Tabing Dagat: Opisyal na Pahayagan ng La Paz National High School

Tabing Dagat: Opisyal na Pahayagan ng La Paz National High School

Share

Ang Opisyal na Pahayagan ng Filipino sa Mataas na Paaralan ng La Paz, San Narciso, Rehiyon III

Photos from Tabing Dagat: Opisyal na Pahayagan ng La Paz National High School's post 19/09/2024

Ngayon ay ang paggunita sa araw ng mga g**o kaya't sabay-sabay nating batiin ng isang maligayang "HAPPY TEACHERS DAY" ang mga nagsisilbi nating g**o sa Filipino at tumatayong ikalawang magulang sa loob ng silid-aralan.

Salamat sa patuloy na pagbabahagi ng kaalaman at paghubog sa isip ng bawat mag-aaral ng LPNHS. Malaki ang inyong bahaging ginagampanan upang maging handa sa kanilang kinabukasan ang mga naturang pag-asa ng ating bayan. Kayo ang nagbibigay liwanag sa bawat estudyanteng mataas ang pangarap. Mga turo, paalala at paggabay niyo ang susi sa matagumpay naming hinaharap.

Ang dedikasyon ninyo sa trabaho ay walang katumbas na halaga, walang humpay sa pagtuturo dahil ang mithiin ay magandang bukas para sa bawat batang Filipino. Ngayong araw ay parangal ang aming iniaalay bilang pasasalamat para sa serbisyong ibinibigay niyo— ang dedikasyon sa trabaho at pagtayo bilang ikalawang magulang namin.

🖋️| Ediltian Bactad
🖼️| Russel Gian Cacho

05/09/2024

"Pagtayo ng Bagong Gusali sa LPNHS, Sinimulan Na"

Sinimulan nang itayo ngayong Taong Panuruan 2024-2025 ang isang bagong gusali sa La Paz National High School sa Brgy. La Paz, San Narciso, Zambales, upang matugunan ang pangangailangan sa kakulangan ng silid-aralan ng nasabing paaralan.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P17,955,000.00 at naisakatuparan sa pangunguna ni Cong. Nanay Bing Maniquiz at paggabay ni Dr. Peterson A. Pascua ang punongg**o ng nasabing paaralan, sa layuning mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral.

Ang dalawang palapag na gusali, na magkakaroon ng anim na silid-aralan, ay inaasahang magagamit ng kasalukuyang mag-aaral sa Taong Panuruang 2025-2026. Sinimulan na ang konstruksyon nitong Agosto at inaasahang matapos sa ika-15 ng Abril, 2025.

Makatutulong ito sa pagbawas ng kakulangan ng mga silid-aralan sa paaralan, lalo na’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga mag-aaral taon-taon. Ang bagong gusali ay magiging kapaki-pakinabang hindi lamang para sa mga kasalukuyang mag-aaral, kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral ng La Paz National High School.

Ang proyekto ay bunga ng pagkakaisa sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Narciso, mga opisyal ng barangay, mga magulang, na tinutukan naman ng Departamento ng Public Works and Highways (DPWH) upang matiyak na ang konstruksyon ay maging di kalidad at sumusunod sa mga pamantayan ng kaligtasan.

Ang inaabangang pagtayo ng bagong pundasyon ng edukasyon ay inaasahang maging tulay ng pangarap ng kasalukuyan at paparating pang mga mag-aaral ng La Paz National High School.

🖋️| Lara Jane Romerosa
📷| Celia Mae Alvarado
💻| Elyza Amante Paiste

03/09/2024

Mabunying pagbati, Ginoong Zaldy! 🎉

Sa aming napakahusay na tagapayo, taos-puso po kaming humahanga sa iyong naging paglalakbay dito sa LPNHS! Walang hanggang pasasalamat sa iyong walang kapantay na dedikasyon at sa malalim na bakas na iniukit mo sa aming puso’t isipan. Sa bawat aral na iyong ibinahagi at sa bawat sandaling pinalakas mo ang aming loob, batid naming lalo ka pang magtatagumpay sa mga darating mong pakikibaka. Hinding-hindi namin malilimutan ang iyong impluwensya—parang tala na nagliliwanag sa dilim ng gabi. 😆🌠

Nawa’y patuloy kang magtagumpay sa mga susunod mong yugto at manatiling huwaran sa marami. Pagpalain ka sa bawat hakbang mo tungo sa bagong yugto ng iyong buhay! 🫶🏻👏🏻

✍️| Kirsten Angeli Lavarias
🖼️| Elyza Amante Paiste

Want your school to be the top-listed School/college in San Narciso?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Granvia Street Brgy. La Paz
San Narciso
2205