05/03/2025
Ready, Set, Recycle!
Alamin at isabuhay ang proper waste segregation! โป๏ธ
Ang wastong paghihiwalay ng basura ay mahalaga para sa kalusugan dahil nakakatulong ito sa pagpigil ng pagkalat ng sakit at polusyon. Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay maaaring maging sanhi ng pagbaha, pagdami ng mga peste tulad ng daga at lamok, at pagkakaroon ng maruming hangin at tubig na maaaring magdulot ng sakit tulad ng dengue, leptospirosis, at impeksyon sa baga.
Sa pamamagitan ng maayos na paghihiwalay ng basura, nababawasan ang basura sa tambakan, napapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, at naiwasan ang kontaminasyon na maaaring makasama sa ating kalusugan.
Panatilihin nating malinis ang ating paligid ๐โป๏ธ Maging responsable tayong mamamayan para sa isang mas maayos at malinis na kinabukasan!
Tandaan: Ang kalinisan ay daan sa malusog na pamumuhay!