16/03/2026
๐๐ฒ๐๐ฎ! ๐๐ฒ๐๐ฎ!
Sa bawat simoy ng hangin sa Lunsina ay nananatili ang mga bakas ng mga taong nagbigay-buhay sa aming kuwento. Sa bawat eksenang kinunan, at sa bawat sandaling hinubog sa harap at likod ng kamera, ay naroon ang mga pusong nagtiyaga, mga kamay na walang sawang kumilos, at mga pangarap na sama-samang pinagtagpi upang maisilang ang ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐จ. Ang Lunsina ay hindi lamang naging tagpuan ng aming salaysay; ito rin ay naging saksi sa pagod, puyat, tawanan, at mga alaalang sabay-sabay naming naranasan bilang isang pamilya sa likod ng pelikulang ito.
โ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ธ๐น๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐บ ๐๐ฎ ๐น๐๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ โ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ปโ.โ
Isang sipi mula sa aming pelikula na sumasalamin sa mga damdaming ipinunla kahit sa pusong hindi maaaring angkinin. Tulad ng bulaklak na piniling mamukadkad sa lupaing hindi nito pag-aari, ganoon din ang aming pelikula. Isang kuwentong itinanim sa paniniwala, pagtitiyaga, at dedikasyon ng mga taong naglaan ng kanilang oras, lakas, at talento upang mabuo ang mundong tinawag naming Lunsina.
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa iilan. Ito ay para sa 12 Acuity, sa aming mga aktor na nagbigay-buhay sa bawat karakter, at sa aming production team na walang sawang kumilos sa likod ng bawat eksena. Sa bawat pagod, sa lamig ng gabi, sa mga maagang call time, at sa mga gabing halos ayaw nang matapos, ay unti-unting nabuo ang isang pelikulang hindi lamang ginawa, kundi buong pusong pinaniwalaan ng bawat isa sa atin. Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating sama-samang pagsisikap, at isang paalala na ang bawat sakripisyong ating dinaanan ay may patutunguhan.
16/03/2026
15/03/2026
14/03/2026
14/03/2026