26/01/2026
Bumabagsak na proficiency rates ng mga mag-aaral, ano ang solusyon?
Ayon sa report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), pababa nang pababa ang proficiency rates ng mga mag-aaral mula Grade 3 hanggang Grade 12. Sa mga nasa Grade 3, halos 30 sa bawat 100 mag-aaral (30.52%) ang mayroon pang kakayahang dapat tinataglay ng mga nasa antas nila. Ngunit sa mga nasa Grade 12, halos 1 na lamang sa bawat 200 mag-aaral (0.47%) ang mayroong kakayahang inaasahan sa mga nasa antas nila. Paano natin wawakasan ang patuloy na pagbaba ng proficiency rates?
May solusyon diyan, ayon kay Atty. Gideon C. Salatan. “Kailangan na nating tulungan ang ating mga mag-aaral,” ani Atty. Salatan. “Pero kung hindi na kayang tumulong ang mga magulang dahil sa pahirap na pahirap na mga lessons, pwedeng kumuha ng tutor. Huwag na sana nating idahilan na tayo ay nakapagtapos naman nang walang tutor dahil iba na ang panahon ngayon kung saan marami nang distractions sa ating mga anak sa kanilang pag-aaral,” sabi pa ni Atty. Salatan, ang founder ng Xertus Review and Tutorial Center.
“Kaya tayo ay nagtatag ng isang tutorial center para suportahan ang mga mag-aaral, mga magulang at mga paaralan. Kaya nating pataasin ang proficiency rates ng mga mag-aaral kung lahat tayo ay magtutulungan,” dagdag pa ni Atty. Salatan.