10/09/2026
12-HOUR IMPACT-BASED FORECAST FOR NCR-PRSD
Weather System: Heavy Rains/Flood
Issued at: 03:00 AM, 10 September 2026.
MINOR NA EPEKTO NG PAG-ULAN ANG INAASAHAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE NGAYONG ARAW.
Ayon sa pinakabagong 12-Hour Impact-Based Forecast ng DOST-PAGASA (NCR-PRSD), nasa "Minor" ang impact level sa Lungsod ng San Jose ngayong araw na may bisa mula 05:00 AM hanggang 05:00 PM. Posible ang panandaliang pagkaantala sa pang-araw-araw na gawain, gayundin sa byahe o transportasyon na maaaring mas tumagal kaysa sa normal.
KASABAY NITO ANG 3RD QUARTER NSED NGAYONG ARAW, SEPT. 10 (2:00 PM).
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA MGA G**O, KAWANI, AT MAG-AARAL?
โข Para sa mga G**o at Kawani (Naka-INSET)
- Lahat ng nasa INSET venues at opisina ay inaasahang makilahok sa NSED. Magsagawa ng "Duck, Cover, and Hold" pagsapit ng 2:00 P.M., kasunod ang maayos na evacuation.
- Mag-ingat din sa byahe at pag-uwi mamayang hapon dahil inaasahan ang mas mataas na posibilidad (>80%) ng pag-ulan at maaari ring may ma-stranded na pasahero sa kalsada.
โข Para sa mga Mag-aaral
- Dahil nasa Learnersโ Wellness Break at naka-asynchronous learning, hindi kailangang pumunta sa paaralan. Hinihikayat na gawin ang "Duck, Cover, and Hold" sa kani-kanilang tahanan.
โข MGA PAALALA SA PANAHON AT KALIGTASAN
- Siguruhing laging may dalang payong at kapote. Mainam din ang paggamit ng bota upang makaiwas sa sakit kung sakaling may baha pauwi mula sa INSET.
- Ibalot sa plastic ang mga INSET materials, gadgets, at mahahalagang dokumento upang hindi mabasa sakaling biglaang bumuhos ang ulan.
- Mag-ingat sa paglalakad sa mga basa at madulas na kalsada at pasilyo upang makaiwas sa aksidente.
- Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at Lokal na Pamahalaan.
PARA SA REAL-TIME, SCHOOL-SPECIFIC RISK PROFILES AND DATA DRIVEN DRRM MANAGEMENT PUMUNTA SA ligtas.cair.ph