29/08/2026
π₯ππ ππ πππ₯ππ‘π π‘πππ ππ₯π π¦π§π₯π’π‘π
Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kamatayan ng American astronaut at aeronautical engineer na si Neil Armstrong. Si Armstrong ay ang kauna-unahang tao na nakatapak sa Buwan.
Isinilang noong August 5, 1930 sa Wapakoneta, Ohio sa U.S., naging lisensyadong piloto si Armstrong sa edad na 16. Pumasok siya sa Purdue University sa Indiana sa kursong aeronautical engineering ngunit naudlot ang kaniyang pag-aaral dahil sa kaniyang paglilingkod sa Korean War noong 1950. Muling ipinagpatuloy ni Armstrong ang pag-aaral hanggang sa makuha niya ang kaniyang digri sa engineering noong 1955. Mula sa pagiging naval aviator (1949-1952), sumali sa National Advisory Committee for Aeronautics (NACA) si Armstrong noong 1955. Una siyang itinalaga sa NACA Lewis Research Center sa Cleveland. Sa loob ng 17 taon, nagsilbi siya bilang engineer, test pilot, astronaut, at administrator ng NACA bago ito naging National Aeronautics and Space Administration (NASA). Taong 1962 nang siya'y maging ganap na astronaut. Itinalaga siya bilang command pilot ng Gemini 8 mission na inilunsad noong March 1966.
Higit na nakilala si Armstrong nang siya ay mapili sa mga taong ipapadala sa Buwan. Naging space commander siya ng Apollo 11, ang ekspedisyon na maghahatid sa mga tao sa Buwan sa kauna-unahang pagkakataon noong July 20, 1969. Sa kanyang pagtapak sa Buwan, kaniyang sinabi ang βThatβs one small step for [a] man, one giant leap for mankind.β
Noong 1971 nang siya ay magretiro sa NASA. Naging g**o si Armstrong sa University of Cincinnati (Ohio) mula 1971 hanggang 1979 at naging chairman at direktor ng ibaβt ibang kumpanya gaya ng Computing Technologies for Aviation at AIL Systems (kalaunaβy EDO Corporation). Nagsilbi rin siya sa National Commission on Space (NCOS) at Presidential Commission on the Space Shuttle Challenger Accident.
Umani ng iba't ibang parangal at pagkilala si Armstrong sa ilang dekada niyang serbisyo. Kabilang dito ang Presidential Medal of Freedom; Congressional Gold Medal; Congressional Space Medal of Honor; NASA Distinguished Service Medal; at Royal Geographic Society's Gold medal.
Pumanaw si Armstrong sa edad na 82 noong August 25, 2012 sanhi ng kumplikasyon dulot ng cardiovascular procedures. Noong September 14, 2012, inilagak ng barkong USS Philippine Sea ang kaniyang mga abo sa Atlantic Ocean.
Encyclopedia Britannica. Neil Armstrong. Retrieved from https://www.britannica.com/biography/Neil-Armstrong
National Aeronautics and Space Administration. Biography of Neil Armstrong. Retrieved from https://www.nasa.gov/centers/glenn/about/bios/neilabio.html