25/08/2026
Medalya ng Tagumpay, Sertipiko ng Pagkilala
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ipinagkaloob ng pamunuan ng Mianay ang pagkilala sa mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 12 na nagpakita ng kanilang natatanging talento, talino, at pagkamalikhain sa iba’t ibang patimpalak na isinagawa.
Nagningning ang kanilang husay sa Sining ng Pagkukuwento, Pagtatalumpati, Pasalitang Tula, Tagisan ng Talino, at Paggawa ng Poster-Slogan. Ang mga medalya at sertipikong natanggap ay nagsilbing pagkilala sa kanilang natatanging husay sa iba't ibang larangan, gayundin sa kanilang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Higit pa sa mga parangal at pagkapanalo, naging mahalagang pagkakataon ang mga isinagawang patimpalak upang mahasa ang talento, mapalawak ang kaalaman, at mapalakas ang kumpiyansa ng mga mag-aaral. Sa kanilang husay at pagsisikap, pinatunayan nilang ang bawat talento ay may kakayahang magbigay-inspirasyon at mag-iwan ng makabuluhang marka.
✍️: Trisha Diaz
🖼️: Ajay De Pablo
📸: Mark Ethan Canilang