25/03/2022
Halina't Magpalista!
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023, ang mga paaralan ay magsasagawa ng "Early Registration". Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) ng mga sumusunod na magpalista:
✏Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
✏Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2021-2022 (Mga Batang Kindergarten ngayon).
✏Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat.
✏Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
Mga Dokumento na Kailangang Isumite:
✏Kindergarten
🔹️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
🔹️ No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
✏Grade One
🔹️Batang Kindergarten completer.
🔹️Original Kinder Report Card
🔹️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
🔹️No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
✏Transferees (Grade 1 to Grade 6)
🔹️Basic Education Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista)
🔹️Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
🔹️Photocopy ng PSA Birth Certificate
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bisitahin ang page ng paaralan.
Mahalagang Paalala
✅Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
✅Palaging magsuot ng facemask.
✅Magdala ng sariling ballpen.