05/08/2026
"Every farewell is not the end of a journey, but the beginning of a purpose yet unseen."
Noong Hulyo 31, 2026, pormal nang nagpaalam sa Our Lady of Mt. Carmel Seminary ang aming Punong Direktor Espirituwal, Reb. P. Dennis C. Moreno, matapos siyang italaga sa kanyang bagong misyong paglilingkod sa Parokya at Pandiyosesis na Dambana ni San Judas Tadeo, Cotta, Lucena City, bilang Parish Administrator. Habang kami ay nalulungkot kanyang pag-alis, buong puso naming ipinagkakatiwala siya sa Diyos sa panibagong yugto ng kanyang ministeryo, kalakip ang aming taos-pusong panalangin para sa kanyang patuloy na paglilingkod bilang mabuting pastol ng Simbahan.
Maraming salamat po, Fr. Dennis, sa pagmamahal, paggabay, at pananalanging ipinagkaloob ninyo sa aming komunidad. Ang inyong mga aral at halimbawa ng tapat na paglilingkod ay mananatiling buhay sa aming mga puso habang ipinagpapatuloy namin ang aming paglalakbay sa bokasyon. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at akayin ng Mahal na Birhen ng Monte Carmelo sa bawat hakbang ng inyong bagong misyon. Hanggang sa muli, Fr. Dennis. Mananatili kayong bahagi ng ating OLMCS Family at ng aming mga panalangin.
Mula sa komunidad ng mga Batang Carmelo.