21/09/2025
๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ?
Bulag-bulagan sa mga gawa nilang mali.
Sisisihin din naman pala ang sanlibutan,
Kahit sa totoo lang ay hindi dapat,
At babaguhin ang resultang katotohanan.
Guguluhin ang utak ng lipunan,
Ibubuntong ang mali sa kabataan.
Nasaan na ang aming karapatan,
Kung sa karapatan wala kaming kalayaan?
Kung sino ang matatanda,
Sila pa pala ang may masamang lungga.
Mahirap magsabi at magsalita,
Dahil kami raw ay maliit at bata.
Marami ang magulo sa masamang mundo,
Pumipintig ang kaguluhan sa iyong ulo,
Na tila'y 'di na makilala kung sino ang may sala โ
Sino ba talaga ang dapat sisihin sa ilalim ng madilim na tala?
Mahalaga ito sa pagpapakatao,
Ngunit nasaan ang sa inyo?
Pahahalagahan pa ba ang wala nang kuwenta,
Dahil ang mga utak ay sadyang tumatalino, ngunit sumasama?
Tagos-puso ang sakit noong malaman
At mapagtantong mabaho ang kanilang kalamnan.
Mga kamay, singdungis ng pulitiko;
Mga mata'y sing-itim ng maruming kuko.
Nasaan ang pagkakapantay-pantay? Sino ba kayo?
Di porkeโt bata ay hindi nโyo na ituturing na tao.
Mga mataโy malabo, ngunit hindi kami bulag!
May mga grado, ngunit hindi kami banlag!
----
sulat ni: Fritzcatuna
guhit ni: Celeste