05/06/2025
Makiisa sa Brigada Eskwela 2025โ2026: Sama-sama para sa bayang bumabasa.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng stakeholdersโmga magulang, mga pinuno ng komunidad, at mga katuwang mula sa pribadong sektor na makibahagi sa Brigada Eskwela 2025โ2026.
Sa temang ito, binibigyang-diin natin ang pagkakaisa, katatagan, at sama-samang paghahanda ng ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral. Anumang tulongโoras, serbisyo, kagamitan, o donasyon ay malaking ambag para sa tagumpay ng ating mga paaralan.
Inaanyayahan din namin ang mga stakeholders na makibahagi sa Kick-off Program nitong ika-9 ng Hunyo 2025.
Sama-sama nating ihanda ang mga paaralan para sa isang masiglang pagbubukas ng klase. Ibalik natin ang diwa ng bayanihan!