22/03/2024
Labas Senior High School Clinic
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Labas Senior High School Clinic, School, Westdrive Subdivision Brgy. Labas, Santa Rosa.
22/03/2024
27/02/2024
Mga mag-aaral mula sa baitang 11 at 12. Sila ay sinuri ni Dra. Coleen mula sa Division Health Office.
27/02/2024
Ang leprosy ay isang nakakahawang sakit na maaaring makuha sa patak o talsik ng laway ng isang taong apektado nito.
Tandaan hindi kinakailangang ihiwalay ang pasyenteng may leprosy. Kapag sila ay nagsimula nang umiinom ng tamang gamot laban sa sakit na ito sa loob ng higit na isang buwan, hindi na ito itinuturing na nakakahawa.
Nakakahawa rin ang maling impormasyon. Huwag natin ipagkait ang support system sa mga taong nagrerecover mula sa leprosy nang dahil sa maling impormasyon.
KonsulTayo sa ating mga Primary Care Providers tungkol dito, para sa isang .
08/02/2024
Ngayong Oral Health Month tandaan ang DOH - 8 tips para healthy ang bibig hanggang sa pagtanda!
1. Pahalagahan ang oral health
2. Alamin ang iba’t ibang serbisyong available para sayo
3. Pag sugar away, walang tooth decay
4. Ugaliin ang tamang pagsisipilyo
5. Gawing regular ang pagkonsulta sa dentista
6. Stay hydrated! Uminom ng sapat na dami ng tubig
7. Umiwas sa bisyo, iwasan ang alak, sigarilyo at v**e
8. Better pag no betel! Iwasan ang pagnguya ng betel nut o nganga dahil ito ay maaaring magdulot ng oral cancer.
Ang ngiting maganda ay kayamanang kailangan alagaan para tuloy tuloy ang pag ngiti!
para sa !
23/01/2024
Ang usok mula sa Heated To***co Products (HTP) o v**e products na naglalaman ng tobako ay kinikilala pa rin bilang ‘tobacco smoke’ o usok ng tobako. Ang usok ng tobako ay masama sa kalusugan, nakaka-adik, at nakamamatay.
Ang e-cigarettes ay nagdudulot ng pagkalason, pagkapinsala, pagkasunog, o agarang toxicity sa katawan, kasama na ang pangingisay, matapos itong langhapin
Itigil ang paggamit ng v**e. Tumawag sa 1558 (DOH Quitline) para sa karagdagang tulong.
Sa bisyo, walang panalo!
23/01/2024
Ang kakulangan sa Iodine ay ang pinaka-karaniwang sanhi ng Goiter, isang pamamaga sa leeg dahil sa pinalaki na thyroid gland.
Pagkaing mayaman sa Iodine ang kakampi para maka-iwas sa Goiter. Kumain ng sapat na isda, dairy, itlog at iodized salt.
Magkaroon ng regular na pagsusuri sa iyong doktor upang makatulong na matukoy kung ikaw ay nasa mataas na panganib o KonsulTayo sa eksperto sa pinakamalapit na Primary Care Provider mo.
11/01/2024
Sabayang gamutan (Mass Drug administration) Kontra Bulate at Schistosomiasis tuwing buwan ng Enero!
Dalhin ang mga anak sa mga deworming services sa community health centers at school-based facilities. Nirerekomenda ang pagpurga sa lahat ng batang isa hanggang labing-dalawang taong gulang.
Abangan ang ating mga healthcare workers ngayong Enero na mamahagi ng gamot sa inyong lugar.
KonsulTayo sa eksperto sa pinakamalapit na Primary Care Provider mo.
11/01/2024
January is National Deworming Month!
Mga mommies, sumali sa Oplan Goodbye Bulate ng Kagawaran ng Kalusugan. Sa pamamagitan ng regular na pagpupurga, mas napapalakas ang katawan, mas mabilis ang pag-absorba ng sustansya, at mas matibay ang resistensya laban sa mga sakit, kaya't mahalaga ang pagpupurga ng dalawang beses sa isang taon.
Abangan ang ating mga healthcare workers ngayong Enero na mamahagi ng gamot sa inyong lugar.
KonsulTayo sa eksperto sa pinakamalapit na Primary Care Provider mo.
08/12/2023
Ngayong Ears, Nose, Throat Consciousness Week hinihikayat ang lahat na may karanasan sa paulit-ulit na chronic sinusitis, hearing loss, ear infections, at matagalang sore throat na agad mag-schedule ng konsultasyon sa kanilang pinakamalapit na Primary Care Provider. Ito ay upang makuha ang maagang lunas at maiwasan na mapunta sa mas malalang kondisyon.
Huwag balewalain ang mga senyales, alagaan ang sarili, at kumonsulta sa Eksperto sa pinakamalapit Primary Care Provider sa inyong lugar.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Westdrive Subdivision Brgy. Labas
Santa Rosa
4026