20/09/2026
🌿 GIRL SCOUT WEEK 2026 🌿
September 20–26, 2026 | Partida Elementary School
✨ “Girl Scouts today… Leaders tomorrow!” ✨
Buong siglang nakikiisa ang Partida Elementary School sa pagdiriwang ng Girl Scout Week 2026 ngayong Setyembre 20–26.
Sa loob ng pitong araw, isasagawa ang iba’t ibang makabuluhang gawain na naglalayong malinang ang pamumuno, disiplina, pagkakaibigan, paglilingkod, pagmamalasakit sa kapwa at kalikasan, at pagmamahal sa bayan. 💚
🌸 Day 1 – Escoda Day
Pagpapahalaga at pag-alala sa buhay at pamana ni Josefa Llanes Escoda, kabilang ang pag-aalay ng bulaklak bilang simbolo ng pasasalamat at pagkilala.
🤝 Day 2 – Girls’ Day
Mga gawaing nagtataguyod ng self-confidence, leadership, teamwork, at empowerment.
🎖️ Day 3 – Troop Leaders’ / Teachers’ Day
Pagpapahalaga at paggawa ng appreciation cards para sa mga Girl Scout Leaders at teachers na patuloy na gumagabay sa mga batang Scout.
🌱 Day 4 – Environment Day
Paglilinis ng paaralan/pamayanan, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pang environmental activities.
🤝 Day 5 – Partnership Day
Pakikipagtulungan, outreach activities, at mga gawaing nagpapalakas ng ugnayan ng paaralan at komunidad.
👨👩👧👦 Day 6 – Family Day
Mga gawaing nagtataguyod ng bonding, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa pamilya.
🙏 Day 7 – Thanksgiving Day
Panalangin, pagsisimba, pasasalamat, at pagkilala sa mga taong naging bahagi ng Girl Scout journey.
💚 Mabuhay ang Girl Scouts!
Patuloy nating hubugin ang mga batang may tapang, malasakit, kakayahan, at pusong handang maglingkod.
JIMMY P. DEL ROSARIO
Principal III
LEONORA V. BERGADO
District Supervisor