15/08/2026
HINDI SAPAT NA MAY PANGPAARAL KA LANG SA KANILA…..
Kanina, nagpabukas sa akin ng biscuit si Samuel. Naubos niya yung laman, matic—yung pinagkainan, naiwan sa mesa. 😅
Nanay mode on. Sinabihan ko siya kung saan dapat ilagay yung pinagkainan. Alam naman niyang ang kalat ay dapat itapon sa basurahan at ang ginamit na plato ay ilagay sa lababo. Ginawa naman niya.
Pero paulit-ulit ko rin siyang nireremind:
“Kung ano ang ginagawa mo dito sa bahay, pwede mo rin gawin sa labas. At ayokong gawin mo ’yon doon dahil ibang tao ang mapeperwisyo mo.”
Yes, yan talaga sinabi ko. 😂 Check the comments for proof. 🤪
So yeah, doon ko na naman naisip na hindi sapat na may pangpaaral ka lang sa anak mo.
Yes, malaking factor ang pagkakaroon ng pera. Kailangan nila ng pagkain, bahay, edukasyon, healthcare, at kung anu-ano pa. Pero hindi pera lang ang kailangan para mapalaki nang maayos ang isang tao.
Kailangan mo ring turuan sila ng respeto, responsibility, empathy, discipline, at kung paano makitungo sa ibang tao.
Kaya hindi ko rin masisisi kung sa generation ngayon, marami ang napapaisip kung mag-aanak pa ba o hindi na lang. Bukod sa ekonomiya at sistema na mayroon tayo, hindi natatapos ang pagiging magulang sa pagkakaroon ng anak. Panghabang-buhay na responsibilidad siya.
Nag-iiba lang ang season of life. Habang lumalaki sila, nag-iiba rin ang paraan ng pag-aalaga at pag-alalay natin sa kanila. Pero panghabang-buhay mo silang anak, at sana, habang lumalaki sila, mas matuto rin silang tumayo sa sarili nilang paa—hindi maging burden sa ibang tao.
Hindi ako expert sa pagiging magulang. Araw-araw, natututo lang din ako habang ginagawa ko ’to. Pero masasabi kong marami talagang dapat i-consider bago magdesisyon na magkaroon ng anak.
Ako lang naman ’to. Ginusto ko mag-anak, and I love being a mom. Pero hindi ko rin siya mare-recommend sa lahat. HAHAHAHAH!
Hindi sa dinidiscourage ko kayo, pero ayun nga—consider niyo rin yung mga nakikita, naririnig, at nararanasan niyo sa buhay bago kayo umabot sa final decision.
Kaya sa mga namemressure diyan sa mga nasa mid-20s to 30s na couples na kesyo:
“Kailan ka mag-aasawa?”
“Kailan kayo mag-aanak?”
STOP MO NA ’YAN, DEAR HAHAHAHA 2026 NA PUUU! 😭
Hindi naman race ang marriage at parenthood. Hindi porke’t ginagawa na ng iba, kailangan ginagawa mo na rin.
Ayun lang. O siya, magre-ready na ’ko sa audition ko sa PBB. 🤪