05/06/2026
"๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐, ๐๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐ฌ๐"
Ginanap nitong Miyerkules, ika-3 ng Hunyo, 2026 ang "16th Recognition and Awarding Ceremony - Batch '70 Scholarship Program" ng Pedro Guevara Memorial National High School (PGMNHS). Ipinresenta at binigyang pagkilala sa programa ang bagong pamunuan at mga iskolar ng paaralan.
"Maging masipag na mag aaral at maging mahusay na mamamayang pilipino", ipinahayag ni Atty. Domingo T. Anonuevo, Chairman ng Task Force. Dagdag pa rito, ipinakita sa programa ang isang video presentation mula kay Elenita Carbajosa-Eronico, Presidente ng samahan, kung saan ipinayo niyang huwag magpadala sa sinasabi o iniisip ng ibang tao.
Ipinaalala ng pamunuan sa mga kabataang iskolar na maging mapagpasalamat sa mga pribilehiyo at gawin itong inspirasyon upang magpatuloy sa pag-aaral nang mabuti.