11/03/2025
𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡: Muling magbubukas ang 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗽𝗽𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na handog ng pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
🗓 𝗔𝗽𝗽𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲:
> Marso 12, 13 at 14, 2025 | 1:00 PM
> 500 slots lamang kada araw
Siguraduhing nakaabang sa opisyal na page ng Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas para sa application link sa itinakdang petsa at oras.
Sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang https://www.facebook.com/profile.php?id=100091832305659 o tumawag sa 043 7828022 local 302, para sa iba pang katanungan.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
11/03/2025
Brgy San Bartolome Sto Tomas City Batangas
Scholarship Program 2.0 under Gender and Development (GAD) headed by our Punong Barangay Hon. Fermin E. Solis together of Sangguniang Barangay Members.
Sa lahat po ng nais magapply, pakipresent nalang po ng mga requirements at hanapin lang po si Ate Lhiza De Luna, Ate Charie Reyes at ang inyo pong lingkod. Until March 28, 2025 po ang submission.
Paalala lang po, Isa lang po sa bawat pamilya para po mapagbigyan ang lahat. Maraming salamat po!
19/02/2025
📢 SUPREME ELEMENTARY LEARNER GOVERNMENT ELECTION 🗳️
📣 Calling all young leaders! It’s time to make your voice heard and choose the next set of student leaders who will represent YOU!
✅ February 20,2025
✅ San Bartolome Elementary School Assign Precint Room
✅ 8:00 am- onwards
This is your chance to vote for leaders who will bring positive change and make our school a better place for everyone! 🏫✨
💡 **Be informed. Be involved. Be a responsible voter!**
14/10/2024
Mga kabarangay!!
Bilang suporta ng ating Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating kapitan, Kap Fermin E. Solis sa pag aaral ng ating mga ALS student, minabuti ng Sanggunian na magkaroon ng lamesa at silya na kanilang magagamit sa araw o oras ng kanilang klase. Maraming salamat po.
08/10/2024
Mga kabarangay!!
On going na po ang ating simple electrical wiring seminar sa ating covered court, katuwang ang PUP Sto Tomas. Maraming salamat po!
03/10/2024
Mga kabarangay!!
Sa lahat po ng nais matuto ng simple eletric wiring, eto na po October 8-9 2024 sa ating basketball court. Eto po ay inihahandog ng PUP Sto tomas katuwang ang Sangguniang Brgy ng San Bartolome sa pangunguna ng ating kapitan Kap. Fermin E. Solis, layunin po ng programang ito na matulungan at madagdagan ng kaalaman ang ating mga kabarangay. Magkakaroon din po kayo ng certificate na maaari niyu magamit sa pag aapply ng trabaho. Maraming salamat po!
Imessage lang po ang inyong fullname upang mailista sa programang ito.
01/10/2024
𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗥𝗲𝗰𝗿𝘂𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆
Barangay Hall San Bartolome, City of Sto.Tomas
October 2,2024 Wednesday 9:00 AM
📌SM Supermarket
Vacancies
-Technical Assistant
-Accounting Assistant
-Store Clerk
-Company Nurse
-Customer Assistant
-Cashier
30/09/2024
Mga kabarangay!!
Idinaos ang LINGAP KOMUNIDAD 120th Founding Anniversary ng PUP (outreach activity) sa ating barangay September 30,2024. Ang sangguniang Barangay ng San Bartolome sa pangunguna ng aming kapitan Kap. Fermin E. Solis ay lubos pong nagpapasalamat sa inyong isinagawang programa dito sa amin barangay.
Maraming salamat din po sa mga kawani ng aming brgy (BNS, BHW at iba pa) na nag asikaso ng programang ito, maging sa ating daycare teacher ma’am Cath Mendoza.
20/09/2024
Brgy San Bartolome Sto Tomas City Batangas
October 8-9, 2024 (8am)‼️
Magkakaroon din po kayo ng certificate after niyu matapos ang 2 day seminar.‼️
Mga minamahal naming kabarangay, sa lahat po ng nais matuto ng simple electrical wiring, tayo po ay magkakaroon ng free training and seminar sa ating Multi Purpose Hall. Kaya po sa lahat ng interisado mangyari lamang po na kayo ay magpalista.
Layunin po ng programang ito na magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa mga basic electrical wiring na pede natin magamit sa pang araw araw o maging dagdag trabaho upang tayo ay kumita. Ito po ay handog ng Sangguniang Brgy at Sangguniang Kabataan katuwang ang PUP Sto Tomas. Maraming salamat po!
17/09/2024
Pagbibigay ng 40pcs Study Table sa ating Daycare center upang makatulong at mapaalwan ang pag aaral ng ating mga bata, mula po ito sa Sangguniang Brgy sa pangunguna ng ating kapitan Kap. Fermin E. Solis.