01/09/2026
ππππππ l ππΌπΏ πππΌπππππ ππΌ ππΌππππππ πππ, ππππΌπππ½πΌπ πΌππ πππΎππππππ ππΏππΎπΌππππ
Mas pinaigting ng Maguling National High School (MNHS) ang kahandaan ng mga g**o sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan matapos nitong matagumpay na isagawa ang Gender and Development (GAD) Training na may temang βNurturing Every Mind: Special Needs Education Training for Educatorsβ noong Agosto 25, 2026.
Isinagawa ang buong araw na pagsasanay, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, sa silid-aralan ni Gng. Elenita M. Duculan, na may layuning palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga g**o hinggil sa pagkilala, pag-unawa, at epektibong paggabay sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon.
Sa ilalim ng panawagang βInclusion, Understanding, Empowerment,β binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng isang ligtas, patas, at learner-centered na kapaligiran kung saan nabibigyan ng pantay na pagkakataon ang bawat mag-aaral na matuto at umunlad.
Pinangunahan ni G. Roey John Bustamante ang panalangin, habang pinangunahan naman ni Gng. Aprilyn D. Alvior ang pag-awit ng Pambansang Awit. Bilang hudyat ng pagsisimula ng programa nagbahagi si G. Joel F. Gutierrez Jr., P-1, punongg**o ng Maguling NHS, ng kanyang pambungad na mensahe na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga g**o sa paglikha ng isang paaralang tumatanggap at tumutugon sa pagkakaiba-iba ng kakayahan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
Inilahad naman ni Gng. Jeazle Mae H. Nilong, GAD Coordinator, ang layunin ng pagsasanay at ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman ng mga g**o tungkol sa special needs education.
Tatlong g**o mula sa Malalag Central Elementary School SPED Center ang nagsilbing tagapagsalita sa naturang pagsasanay.
Tinalakay ni Gng. Lilibeth R. Valera ang βRecognizing Learners with Special Educational Needs,β kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pagkilala sa mga palatandaan ng iba't ibang pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ayon sa kanya, mahalaga ang sapat na kaalaman ng mga g**o upang maiwasan ang maling paghusga, stigma, at diskriminasyon sa mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta.
Nagbahagi rin siya ng mga batayang kaalaman sa sign language bilang bahagi ng pagpapalawak ng kakayahan ng mga g**o sa pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral.
Samantala, ibinahagi ni Gng. Joanna Loi A. Naval ang iba't ibang inclusive teaching strategies, accommodations, at interventions na maaaring gamitin sa loob ng silid-aralan.
Binigyang-halaga niya ang paggamit ng differentiated instruction upang matugunan ang magkakaibang antas, kakayahan, at paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ibinahagi rin niya ang isang karanasang tumatak sa kanya bilang g**o matapos sabihin ng isa niyang mag-aaral:
βSana, Ma'am, kung hindi lang nasira ang utak ko, matalino din sana ako.β
Nagsilbing makapangyarihang paalala ang naturang pahayag sa mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng empatiya, pag-unawa, at patuloy na suporta sa mga batang may natatanging pangangailangan.
Tinalakay naman ni Gng. Jene A. Duhaylungsod ang βPositive Behavior Support and Learner-Centered Inclusive Practices.β
Nagbahagi siya ng mahahalagang kaalaman hinggil sa iba't ibang katangian at pangangailangan ng mga mag-aaral, kabilang ang mga may autism at attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD).
Binigyang-diin niya na magkakaiba ang karanasan at pangangailangan ng bawat mag-aaral, kaya mahalagang iwasan ang pangkalahatang pagtingin o paghusga sa kanilang mga kilos at kakayahan. Sa halip, hinikayat niya ang mga g**o na gumamit ng positibong paghubog ng asal at learner-centered na pamamaraan upang makalikha ng mas suportibo at makataong kapaligiran sa paaralan.
Ayon kay Gng. Nilong, malaking hakbang ang naturang pagsasanay tungo sa mas epektibong pagtugon ng mga g**o sa pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
βMalaking tulong ang programang ito para sa amin na mga g**o. Natuto kami kung paano magbigay ng tamang trato, accommodation, at intervention sa mga batang may special needs,β ani Nilong.
Dagdag pa niya, mahalaga ang pagpapatuloy ng mga kaugnay na pagsasanay, partikular sa larangan ng assessment, upang higit na matulungan ang mga g**o sa pagkilala sa mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta.
Sa pagtatapos ng programa, nag-iwan ang pagsasanay ng isang mahalagang hamon sa mga g**oβang pagtiyak na walang mag-aaral na maiiwan dahil lamang sa kanilang pagkakaiba.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at pagpapalakas ng malasakit ng mga g**o, pinagtitibay ng Maguling NHS ang adbokasiya nitong bumuo ng isang mas inclusive, ligtas, child-friendly, at responsive na kapaligirang pang-edukasyon para sa bawat Magulingian.
βοΈBai-nesryn S. Colano
πΈ Shazia Fatima A. Adtud, Jeazle Mae H. Nilong, Princess A. Del Pilar