07/08/2026
π Ang Sicayab National High School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.
Tema: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Suot ng ating mga g**o at mag-aaral ang iba't ibang tradisyunal na kasuotang Pilipino bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kultura at pagkakakilanlan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence, nananatiling mahalaga ang ating Wikang Filipino bilang tulay sa kaalaman, pananaliksik, at pagpapayaman ng ating pambansang kultura.
Ang pagdiriwang na ito ay pinamumunuan ng ating Punong G**o, Gng. Candelaria A. Mercadera, sa pakikipagtulungan ng Filipino Department, bilang pagsuporta sa pagpapaunlad ng wikang Filipino at pagpapanatili ng ating mayamang kultura at pagkakakilanlan.
Sama-sama nating ipagdiwang ang wikang nag-uugnay sa ating kasaysayan, kultura, at kinabukasan.