08/06/2026
β°MATES (Maaga At Tapat na ESkwelahan)
Sa unang araw ng pasukan, labinlimang batang maagang dumating sa paaralan ay nakatanggap ng libreng agahan bilang pagkilala sa kanilang pagiging maagap at kahandaan sa pag-aaral.
Layunin nitong mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang oras at simulan ang kanilang pagkatuto nang masigla at masaya.
Maraming salamat po sa aming punongg**o Miss Francis Maye Ortiz Daya π₯°
02/06/2026
π CULMINATION PROGRAM | ARAL SUMMER PROGRAM 2026
Matagumpay na isinagawa ang Culmination ARAL Summer Program 2026 sa Lantawan Mountain Resort. Ipinagdiwang natin ang mga natamong tagumpay at pag-unlad ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba't ibang reading at numeracy activities na nagpalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pagbilang.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, Barangay Council, stakeholders, at sa lahat ng sumuporta at naging bahagi ng programang ito. Naging mas makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng simpleng salu-salo at pagsasama-sama bilang isang komunidad na nagkakaisa para sa edukasyon ng bawat bata.
π Ang bawat natutuhang aral ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
02/06/2026
πHULING LINGGO NG ARAL SUMMER PROGRAM 2026!
Narito na tayo sa huling linggo ng ating makabuluhang paglalakbay sa ARAL Summer Program. Patuloy ang paglinang sa kakayahan sa pagbasa at pagbilang ng ating mga mag-aaral, kasabay ng pagbibigay ng masustansyang pagkain upang manatili silang malusog at handang matuto.
π Isinasagawa rin ang pagtatasa sa bawat mag-aaral upang masukat ang kanilang pag-unlad at mga natamong kasanayan sa buong programa.
π Bawat aral ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!
02/06/2026
πIKATLONG LINGGO ng ARAL Summer Program 2026
Tatlong linggo ng pagkatuto, pagtutulungan, at tagumpay! πβ¨ Sa bawat pahinang nababasa, bilang na natututuhan, at masustansyang pagkaing naihahain, mas lalo nating napapalapit ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga pangarap.
Sama-sama nating binubuo ang mas maliwanag na kinabukasan ng bawat bataβisang aral, isang ngiti, at isang pangarap sa bawat araw!
02/06/2026
π Ikalawang Linggo ng ARAL Summer Program 2026!
Mas maraming natutuhan, mas maraming ngiti, at mas maraming pangarap na nabibigyang pag-asa. Sa bawat pagbasa, pagbilang, at masustansyang pagkain, unti-unting nahuhubog ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Nagbigay rin ng suporta at gabay ang aming School Head Miss Francis Maye Ortiz Daya sa pamamagitan ng regular na pagmomonitor upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa.
πSama-sama nating itaguyod ang pagkatuto at kalusugan ng bawat bata!
02/06/2026
πUnang Linggo ng ARAL Summer Program 2026
Masayang pagkatuto at masustansyang pagkain ang handog natin sa ating mga mag-aaral ngayong unang linggo. Sa bawat pagbasa, pagbilang, at masustansyang pagkain, mas lalo silang nahuhubog upang maabot ang kanilang mga pangarap.
01/06/2026
"Magpa enroll na ta sa Matutungan Elementary School aron makatuon, mahimong maalamon, ug maandam para adunay maayong kaugmaon."
28/05/2026
π’ BRIGADA ESKWELA 2026 π’
Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela! Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ligtas, malinis, at masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan.
ποΈ Petsa: June 1-5, 2026
π Lugar: Matutungan Elementary School
Ang bayanihan ay susi sa mas maayos na kinabukasan ng kabataan. Kita-kits at sama-sama para sa edukasyon! π
22/05/2026
πKUWENTONG ARAL SUMMER
Sa summer program, mas masiglang natututo ang mga bata dahil sa masustansyang pagkaing inihahanda ng paaralan araw-araw. Habang silaβy nag-aaral, naglalaro, at nakikilahok sa ibaβt ibang gawain, napapanatili silang malakas, aktibo, at masaya. Sa bawat masarap at healthy na pagkain, mas gumagaan ang kanilang pakiramdam, lumalakas ang katawan, at mas nagiging handa ang kanilang isipan sa pagkatuto.
Tunay na βGood Food. Good Mood. Great Energy.β
Maraming salamat po sa aming punongg**o Ms Francis Maye Ortiz Daya π₯°