27/01/2026
Throwback Tuesday?? ⏪
Habang naghahanda ang lahat para sa FAST INTRAMURALS 2026, muli nating damhin ang pagkakaisa mula sa ating nagdaang selebrasyon ng wika at kultura. 🇵🇭
Pagpupugay sa lahat ng mga nagpartisipa at nanalo! 🏆👏
Ikaw, anong kwentong FilDay mo?
Mga larawan mula sa FFE
10/01/2026
Na may taos-pusong pasasalamat at pagpupugay, ating ginugunita ang buhay at dedikasyon ng ating dating Instruction Specialist at Club Adviser, Yolly Villanueva.
Hindi matatawaran ang kanyang katatagan; hinarap niya ang bawat hamon nang may galak at kabutihan, kabilang na ang kanyang patuloy na pagtuturo sa gitna ng pandemya. Ang kanyang mensahe ng pagmamahal ay isang pamana na ating itatangi at isasabuhay araw-araw.
Maraming salamat at paalam, Ma’am Yolly. Mananatili ka sa aming mga puso.
26/11/2025
Maligayang kaarawan sa aming minamahal na gurong tagapayo, Ma’am Kia! 🌷
Maraming salamat po sa inyong walang sawang gabay, suporta, at malasakit. Dahil sa inyo, mas nagsusumikap kaming maging mas responsable at makabayan. Patuloy po sana kayong pagpalain ng lakas, saya, at tagumpay sa lahat ng inyong ginagawa. 🎉
Higit pa rito, umaasa po kaming mas marami pang masasayang alaala at tagumpay ang ating pagsasamahan. Nawa’y maging inspirasyon pa rin po kayo sa bawat hakbang namin at patuloy na maghatid ng liwanag sa aming pag-aaral at buhay.
24/11/2025
Isang makasaysayang araw ang ating ipinagdiriwang ngayon: dalawampu’t dalawang taon ng tagumpay, paglago, at pagkakaisa — at sa likod nito ay ang matatag na pinuno na naging sandigan ng FAST.
Ipinagdiriwang natin ang 22 taon ng edukasyon at serbisyong may puso, at kasabay nito ay binibigyan natin ng mataas na pagpapahalaga at taos-pusong pasasalamat si Sir Senior sa kanyang malaking ambag at patuloy na inspirasyon sa komunidad ng FAST.
Maligayang kaarawan, Sir Senior, at Maligayang Ika-22 Anibersaryo, FAST!
14/11/2025
Anim na araw na lang!✨
Alam mo ba? Noong 2016 Batangas Inter-High School Academic, Skills, and Cultural Competition, kinilala ang Fame Academy of Science and Technology bilang Overall Top Performing School sa Batangas! Talagang ipinakita ng FAST ang husay sa academics at kultura!💎💫
05/11/2025
Maligayang kaarawan sa aming masipag, matalino, at kahanga-hangang Pangalawang Pangulo ng Hiraya Filipino Club, Queenzlet Turao! 💛🎊
Salamat sa iyong malasakit, tapang, at dedikasyon sa bawat hakbang ng ating samahan. Nawa’y maging makulay, masaya, at puno ng biyaya ang iyong araw!
04/11/2025
Bago ang lahat, nais naming batiin ang ating August, September, October, at November birthday celebrants ng isang taos-pusong belated happy birthday, happy birthday, at advanced happy birthday!!! 🎂🥳
Muli, kami sa Filipino Club ay nagpapahatid ng aming taos-pusong pagbati. Nawa’y magpatuloy kayong maging mabuting halimbawa at positibong impluwensya sa ating samahan habang pinapahalagahan natin ang ating kultura. 🇵🇭
Sana mas marami pa kayong maranasan na masasayang sandali, tagumpay, at magagandang alaala kasama ang lahat! 💖
05/10/2025
Isang taos-pusong pagpupugay kina Ma’am C, Sir Jeric, at Ma’am Kia, na walang sawang nagbibigay-gabay, inspirasyon, at kaalaman. Sa bawat aral na inyong ibinahagi, at sa bawat puso’t isipan na inyong hinubog, kayo ang tunay na haligi ng pag-asa at pagbabago. Bilang mga tagapayo ng Filipino Club, higit pa sa akademikong kaalaman ang inyong naibabahagi. Kayo ang nagsisilbing tanglaw sa pagtataguyod ng ating wika, kultura, at identidad.
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon. Maligayang Araw ng mga G**o! 💐
01/09/2025
Maligayang kaarawan sa haligi ng ating Hiraya Club! 🎉✨ Maraming salamat sa walang sawang pamumuno, dedikasyon, at inspirasyong ibinabahagi mo sa bawat isa sa amin. Nawa’y lalo ka pang pagpalain ng karunungan, lakas, at sigasig upang patuloy na gabayan ang ating samahan tungo sa tagumpay.
Nawa’y sa iyong kaarawan ay maramdaman mo ang aming taos-pusong pasasalamat at paghanga. Patuloy kang maging ilaw at inspirasyon ng ating samahan, at nawa’y magdala ng higit pang tagumpay at kasiyahan ang bawat hakbang mo.
Hiraya Manawari! 💫