06/05/2026
Matagumpay na naisagawa ngayong araw, Mayo 6, 2026, ang Parents' Orientation para sa ARAL Summer 2026 sa ating Covered Court.
Layunin ng programang ito na masig**o ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral ngayong bakasyon. Ang pagtitipon ay pinangunahan ng ating dedikadong ARAL Coordinator na si Ma’am Mariemer Joy A. Medina, kasama ang ating mga boluntaryong g**o na handang maglingkod para sa ating mga mag-aaral.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa suporta ng ating butihing PSDS - Cluster III, Dr. Jaime L. Cadang, Jr., at sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakilahok.
05/05/2026
ARAL SUMMER PROGRAM 2026
for READING AND MATH
May 06 - June 02, 2026
What is ARAL SUMMER PROGRAM?
ARAL Summer Program is DepEd's commitment to strengthen foundational skills, and support learners through focused, intensive and meaningful remediation sessions.
Schedule:
*Monday to Thursday
8AM - 10AM Reading
10AM - 12NN Math
*Friday
Home-based Learning
All parents/guardians of identified ARAL learners are enjoined to attend the orientation on May 6, 2026 at 9AM, Southville IV Elementary School Covered Court.
01/05/2026
ATTENTION SOUTHVILLIANS!
Gusto mo bang maging bahagi ng Armonia De Southville Quatro sa ating paaralan?
Ito na ang chance mong ipakita ang iyong talent!
Open ang pwesto para sa:
Drummers
Lyrist
Table Lyrist
Color Guard
📩 Para sa mga katanungan, hanapin o i-message lamang sina:
Sir Christopher S. Reganit
Miss Cherry H. Relucio
Sali na!
25/03/2026
Ginanap ang Baccalaureate Mass 2026 ngayong araw, Marso 25, 2026 para sa ating mga magsisipagtapos na mag-aaral.
Isang pagkakataon ito upang magpasalamat sa lahat ng gabay at biyayang natanggap sa loob ng mga nagdaang taon ng pag-aaral. 🙏
18/03/2026
Fyi
BREAKING NEWS‼️ BUNSOD NG NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE, WALANG PASOK BUKAS ( MARCH 19, 2026) ANG PRIVATE & PUBLIC SCHOOLS SA HALIP MODULAR O ONLINE LEARNING MUNA ANG IPAPATUPAD.
16/03/2026
Field Demo ✨
Naguumapaw ang saya at galing sa ating Covered Court ngayong araw para sa ating Field Demo. Maraming salamat sa walang sawang suporta ng ating mga magulang at sa dedikasyon ng ating mga g**o sa paghahanda para sa event na ito.
Kayo ang tunay na bida ngayong araw!
16/03/2026
Nagkakaisa para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
Naging matagumpay ang ginanap na State of the School Address (SOSA) 2026 ng Southville IV Elementary School ngayong araw, Marso 16.
Maraming salamat sa pagbahagi ng ating butihing principal, Sir Francis G. Blatazar ng mga adhikain at tagumpay ng ating paaralan.
Saludo rin kami sa dedikasyon ng ating mga g**o (HT, MTs, at Faculty), sa pamunuan ng ating SPTA, at sa lahat ng mga magulang na patuloy na nakikipagtulungan. Ang inyong malasakit ang tunay na puhunan sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Patuloy tayong magkaisa!