20/12/2025
TINGNAN:
M-E-S Year-End Party binalot ng galak; umaapaw ang regalo, kulitan at masayang palaro
Binalot ng kasiyahan, tawanan at diwa ng pasasalamat ang ginanap na M-E-S Year-End Party ng Mayapyap Elementary School (M-E-S) nitong Biyernes, na dinaluhan ng mga g**o at kawani ng paaralan bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng taon.
Personal na nanguna at nag-asikaso sa nasabing pagtitipon si Principal II June Bernabe, katuwang si Assistant School Head Gerleeh Q. Sacdal at ang mga non-teaching personnel ng paaralan. Maingat na inihanda ang buong programa mula sa pagkaing naka-cater, pamimigay ng mga regalo, hanggang sa mga masiglang palaro na lalong nagpaigting sa samahan ng bawat isa.
Makikita ang masayang kulitan at pagbibigayan habang sabay-sabay na nag-enjoy ang mga g**o at kawani sa iba’t ibang aktibidad na inihanda ng pamunuan. Lalo pang naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan na ipinamalas ng buong komunidad ng M-E-S.
Ayon kay Principal II June Bernabe, ang year-end party ay kaniyang simpleng paraan ng pasasalamat at pagkilala sa dedikasyon, sakripisyo at walang sawang paglilingkod ng mga g**o at kawani sa buong taon. Aniya, mahalagang bigyang-halaga ang bawat isa sapagkat sila ang nagsisilbing haligi ng tagumpay ng paaralan.
Dagdag pa rito, nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng M-E-S sa mga magulang at sa lahat ng mga sponsors na naghandog ng mga regalo na naging malaking bahagi sa tagumpay ng nasabing pagtitipon. Ayon sa pamunuan, ang patuloy na suporta ng mga magulang at stakeholders ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad.
Binigyang-diin din ni Bernabe na ang ganitong mga pagtitipon ay hindi lamang nagbibigay-saya kundi nagpapalakas din ng samahan, moral at motibasyon ng mga kawani upang mas lalo pang pagbutihin ang kanilang serbisyo sa mga mag-aaral at sa komunidad.
Sa kabuuan, naging makulay at makahulugang pagdiriwang ang M-E-S Year-End Party na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa, pasasalamat at bagong sigla sa pagharap sa mga hamon ng darating na taon.
18/12/2025
TINGNAN:
Masiglang Pagdiriwang ng Physical Fitness Day sa Mayapyap ES
Masigla at puno ng kulay ang selebrasyon ng Physical Fitness Day sa Mayapyap Elementary School nitong Huwebes sa M-E-S covered court. Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paligsahan at sayaw, suot ang kanilang makukulay na kasuotan at props, at ipinamalas ang kani-kanilang galing sa indak at koordinasyon sa saliw ng mga napiling tugtog.
Pinuri ni Head Teacher III at Assistant School Head Gerleeh Sacdal ang dedikasyon at kasipagan ng mga mag-aaral, pati na rin ang suporta ng mga g**o at magulang na naging katuwang sa matagumpay na pagdiriwang. Aniya, “Nakakatuwang makita ang sigla ng ating mga bata, at ang pagtutulungan ng bawat isa ay tunay na kahanga-hanga.”
Samantala, nagbigay naman ng parangal at munting regalo si Principal II June Bernabe sa lahat ng kalahok. Binigyang-diin niya na ang pisikal na aktibidad ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi sa holistic development ng mga bata, kabilang ang kanilang tiwala sa sarili, disiplina, at kakayahang makipagkapwa. “Ang bawat hakbang at indak ng mga bata ay patunay ng kanilang dedikasyon at saya sa paglahok,” ani Bernabe.
Natapos ang programa sa awarding ceremony, kung saan pinarangalan ang pinakamahusay na grupo at mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan sa kanilang performance. Ayon sa mga g**o, ang ganitong aktibidad ay hindi lamang nagpapaunlad sa pisikal na kakayahan ng mga bata kundi nagpapalakas din ng kanilang tiwala sa sarili at pakikipagkapwa.
Ang Physical Fitness Day sa Mayapyap ES ay naging matagumpay na selebrasyon ng kasiglahan, talento, at pagkakaisa ng buong komunidad ng paaralan.
16/12/2025
Happy birthday, Ma'am Jonalyn!
M-E-S wishes you full of surprises today and to the years ahead.
15/12/2025
TINGNAN:
Suporta ng DepEd, Ipinamalas sa NAT Mock Test ng Mayapyap ES
Nagbigay ng buong suporta si Dr. Sonny P. De Leon, Education Program Supervisor (EPS) sa Mathematics, sa isinasagawang National Achievement Test (NAT) Mock Test ng Mayapyap Elementary School (MES) bilang bahagi ng mas pinalakas na paghahanda para sa aktuwal na NAT.
Ayon kay Dr. De Leon, mahalaga ang pagsasagawa ng NAT Mock Test sapagkat nagsisilbi itong konkretong paghahanda ng mga mag-aaral sa aktuwal na pagsusulit. Aniya, sa pamamagitan nito ay nasusukat ang antas ng kahandaan ng mga Grade 6 learners at natutukoy ang kanilang lakas at kahinaan sa iba’t ibang asignatura, partikular sa Mathematics.
Dagdag pa ni De Leon, ang resulta ng mock test ay magsisilbing mahalagang batayan ng mga g**o at ng pamunuan ng paaralan sa pagbuo ng angkop na estratehiya at interbensiyon upang higit pang mapaangat ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Bumisita rin sa paaralan si PSDS Gemma Tan, District V Supervisor, upang personal na i-monitor ang isinasagawang NAT Mock Test at ipakita ang suporta ng district office sa mga g**o at mag-aaral. Pinuri niya ang maayos na organisasyon ng pagsusulit at hinikayat ang mga mag-aaral na galingan at seryosohin ang mock test bilang paghahanda sa aktuwal na NAT.
Ipinahayag naman ng pamunuan ng Mayapyap ES ang pasasalamat sa patuloy na paggabay at suporta ng DepEd sa district at division level. Inaasahan na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga g**o, magulang, at mga opisyal ng DepEd ay magiging mas handa at kumpiyansa ang mga Grade 6 learners sa nalalapit na National Achievement Test.
15/12/2025
TINGNAN:
109 na Grade 6 ng Mayapyap ES Sumailalim sa NAT Mock Test
Sumalang sa National Achievement Test (NAT) Mock Test ang 109 na Grade 6 learners ng Mayapyap Elementary School (MES) nitong Lunes bilang paghahanda sa nalalapit na opisyal na pagsusulit.
Pinangasiwaan ang mock test ng mga piling g**o mula sa Balite Integrated School na nagsilbing test facilitators upang masig**o ang maayos, patas, at maayos na daloy ng pagsusulit. Layunin ng aktibidad na masukat ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral at matukoy ang mga paksang kailangan pang pagtuunan ng pansin bago ang aktuwal na NAT.
Personal na binisita ni Principal II June Bernabe ang mga NAT takers upang ipakita ang suporta ng pamunuan at tiyaking nasusunod ang mga alituntunin ng pagsusulit. Ayon sa pamunuan ng paaralan, inaasahang magiging maayos at makabuluhan ang pagsasagawa ng NAT Mock Test ngayong araw, na magsisilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kahandaan ng mga mag-aaral.
Dagdag pa ng pamunuan, ang resulta ng mock test ay gagamitin bilang batayan sa pagpaplano ng mga susunod na interbensyon at academic support para sa mga Grade 6 learners ng Mayapyap ES.
14/12/2025
TINGNAN:
👉 Kahit maraming pagbabago o problema sa mundo,
ang pagmamahal ng Diyos ay hindi magbabago.
👉 Kahit may unos sa buhay,
ang Kanyang kapayapaan ay palaging kasama natin.
👉 Kahit ano pa ang mangyari,
ang Diyos ay may malasakit sa atin at hindi tayo iiwan.
13/12/2025
TINGNAN:
Ma’am Gerleeh Q. Sacdal ng Mayapyap ES, Ginawaran ng Outstanding OIC–Elementary School Head sa 2025 PRAISE ng Dibisyon ng Cabanatuan
Ginawaran ng Outstanding OIC–Elementary School Head si Ma’am Gerleeh Q. Sacdal sa idinaos na 2025 PRAISE: Natatanging Lingkod Husay Kawani noong Disyembre 12, 2025 sa La Parrilla Hotel, Zulueta, Cabanatuan City.
Isa si Ma’am Sacdal sa mga Finalists ng Natatanging Lingkod Husay Kawani matapos kilalanin ang kaniyang kahusayan bilang Outstanding OIC–Elementary School Head ng Calagundian Elementary School. Sa kasalukuyan, siya ay nakatalaga sa Mayapyap Elementary School bilang Head Teacher III–Assistant School Head, kung saan patuloy niyang naipapamalas ang epektibong pamumuno at malasakit sa paaralan at mga mag-aaral.
Ang PRAISE o Program on Awards and Incentives for Service Excellence ay isang taunang pagkilala ng Kagawaran ng Edukasyon alinsunod sa patakaran ng Civil Service Commission (CSC). Layunin nitong parangalan ang mga indibidwal o grupo na nagpakita ng natatanging nagawa, huwarang asal, at makabuluhang ambag sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pampubliko.
Pinuri naman ni Principal II June Bernabe si Ma’am Sacdal sa natamong parangal. Ayon sa kanya, “Ang pagkilalang ito ay patunay ng walang sawang paglilingkod, mahusay na pamumuno, at dedikasyon ni Ma’am Sacdal sa edukasyon. Malaki ang naiaambag niya sa pag-unlad ng paaralan at sa kapakanan ng mga g**o at mag-aaral. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat na patuloy pang paghusayin ang ating serbisyo.”
Ang parangal na ito ay hindi lamang karangalan para kay Ma’am Sacdal kundi pati na rin sa buong Mayapyap Elementary School, na patuloy na nagtataguyod ng kahusayan, integridad, at malasakit sa larangan ng edukasyon.
Binabati ka namin, Ma'am Gerleeh!
12/12/2025
TINGNAN:
MAG-AARAL NG MAYAPYAP ES, KINILALA SA TEAM CATEGORY NG CHESS SA 2025 DIVISION MEET
Patuloy na nag-iiwan ng marka ang Mayapyap Elementary School (MES) matapos kilalanin ang mag-aaral na si Gabriell Esmino bilang Silver Medalist sa Team Category ng Chess sa 2025 Division Meet na ginanap sa Lazaro Francisco Integrated School mula Disyembre 10–12, 2025.
Nakapagtala si Esmino ng limang panalo at dalawang talo, na nagbigay ng mataas na puntos upang makatulong sa kabuuang standing ng Boys’ Team. Ang Team Category ay bahagi ng kumpetisyon na naglalayong tukuyin ang pinakamalakas na grupo ng mga manlalaro batay sa pinagsama-samang puntos ng bawat kasapi.
Kinatawan ni Esmino ang District V, kasama ang dalawa pang mag-aaral mula sa P**a Elementary School, na nagsilbing katuwang niya sa prestihiyosong kategoryang ito.
Hindi rin nakaligtaan ang suporta ng kanyang coach at g**ong tagapayo na si Noel Samson, na buong panahong gumabay sa paghahanda ng batang chess player bago at habang tumatakbo ang kompetisyon.
Samantala, ipinahayag ni Principal II June Bernabe ang kanyang papuri sa tagumpay nina Esmino at Samson. Ayon sa kanya, ang pagkilalang natanggap ng batang manlalaro ay patunay ng dedikasyon ng MES sa paghubog ng mga mag-aaral na may talento, disiplina, at determinasyon. Idinagdag pa niyang inspirasyon si Esmino sa kapwa niyang mag-aaral na nagnanais sumubok sa larangan ng chess at iba pang sports.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamilya ni Esmino sa suportang ibinigay ng paaralan at distrito. Ayon sa kanila, patuloy nilang ipagpapatuloy ang pagsuporta sa pangarap ng bata na mas umangat pa sa chess at makasali sa mas malalaking kompetisyon.
Sa kabila ng matitinding kalaban, ipinakita ni Esmino ang galing at tatag ng isip, na nagdala hindi lamang ng medalya kundi ng karangalan para sa Mayapyap Elementary School at District V. Ang kanyang tagumpay ay inaasahang magsisilbing inspirasyon sa mga susunod pang manlalaro ng MES sa mga darating na kompetisyon.
12/12/2025
TINGNAN:
MAYAPYAP ELEMENTARY SCHOOL NAKIISA SA HULING ARAW NG 18-DAY CAMPAIGN TO END VAW
Nakiisa ang mga g**o at mag-aaral ng Mayapyap Elementary School sa huling araw ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ngayong Disyembre 12 sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay orange na damit bilang simbolo ng suporta laban sa karahasan sa kababaihan.
Ang kampanya, na taunang ipinagdiriwang sa Pilipinas mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, ay may temang “UNiTEd for a VAW-free Philippines.” Layunin nitong palakasin ang kabuuang pagkilos ng bansa upang mapabilis ang mga plano kontra karahasan, bigyang kapangyarihan ang kabataan at kalalakihan bilang katuwang, hikayatin ang bystander intervention, at isulong ang pag-iwas sa karahasan sa lahat ng sektor para sa mas ligtas na lipunan.
Idinagdag naman ni Principal II June Bernabe na mahalaga ang patuloy na pakikiisa ng paaralan sa ganitong kampanya. “Hindi lamang ito simpleng pagsusuot ng kulay orange. Ito ay isang paninindigan na ang ating paaralan ay ligtas, pantay, at nagbibigay-proteksyon sa bawat batang babae at kababaihan sa ating komunidad. Nawa’y maging daan tayo upang mas marami pang magising at makiisa sa laban kontra karahasan,” pahayag niya.
Patuloy namang hinihikayat ang komunidad na maging mapagmatyag, magsalita laban sa anumang uri ng pang-aabuso, at makiisa sa mga hakbang tungo sa isang VAW-free Philippines.
12/12/2025
TINGNAN:
IKALAWANG PUWESTO SA DISCUS THROW, NAKAMIT NG BATANG M-E-S
Nakamit ng Mayapyap Elementary School (M-E-S) ang ikalawang puwesto sa 2025 Division Meet sa kategoryang Discus Throw nitong Disyembre 11 na ginanap sa Palayan City Sports Complex.
Itinanghal na second placer si Angela Nicole Manalastas, mag-aaral ng M-E-S, matapos magpakita ng lakas, tamang teknik, at determinasyon sa kanyang kompetisyon. Pinanday at ginabayan siya ni Coach Jinky Santos, na masigasig na naghanda sa kaniya sa loob ng ilang linggo bago ang paligsahan.
Pinuri naman ni Principal II June Bernabe ang atleta at coach dahil sa kanilang dedikasyon at patuloy na pagdadala ng karangalan sa paaralan. Ayon sa kanya, ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag at tiyaga ng mga batang atleta ng Mayapyap ES.
Dagdag pa rito, naghatid ng inspirasyon si Angela sa kanyang mga kamag-aral, na nagsisilbing paalala na kaya ng sinuman makamit ang tagumpay sa larangan ng palakasan basta may pagsusumikap at tamang paggabay.
Well done, Angela!
07/12/2025
TINGNAN:
👉 Kung ano ang mabuti, ituro at gawin.
👉 Kung ano ang tama, isabuhay.
👉 Kung ano ang aral na natanggap mo, ipakita sa paggawa.
👉 At kapag ito'y ginawa mo, mararanasan mo ang tunay na kapayapaan mula sa Diyos.
06/12/2025
TINGNAN:
MAYAPYAP ELEMENTARY SCHOOL, KAMPEON SA PASKONG LUNTIAN ECO-FRIENDLY CHRISTMAS TREE MAKING 2025
Muling pinatunayan ng Mayapyap Elementary School ang kanilang kahusayan at pagiging huwaran sa makakalikasang proyekto matapos nilang masungkit ang Unang Puwesto sa Paskong Luntian Eco-Friendly Christmas Tree Making Contest 2025, patimpalak na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan katuwang ang DepEd Cabanatuan.
Sa temang “Sustainable Christmas: Creativity, Culture, and Care for the Environment,” nagpaligsahan ang lahat ng paaralan sa lungsod upang makalikha ng Christmas tree na kapwa nagtataguyod ng malikhaing sining at pangangalaga sa kalikasan. Mula sa mahigit limampung kalahok, nangibabaw ang handog ng Mayapyap ES isang obra na hindi lamang kaaya-aya sa paningin, kundi may malalim na mensahe para sa komunidad.
Pinamagatang “Paskong Progresibo,” ang Christmas tree ng Mayapyap ES ay sumasalamin sa malikhaing paggamit ng recycled materials at sa di-matitinag na diwa ng Pasko, kahit sa harap ng mga hamon ng panahon. Gamit ang mga lumang gulong, paso, plastik, karton, sanga ng Narra, sanga at bunag ng nga-nga at iba pang recyclable items, nakalikha ang paaralan ng isang disenyo na nagtatampok sa kultura, pagkamalikhain, at malasakit ng mga batang Pilipino.
Ang pagbuo ng obra ay sama-samang pinaghirapan ng mga SELG Officers, YES-O Officers, at mga representatives mula sa bawat baitang. Sa tulong at gabay ng SELG Adviser Alfredo Cariaga at YES-O Adviser Lydia Quenano, naging daan ang proyekto upang maisulong ang bayanihan at environmental awareness sa mga mag-aaral. “Ang bawat bahagi ng tree ay may kahulugan lakas, pag-asa, at pagkakaisa,” ayon sa team ng mga tagapagpaganap ng proyekto.
Ipinahayag naman ni Principal II June Bernabe ang kanyang mataas na papuri sa buong pangkat. Ayon sa kanya, ang tagumpay ay pruweba ng sama-samang pagsisikap at dedikasyon ng paaralan sa pagsusulong ng sustainability at culture-based innovation. “Hindi lamang ito dekorasyon; isa itong mensahe. Mensahe ng progresibo, malikhain, at makakalikasang Pasko. Ipinagmamalaki ko ang ating paaralan,” ani Bernabe.
Nakakuha rin ng paghanga mula sa LGU evaluators ang pagkakaisa ng komunidad at malinaw na interpretasyon ng tema, dahilan upang hirangin ang Mayapyap ES bilang kampeon ngayong taon.
Sa pagtatapos, umaasa ang paaralan na ang “Paskong Progresibo” ay magsisilbing inspirasyon upang patuloy na isulong ang green practices sa komunidad at itaguyod ang isang Pasko na tunay na luntian, responsableng likha, at makahulugan para sa lahat.