29/08/2025
MATAGUMPAY NA IPINAGDIRIWANG ANG BUWAN NG WIKA 2025 🇵🇭🎉
Noong Agosto 28, 2025, matagumpay na isinagawa sa Rosario National High School ang Culminating Activity ng Buwan ng Wika na nagbigay-diin sa tema:
✨ “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Pinangunahan ang programa sa pamamagitan ng Makabayan Song na inawit ni Bb. Samantha G. Batulayan mula sa 11-John Dewey. Sinundan ito ng isang taimtim na pambungad na panalangin na pinamunuan ni Bb. Love Joy L. Corpuz, Masidlak Bise Presidente.
Nagbigay naman ng isang masiglang pambungad na pananalita si Bb. Lyka Jane L. Ordanza, Masidlak Presidente, upang buksan ang diwa ng selebrasyon. Pagkaraan ay tumindig si G. Constantino T. Agpalo, Punong G**o, at naghandog ng isang makabuluhang mensahe ng inspirasyon para sa lahat ng mag-aaral at g**o.
Bumida rin ng mga mag-aaral mula sa kampeon ng Baitang 7 at 8 sa kanilang sabayang pag-awit at pagtula na nagsilbing pamukaw-sigla ng programa. Pagkatapos nito, ipinakilala ni Gng. Fredelyn Joy A. Lucas, Filipino Club Tagapayo, ang mga hurado, at binasa ni Bb. Cyrel U. Yarcia, Masidlak Kalihim, ang mekaniks at kraytirya ng mga patimpalak.
Sinimulan ang paligsahan sa mga mag aaral mula sa baitang 10 upang magbigay gilas sa Interpretatibong Pagsayaw, sinundan ng isa pang pamukaw-sigla sa pamamagitan ng katutubong sayaw mula sa mga kampeon ng Baitang 9. Kasunod nito ay isinagawa ang mga paligsahan sa Sabayang Pagbigkas at Spoken Poetry na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula Baitang 11–12.
Sa huli, ipinahayag ang mga nanalo sa iba’t ibang patimpalak at iginawad ang kanilang mga sertipiko bilang pagkilala sa kanilang galing at husay.
Bilang pagtatapos, nagbigay ng makabuluhang pangwakas na pananalita si Gng. Marjorie P. Mendoza, Filipino Kab Koordineytor, na nag-iwan ng paalala tungkol sa kahalagahan ng wika at kultura sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Ang buong programa ay tunay na nagpatunay na ang Wikang Filipino ay buhay, makasaysayan, at patuloy na nagbubuklod sa ating lahat. Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭✨
📷- IYA GARCIA
🖋️- LOVE JOY CORPUZ