13/09/2026
🦟🚫 SAMA-SAMA TAYONG LABANAN ANG DENGUE! 🧹🌿
Alinsunod sa PDRRMC–APSEMO Advisory No. 2026-16 tungkol sa Suspension of Classes Due to Dengue, hinihikayat natin ang buong Basagan Elementary School community—mga mag-aaral, magulang, g**o, at personnel—na makiisa sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.
💚 Ang pag-iwas sa dengue ay responsibilidad nating lahat!
Sa panahon ng class suspension, gawin nating pagkakataon ito upang:
✅ Linisin ang loob at paligid ng ating tahanan at paaralan
✅ Alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig
✅ Suriin ang mga paso, lalagyan, kanal, bubong at iba pang posibleng pamugaran ng lamok
✅ Panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran
✅ Makilahok sa mga clean-up at dengue prevention activities
✅ Bantayan ang ating mga anak at maging alerto sa mga senyales at sintomas ng dengue
Tandaan: Kapag malinis ang kapaligiran, nababawasan ang panganib ng dengue.
🤝 Kaisa ang Basagan Elementary School sa paglaban sa Dengue!
Makiisa. Maglinis. Mag-ingat. Magligtas. 💚