Ang Tulay

Ang Tulay Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Lutucan Integrated National High School - Filipino

Mula sa tinta hanggang tagumpay โ€” GOOD LUCK, Ang Tulay/The Bridge ngayong ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ปโ€™๐˜€ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ...
12/09/2025

Mula sa tinta hanggang tagumpay โ€” GOOD LUCK, Ang Tulay/The Bridge ngayong ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ปโ€™๐˜€ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ (๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– โ€™๐Ÿฎ๐Ÿฑ)! ๐Ÿ“

Ipakita ninyo ang galing, husay, at talino ng ating pahayagan, dala ang dangal at pangalan ng ating paaralan. โœ๏ธ๐Ÿ“ฐ


Aliwalas namayagpag sa Municipal Meet Chess 2025Dinispatsa ni Rachelle Ariane Aliwalas ng Lutucan INHS si Precious Janel...
07/09/2025

Aliwalas namayagpag sa Municipal Meet Chess 2025

Dinispatsa ni Rachelle Ariane Aliwalas ng Lutucan INHS si Precious Janelyn Repil ng Sariaya Institute, 2.5โ€“0.5, sa Municipal Meet Chess 2025 na idinaos sa Lutucan Central Elementary School noong Setyembre 5, 2025.

โœ๏ธ: Xylia Shamika Azaรฑes
๐Ÿ“ท: Angel Dela Cruz

Mga Senior High ng LINHS, Nakiisa sa Makulay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wikaโœ๏ธ Hannah Sophia Cazy ValverdeNakiisa sa pag...
01/09/2025

Mga Senior High ng LINHS, Nakiisa sa Makulay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
โœ๏ธ Hannah Sophia Cazy Valverde

Nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang mga Senior High School student ng Lutucan Integrated National High School (LINHS) noong Agosto 29 sa gymnasium ng Campus B, kung saan ipinamalas nila ang kanilang galing, talento, at pagpapahalaga sa kulturang Filipino.

Pinasimulan ang programa sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang. Sinundan ito ng pambungad na pananalita ni G. Mario Benitez, OIC ng Departamento ng Filipino, gayundin ng mga mensahe mula sa mga panauhin. Pagkatapos ay inilahad ni Gng. Mary Rose Villanueva, tagapayo ng KaFil, ang layunin ng pagdiriwang na sinundan ng pampasiglang bilang mula sa mga miyembro ng PADAC, gayundin ng pagpapaliwanag ng mga mekaniks ng paligsahan at pagpapakilala sa mga hurado.

Lumabas ang husay at likha ng mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang strandโ€”STEM, ABM, HUMSS, IA, at ICTโ€”sa ibaโ€™t ibang patimpalak gaya ng Proyektong Wika, Tanghal, Balagtasan, Tinig ng KaFil, at Proyektong SIKAP. Isa sa mga tampok na pagtatanghal ang inihandog ng grupong STEMazers na nagbigay ng masiglang awitin na lalo pang nagpasaya sa mga manonood.

Matapos ang mga paligsahan, ginawaran ng sertipiko ang mga hurado, nagwagi, at lahat ng kalahok bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon. Binigyang-diin ni Gng. Kristine Joy Galeon-Lontoc, Koordineytor sa Filipino, ang kahalagahan ng patuloy na paggamit at paglinang sa wikang Filipino sa kanyang pangwakas na pananalita. Nagtapos ang programa sa pangwakas na panalangin na pinangunahan ni Kate Manalaysay, opisyal ng KaFil.

Lutucan Integrated National High School, matagumpay na ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2025โœRheign Cheska ManaloIsinagawa...
01/09/2025

Lutucan Integrated National High School, matagumpay na ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2025
โœRheign Cheska Manalo

Isinagawa sa Lutucan Integrated National High School ang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto 28, na may temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ€ Pinangunahan ito ng Departamento ng Filipino katuwang ang mga opisyal ng Filipino Klab, at dinaluhan ng mga g**o mula sa ibaโ€™t ibang kagawaran, mga magulang, at mga tagasuporta ng mga kalahok.

Tampok sa selebrasyon ang ibaโ€™t ibang patimpalak gaya ng Spoken Word Poetry, Talumpati, Isahang Awit (Vocal Solo), Poster-Slogan, Sanaysay at BidyoKasiya. Layunin ng mga ito na mahubog ang husay at malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral, gayundin ang pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Sa BidyoKasiya, si Cherice Dejan ng G10-Sampaguita ang nagkamit ng unang puwesto, sa ikalawang puwesto ay si Maria Cristine Maningas ng G10-Orchid, at si Jhun Matayag ng G10-Tulip ang sa ikatlong puwesto.

Sa Spoken Word Poetry, itinanghal na kampeon si Marie Antonette Anahaw mula Baitang 10.

Sa Talumpati, kampeon naman si Grace Amielle Sayas mula Baitang 9.

Samantala, sa Isahang Awit o Vocal Solo, itinampok ang husay ng mga kalahok mula sa ibaโ€™t ibang baitang na naghandog ng makabagbag-damdaming awitin, kung saan itinanghal na kampeon si Fhiona Mendoza.

Maituturing na matagumpay ang nasabing selebrasyon sapagkat hindi lamang nito naipakita ang kahusayan ng mga mag-aaral sa ibaโ€™t ibang larangan, kundi higit sa lahat, naipadama nito ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika.

LINHS Ginapi ang GACANHS sa Finals ng Single B Men's BadmintonNilamon ng LINHS ang GACANHS matapos sunod-sunod na banata...
09/08/2025

LINHS Ginapi ang GACANHS sa Finals ng Single B Men's Badminton

Nilamon ng LINHS ang GACANHS matapos sunod-sunod na banatan ng matitinding palo sa iskor na 2-0 sa Men's Badminton ng District Meet 2025 sa LINHS Campus B - Gymnasium, Agosto 08.

โœ๏ธ: Jerome Castillo
๐Ÿ“ท: Franchesca Frivaldo



Phoenix, Inungusan ang Wolves sa Menโ€™s VolleyballNapatiklop ang Wolves sa bagsik ng Phoenix matapos ang nagliliyab na sa...
03/08/2025

Phoenix, Inungusan ang Wolves sa Menโ€™s Volleyball

Napatiklop ang Wolves sa bagsik ng Phoenix matapos ang nagliliyab na sagupaan na winakasan sa iskor na 25-20 sa Menโ€™s Volleyball Finals ng Intramurals 2025 na ginanap sa dyim ng Lutucan Integrated National High School, Agosto 1.

โœ๏ธ:Chiezka Librando
๐Ÿ“ท:Francheska Frivaldo



Orange Phoenix, dinaig ang Blue Eagles sa Billiards Boys Dinomina ni Mario Gonzalbo ng G11 Orange Phoenix si Edward Aรฑon...
01/08/2025

Orange Phoenix, dinaig ang Blue Eagles sa Billiards Boys

Dinomina ni Mario Gonzalbo ng G11 Orange Phoenix si Edward Aรฑonuevo ng G8 Blue Eagles sa championship match ng Billiards Boys event ng LINHS Intramurals, hulyo 31, 2025 matapos nitong tapusin ang huling set ng laban sa iisang tira lamang.

โœ๏ธ:Kiela Del Mundo
๐Ÿ“ท:Kent Gabriel Razon



Phoenix Nilamon ang Vipers sa basketball Girlsโ€™ Finals, 40-21Pinulbos ng G11 Phoenix ang G7 Vipers, 40-21 sa final match...
01/08/2025

Phoenix Nilamon ang Vipers sa basketball Girlsโ€™ Finals, 40-21

Pinulbos ng G11 Phoenix ang G7 Vipers, 40-21 sa final match ng Basketball Girls sa Intramurals 2025, na ginanap sa Lutucan Malabag Basketball Court, nitong Hulyo 31.

โœ๏ธ:John Clifford Rustia
๐Ÿ“ท: Kyle Solina


Jaguars binalagbag ang Wolves sa Finals ng Volleyball Girls Nilampaso ng Yellow Jaguar ang Gray Wolves matapos magpaulan...
01/08/2025

Jaguars binalagbag ang Wolves sa Finals ng Volleyball Girls

Nilampaso ng Yellow Jaguar ang Gray Wolves matapos magpaulan ng mabibigat na mga palo sa isang makatindig balahibong laban sa iskor na 25-16, 21-25 at 25-16 sa ginanap na Intramurals noong Agosto 1 sa Campus B Covered Court ng Lutucan Integrated National High School.

โœ๏ธ:John Mauroe De Guzman
๐Ÿ“ท:Chiezka Libramdo



Gray Wolves, Namayagpag sa larangan ng football, Intramurals 2025 ng Lutucan INHSPinabagsak ng koponan mula sa G12 Gray ...
01/08/2025

Gray Wolves, Namayagpag sa larangan ng football, Intramurals 2025 ng Lutucan INHS

Pinabagsak ng koponan mula sa G12 Gray Wolves and G8 Blue eagle nitong Hulyo 30, 2025 sa championship game ng 2025 Intramurals ng LINHS matapos maangkin ang kampyonato sa iskor na 1-0

โœ๏ธ:Xylia Shamika Azaรฑes
๐Ÿ“ท: Lovely Rose Saquito & Nathalie Shane Sanidad



Address

Lutucan Malabag
Sariaya
4322

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tulay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share