith Guiwan; 3rd Runner-up sina Jerome Torres at Gir Sil Marquez; at 4th Runner-up sina Milbin Cadalig at Fritz Winona Vera Aguban.

Naging tampok ang patimpalak bilang isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng Intramurals 2026, na nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang kakayahan sa entablado, kumpiyansa sa sarili, at husay sa pakikipagtalastasan. Higit pa sa paghahanap ng mga bagong hari at reyna, itinampok ng programa ang diwa ng pagkakaisa, paggalang, at malusog na kompetisyon sa loob ng paaralan.

Sa pangunguna ni School Head Sirikit Odan, matagumpay na naisakatuparan ang programa sa tulong ng Pageant Chairperson Anamarie Carillo, na nanguna sa panukalang maibalik ang pageant matapos ang ilang taon, at ni Sports Coordinator Xhaina Marallag, kasama ang mga g**o at non-teaching personnel na naging katuwang sa paghahanda at pagsasagawa ng patimpalak.

Pinasalamatan din ang mga hurado sa kanilang patas na paghusga, gayundin ang mga magulang, mag-aaral, at buong komunidad ng Dilag Integrated School sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa na naging susi sa matagumpay na pagbabalik ng Mr. and Miss Intramurals.

Ang muling pagsusuot ng korona sa Dilag Integrated School ay hindi lamang nagbunsod ng sigla sa pagdiriwang ng intramurals, kundi nagsilbi ring patunay na sa sama-samang pagkilos ng pamunuan, mga g**o, magulang, at mag-aaral, muling nabubuhay ang mga tradisyong nagpapalakas ng pagkakaisa at pagmamalaki ng komunidad ng paaralan.

29/07/2026

๐•๐จ๐ข๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐†๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ž, ๐’๐ฒ๐ฆ๐›๐จ๐ฅ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž

On behalf of the DepEd Dilag Integrated School Division Family, Tabuk City, we extend our sincerest gratitude to President Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) and Secretary Juan Edgardo โ€œSonnyโ€ Angara (SJEA).

The lapels gifted to our teachers are more than adornments, they are symbols of honor, service, and the shared mission of nurturing education. Each lapel worn close to the heart reflects the unwavering support for our educators who continue to light the path of learning for every Filipino child.

Mabuhay ang mga g**o. Mabuhay ang edukasyon. Mabuhay ang DepEd!

๐Ÿ“ธ&โœ๏ธ Salvatorre Caldingon

24/07/2026

๐“๐‡๐„ ๐‚๐‘๐Ž๐–๐ ๐€๐–๐€๐Š๐„๐๐’๐Ÿ‘ธ๐Ÿคด

Save the Date | July 31, 2026

The stage is set. The spotlight is ready. The journey to the crown begins.

We warmly invite everyone to witness the grace, confidence, talent, and excellence of our candidates as they compete for the prestigious titles of Mr. & Miss Intrams 2026 of Dilag Integrated School.

๐Ÿ“… July 31, 2026

Be there. Witness the moment. Celebrate the reign.

24/07/2026
๐“๐š๐ง๐จ๐, ๐›๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’Nag-deploy ng mga Barangay Tanod mula sa Barangay Dilag ang pamunuan nito upang mapalakas an...
13/07/2026

๐“๐š๐ง๐จ๐, ๐›๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฅ๐š๐  ๐ˆ๐’

Nag-deploy ng mga Barangay Tanod mula sa Barangay Dilag ang pamunuan nito upang mapalakas ang seguridad at kaayusan sa Dilag Integrated School (DIS) noong Hulyo 13, bilang tugon sa kahilingan ng Parents-Teachers Association (PTA) at sa pag-apruba ni Punong Barangay Winnie O. Balitnang.

Nag-ugat ang naturang deployment sa liham na ipinadala ng paaralan sa Pamahalaang Barangay ng Dilag noong Hunyo 3, na nilagdaan ni School Head Sirikit B. Odan, na humihiling ng pagtalaga ng mga Barangay Tanod alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026 hinggil sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran sa pagkatuto.

Itinalaga ang mga Barangay Tanod upang magbantay sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral, tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan, at mangasiwa sa daloy ng trapiko sa paligid ng kampus.

Kasabay ng kanilang deployment, ipinatutupad din ang pagbabawal sa pagpasok at pagpaparada ng mga motorsiklo ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan, habang sa Barangay Hall lamang pinahihintulutang iparada ang mga ito alinsunod sa umiiral na patakaran.

Address

Dilag
Tabuk
3800

Opening Hours

9am - 5pm

Telephone

+639052074896

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Dilag Integrated School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Dilag Integrated School:

Shortcuts

Share

Category