11/08/2026
"Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."
-Jose Rizal
Sa mundong puno ng, “Super expensive talaga ang english.” o di kaya ay, “Ang corny naman ng tagalog, di nalang mag-english.” Piliing maging isang, “Natatangi talaga ang wikang Filipino, sapagkat ito’y nag-iisa, kakaiba, at walang kapantay.”
Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang ating sariling wika, sapagkat, ang wikang Filipino ang siyang simbolo ng ating pagkakakilanlan at kalayaan. Ito rin ang nagpapakita ng ating pagmamahal sa bansang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Kaya ay, nararapat lamang na pahalagahan, mahalin, at ipagmalaki natin ang wikang sumisimbolo na tayo ay isang Pilipino.
"Habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika, pinangangalagaan niya ang marka ng kanyang kalayaan." - Jose Rizal
"Ang pag-ibig sa sariling wika ay tulad din ng pag-ibig sa sariling bayan."
- Andres Bonifacio
Maligayang Buwan ng Wika sa inyong lahat!
Wala pong AI na nagamit jan ha(dedma sa theme)
💻: nei
(“apay secretary agededit”)
✍️: cute