15/07/2026
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=122116893830885386&id=61576561584086&mibextid=Nif5oz
ππππππππ ππππ || π¦π¨π¦π£ππ π¦π πππ‘π§π π‘π π£ππ ππ’ππ’π ππ π¦π π ππ π£πππ₯ππππ‘ π¦π π¦πππππ¬ππ‘, π‘ππ§π¨ππ’π¬ π‘π
Natukoy na ng Sablayan Municipal Police Station ang nasa likod ng kumalat na banta ng pambobomba na nagdulot ng pangamba sa ilang paaralan sa Barangay Sta. Lucia noong Hulyo 13, 2026.
Batay sa isinagawang masusing imbestigasyon at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan, mga magulang, at iba pang kinauukulang ahensya, nakumpirma na ang suspek ay isang Child in Conflict with the Law (CICL) o menor de edad na umamin sa kanyang ama na siya ang responsable sa pagpapadala ng mga mensaheng naglalaman ng banta gamit ang pekeng Facebook Messenger account na may pangalang "Ikaw Bahala."
Noong Hulyo 15, 2026, isinagawa ang pagpupulong sa pagitan ng Sablayan MPS, mga school officials, guidance counselor, at mga magulang ng menor de edad. Sa naturang pagpupulong, ibinunyag ng ama ng suspek na umamin ang kanyang anak sa ginawa nitong pagpapadala ng mga mensahe ng bomb threat.
Matatandaang agad na nagsagawa ng inspeksyon at clearing operations ang Sablayan MPS, Provincial EOD and Canine Unit, RMFB, BPAT, at iba pang katuwang na ahensya sa lahat ng mga paaralang nabanggit sa banta. Walang natagpuang anumang pampasabog o ebidensyang sumusuporta sa naturang bomb threat, dahilan upang maideklarang ligtas ang mga paaralan at maipagpatuloy ang klase sa karamihan ng mga ito.
Sa kasalukuyan, ang menor de edad ay nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Sablayan para sa kaukulang interbensyon alinsunod sa umiiral na batas sa mga batang may paglabag sa batas.
Sa pahayag ni PCOL ALI JOSE A. DUTERTE, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office:
"Ang mabilis na pagkakakilanlan sa nasa likod ng insidenteng ito ay patunay ng epektibong koordinasyon ng ating kapulisan, mga paaralan, mga magulang, at iba pang katuwang na ahensya. Nais nating tiyakin sa publiko na walang puwang ang pananakot at pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng takot sa ating mga komunidad. Patuloy nating paiigtingin ang ating pagbabantay at pakikipagtulungan sa lahat ng sektor upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga paaralan. Hinihikayat din natin ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa responsableng paggamit ng social media, sapagkat ang bawat kilos sa digital na mundo ay may kaakibat na pananagutan."
Muling pinaaalalahanan ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang publiko na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng social media. Ang sinumang mapatutunayang gumagawa o nagpapakalat ng mga maling banta ay maaaring managot sa ilalim ng umiiral na batas, habang ang mga kasong kinasasangkutan ng mga menor de edad ay hahawakan alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act, kabilang ang mga naaangkop na intervention measures.