TUSAN IP School

TUSAN IP School IP School

Sama-sama at tulong-tulong para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral! ✨​Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating a...
17/08/2026

Sama-sama at tulong-tulong para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral! ✨

​Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating aktibidad ng bayanihan sa T***n IPS sa pangunguna ng ating School Head na si Maam Maribel T. Alberca, gayundin sa mga PTA Officials, mga magulang, at mga g**o. Saludo po kami sa inyong dedikasyon at pagtutulungan!

​👩‍🏫👨‍👩‍👧‍👦 ***nIPS

Expressing our deepest gratitude to Dr. Ruth L. Estacio, CESO V, for her exemplary service and leadership. We also exten...
17/08/2026

Expressing our deepest gratitude to Dr. Ruth L. Estacio, CESO V, for her exemplary service and leadership. We also extend our warmest welcome to our new leader, Atty. Nelyn B. Frinal, CESO VI. Wishing you both continued success in your next chapters! ✨🎉

Expressing our deepest gratitude to Dr. Ruth L. Estacio, CESO V, for her exemplary service and leadership. We also exten...
17/08/2026

Expressing our deepest gratitude to Dr. Ruth L. Estacio, CESO V, for her exemplary service and leadership. We also extend our warmest welcome to our new leader, Atty. Nelyn B. Frinal, CESO VI. Wishing you both continued success in your next chapters! ✨🎉

Isang taos-pusong pasasalamat sa PDNA Team (Office of the Civil Defense XII) at sa Lokal na Pamahalaan ng Malapatan sa p...
10/08/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa PDNA Team (Office of the Civil Defense XII) at sa Lokal na Pamahalaan ng Malapatan sa pangunguna ni Mayor Salway "Jun" Sumbo, Jr. at ng ating MDRRM Office!

​Malaking tulong ang isinagawang Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga g**o. Dahil sa inyong masusing pagtataya at malasakit, masisig**o natin ang pagkakaroon ng isang ligtas, matatag, at maaasahang learning environment para sa ating komunidad.
​Magtulungan tayo para sa mas ligtas na kinabukasan ng bawat T***nian!
​ ***nIPS

𝗣𝗗𝗡𝗔 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗙𝗜𝗘𝗟𝗗 𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡

MALAPATAN, Sarangani—Nagbigay ng paunang feedback ang Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) Team sa Lokal na Pamahalaan ng Malapatan matapos ang tatlong (3) araw na isinagawang field validation at post-disaster assessment upang maipresenta ang kanilang mga paunang natuklasan at mapatunayan ang aktuwal na lawak ng mga pinsalang dulot ng malakas na lindol na tumama sa bayan.

Isinagawa ang field validation na hinati sa tatlong grupo nga pinangungunahan nila Jorie Mae Balmediano - CDO III, Sheila Marginado Hallig - CDO III at Jay Salmorin- CDO I sa pamamagitan ng apat (4) na pangunahing sektor—Infrastructure, Productive, Social, at Cross-Cutting Sector—na nagsagawa ng masusing pagsusuri sa lawak ng pinsala sa mga apektadong barangay at pagtukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga komunidad.

Sa isinagawang feedbacking session, ibinahagi ng PDNA Team ang kanilang mga paunang obserbasyon, nakalap na datos, at mga rekomendasyon na magsisilbing batayan sa pagbuo ng komprehensibong Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) Report. Ang naturang ulat ang magsisilbing pangunahing gabay sa pagbalangkas ng mga pangmaikli, panggitna, at pangmatagalang programa at proyekto para sa rehabilitasyon, pagbangon, at pangmatagalang pagpapaunlad ng bayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Salway “Jun” Sumbo, Jr. sa PDNA Team na pinangungunahan ng Office of the Civil Defense XII dahil sa kanilang dedikasyon sa pagsasagawa ng masusing assessment sa labindalawang (12) pinakamalubhang naapektuhang barangay. Ayon sa alkalde, mahalaga ang mga datos na kanilang nakalap sa pagtukoy ng mga prayoridad na interbensyon at sa pagpapatibay ng mga plano sa rehabilitasyon upang matiyak ang mas mabilis at epektibong pagbangon ng mga apektadong residente.

Ipinaliwanag din ng PDNA Team na ang magiging resulta ng assessment ay magsisilbing mahalagang batayan sa pagpaplano ng mas ligtas, mas matatag, at mas matibay na muling pagtatayo ng mga imprastruktura at iba pang pasilidad alinsunod sa umiiral na building standards at disaster-resilient principles. Layunin nitong mabawasan ang panganib at mapataas ang katatagan ng komunidad laban sa mga sakunang maaaring maranasan sa hinaharap.

Inaasahan ding mapabibilis ng naturang assessment ang pagpapatupad ng mga prayoridad na interbensyon at mga proyektong pangrehabilitasyon, kabilang ang pagpapatibay ng mga imprastruktura, pagpapanumbalik ng mga kabuhayan, pagpapalawak ng mga serbisyong panlipunan, at pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad sa harap ng mga sakuna.

Ang naturang gawain ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Malapatan at ng mga katuwang na ahensya ng pamahalaan upang matiyak na ang rehabilitasyon at pagbangon ng bayan matapos ang lindol ay magiging maayos, sistematiko, nakabatay sa datos, at tumutugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga apektadong residente.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Municipal Councilor at Chairperson ng Committee on Disaster Preparedness and Climate Change Hon. Brandy Palarion; MDRRM Officer at Incident Commander Bonbon Quiño; Municipal Engineer Reque Diodina kasama ang mga kawani ng Municipal Engineering Office; MENR Officer Engr. Joey Palma Coliao; at Municipal Agriculturist Engr. Mirasol Saludes. (Malapatan Information Office)


Isang mahalagang misyon ang nagdala sa RDMMRC at sa ating Municipal Engineer ng Malapatan kasama ang iba pang ahensya ng...
06/08/2026

Isang mahalagang misyon ang nagdala sa RDMMRC at sa ating Municipal Engineer ng Malapatan kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno sa T***n IP School noong Agosto 5, 2026. Ang pagsasagawa ng site inspection na ito ay bunsod ng malakas na 7.8 magnitude na lindol na tumama noong Hunyo 8, 2026, pati na rin ng mga nagpapatuloy na aftershocks nito.

​Ngunit saktong pagdating at pagsisimula namin sa pag-inspeksyon bandang 12:14 PM ng tanghali, muling niyanig ang lugar ng isa pang malakas na pagyanig—isang 5.3 magnitude na lindol!

​Sa gitna ng biglaang pagyanig na ito at upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at buong komunidad, agarang kinansela ang pasok sa mga paaralan habang patuloy na isinasagawa ang masusing pagsusuri sa mga gusali.

​Patuloy po tayong mag-ingat, manatiling alerto sa mga aftershocks, at ipag-pray ang kaligtasan ng bawat isa. Ang kapakanan ng ating mga kabataan ang ating pangunahing prayoridad.

​ ***nIPSchool

Pag-usbong ng Pag-asa: Tagumpay ng RTL Culmination sa T***n IP School! ​Mula sa mga simpleng hakbang tungo sa makabuluha...
03/08/2026

Pag-usbong ng Pag-asa: Tagumpay ng RTL Culmination sa T***n IP School!

​Mula sa mga simpleng hakbang tungo sa makabuluhang tagumpay—ganito natin masasalamin ang naganap na Return to Learning (RTL) Intervention Culmination sa T***n IP School!

​Hindi lamang ito simpleng pagtatapos ng programa, kundi patunay ng ating matibay na paninindigan na walang batang mapag-iwanan sa edukasyon. Kitang-kita sa bawat ngiti at kumikinang na mata ng ating mga mag-aaral ang bagong pag-asa at sigla sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

​Ang matagumpay na programang ito ay buong-pusong pinangunahan ng ating masipag na School Head, si Ma'am Maribel T. Alberca, kasing-ningning ng dedikasyon ng ating mga katuwang na g**o na walang sawang gumagabay sa bawat bata.

​Isang napakalaking pasasalamat din sa ating mga kasama sa pagbabago:

Save the Children Philippines ​ sa walang sawang suporta at pagmamahal sa ating mahal na paaralang T***n IP School.

​Sa ating mga magulang na patuloy na katuwang sa pagpapayabong ng kinabukasan ng ating mga kabataan.

​Patuloy nating abutin ang mga pangarap, isang hakbang at isang aral bawat araw.

​ ***nIPSchool

02/08/2026

Sama-sama nating simulan ang linggo nang puno ng positibong enerhiya at inspirasyon. Happy Monday, Ka-DepEd! 🌼

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026🇵🇭📚”WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”Ng...
02/08/2026

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026🇵🇭

📚”WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Ngayong Agosto, sama-sama nating pagyamanin ang wika, palawakin ang kaalaman, at gamitin ang AI nang wasto at makabuluhan!💡📖

🗣️ Wika natin, yaman natin. Kaalaman natin, kinabukasan natin!🎉🫶

✨ WELCOME TO T***N IP SCHOOL! ✨​We are thrilled to welcome Ma'am Theresa R. Lumactod, teacher 1 to our school family!​Yo...
29/07/2026

✨ WELCOME TO T***N IP SCHOOL! ✨

​We are thrilled to welcome Ma'am Theresa R. Lumactod, teacher 1 to our school family!
​Your skills, passion, and dedication will surely make a positive difference in the lives of our learners. Together, let us inspire, empower, and build a brighter future!

​Welcome aboard, Ma'am Theresa! We are excited for this new journey with you!
***nIPS ​ ***nIPSchool

Address

Sitio Kibo Tuyan, Malapatan
Sarangani Province

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TUSAN IP School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to TUSAN IP School:

Shortcuts

Share

Category