21/12/2024
Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin at liwanag ng parol, nag tipon-tipon ang HUMSS 1206 upang ipagdiwang ang diwa ng Pasko. Isang araw na puno ng saya, halakhak, at samahan β mga sandaling magpapaalala sa atin na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi nasusukat sa dami ng regalo kundi sa init ng pagmamahal at pagkakaibigan.
Mula sa masasayang laro, palitan ng regalo, hanggang sa simpleng tawanan, napatunayan nating ang pinakamahalagang handog ay ang pagiging present para sa isaβt isa.
Ang Paskong ito ay hindi lamang tungkol sa pagtatapos ng taon kundi paggunita sa mga pinagsaluhang alaala at mga bagong simula. Salamat sa bawat isa na naging bahagi ng pagdiriwang na ito β sa mga organisador, sa aming g**o na si Ma'am Danica Paglinawan, at sa buong HUMSS 1206 na patuloy na nagbibigay liwanag at saya sa buhay ng bawat isa.
Mula sa HUMSS 1206, Maligayang Pasko sa inyong lahat!ππ
15/11/2024
Happy birthday Ate Krystel!
May this special day bring you success, happiness, and everything you deserve.
05/11/2024
Happy birthday Amielvin!
May your birthday be the start of a year filled with good luck, good health, and much happiness.
22/10/2024
βWhen you reach an obstacle, turn it into an opportunity. You have the choice. You can overcome and be a winner, or you can allow it to overcome you and be a loser. The choice is yours and yours alone. Refuse to throw in the towel. Go that extra mile that failures refuse to travel. It is far better to be exhausted from success than to be rested from failure.β β Mary Kay Ash.
Congratulations humanista! Worth it lahat ng pagod, puyat at pagsisikap! Again, Congratulations HUMSS 1206 for your outstanding performance. Keep on dreaming!
Angat Humanista!
π» Joyce Ann Valencia
βοΈ Shiela Mae Amo
17/10/2024
Maligayang kaarawan Mary Grace!
Hiling namin ang iyong kaligtasan at pag abot sa iyong mga pangarap.
07/10/2024
Maligayang kaarawan Jacinto!
"Sana'y maging masaya ka sa piling ng mga mahal mo sa buhay. Nawa'y patuloy kang pagkalooban ng lakas, kalusugan, at tagumpay.
17/09/2024
Maligayang kaarawan, Angel!
Batid namin na ang iyong kaarawan ay tapos na ngunit ang aming dalangin ay maging masaya ka hindi lang sa iyong kaarawan kundi sa bawat araw ng iyong buhay. Nawa'y patuloy ang pagdating ng mga biyaya at tagumpay sa'yo.
14/09/2024
Maligayang kaarawan, Ashley Shane!
May this day be filled with joy and happiness as you embark on the new chapter of your life. Bagong pahina, bagong kabanata. Nawa'y matupad mo ang iyong mithiin ng may galak sa kalooban.
11/09/2024
Maligayang kaarawan, Ashley!
Nawa'y maging masaya, puno ng pagmamahal, at pagpapala ang iyong espesyal na araw. Sana'y matupad ang lahat ng iyong mga pangarap at magpatuloy ang kasiyahan at tagumpay sa buhay.
02/09/2024
Maligayang kaarawan, Ma'am Danica!
Maulan man ngayong araw, dalangin namin na hatid pa rin nito ang maraming biyaya at kasiyahan sa inyo. Salamat sa inyong walang sawang paggabay at pagmamahal sa amin.
Nawa'y maging makulay at masaya ang bawat yugto ng iyong buhay, puno ng pag-asa, pag-ibig, at tagumpay! π€
28/08/2024
Maligayang kaarawan, Reichlle!
Nawa'y patuloy mong damhin ang bawat sandali ng iyong buhay nang may pagmamahal at kagalakan. Sa iyong araw, nawa'y mapuno ka ng mga biyaya at tagumpay. π€