23/09/2026
Nagsagawa ang M. Roxas Elementary School ng Ikalawang Pangkalahatang Pagpupulong ng PTA ngayong Araw, Setyembre 23,2026 Kasama sina Punong Barangay Patricio M. Dela Cruz, Kagawad Careful G. Laud,Police Corporal Jay-ar Gabales,PTA Officers ng nasabing paaralan kung saan pinag-usapan ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral.
Nagtipon ang mga magulang, mga g**o, at mga kinauukulan upang tiyakin ang kapakanan ng bawat kabataan sa loob at labas ng paaralan. Tinalakay ang mahigpit na pagbabantay sa pagpasok, pagkontrol sa mga pumapasok na sasakyan at bisita, at ang pagpapatupad ng mga alituntunin para sa kaligtasan.
Nagpalitan ng mungkahi ang lahat — mula sa pagtutulungan sa pagbabantay hanggang sa pagtuturo sa mga bata ng tamang pag-iingat. Nagkasundong magkakaisa ang paaralan at pamilya upang panatilihing ligtas, payapa, at maayos ang ating paaralan para sa lahat ng mag-aaral.