17/07/2025
TINGNAN| WALANG PASOK
Kanselado ang Face to Face classes sa Hilltop Elementary School dahil sa inilabas na Heavy Rainfall Warning ng DOST PAGASA kaninang alas sinko ng umaga ngayong araw, July 18.
Ang paaralan ay sakop ng San Jose Occidental Mindoro na nasa Orange Heavy Rainfall Warning dala ng bagyong Crising at nang mas pinalakas na Habagat.
Ayon sa Deped Order #22 series of 2024, otomatikong suspendido ang klase sa mga lugar na nasa Orange o Red Heavy Rainfall Warning.
Tuloy ang klase sa paraang modyular upang masiguradong hindi apektado ang pag-aaral ng mga bata sa mga ganitong sitwasyon.
Source: PAGASA DOST PRSD
As of 5:00AM