LCC BAIS Press Club

LCC BAIS Press Club The Official Page of La Concolacion College- Bais City
Press Club- "Informs, Inspires, and gives voice to our school community."

BUOD NG MAIKLING KATHANG ANG BAGONG PARAISO MULA SA PANULAT NI EFREN ABUEGMGA TAUHANAriel (Ang Batang Lalaki / Binatilyo...
28/07/2026

BUOD NG MAIKLING KATHANG ANG BAGONG PARAISO MULA SA PANULAT NI EFREN ABUEG
MGA TAUHAN
Ariel (Ang Batang Lalaki / Binatilyo)
Matalik na kaibigan at kalaro ni Cleofe mula sa pagkabata.
Cleofe (Ang Batang Babae / Dalagita)
Ang kababata at kalaro ni Ariel na kasama niyang lumaki sa looban at dalampasigan
BUOD NG AKDA
Nagsimula ang kuwento sa dalawang bata—isang lalaki (Ariel) at isang babae (Cleofe)—na lumaki nang magkatabi ang bahay sa isang tahimik at malawak na looban na walang bakod. Mula sa edad na walong taon, tila paraiso ang kanilang daigdig: malayang naglalaro, umaakyat sa mga puno ng mangga at sinigwelas, at nagtatakbohan sa dalampasigan kapag hapon. Matalik silang magkahulugan at walang anumang malisya o kamalayan sa pagkakaiba ng kanilang kasarian. Bagamat tinutukso ng ibang mga kalaro at tinatawag na "kapit-tuko," nanatili silang magkasama sa kanilang payak at walang-malay na mundo.
Nang magtapos sila ng elementarya at pumasok sa sekundarya sa bayan, nagsimulang magbago ang kanilang daigdig. Isang araw, pinarating ng ama ni Ariel sa kanya na kailangan niyang magpagawa o magpatuli kay Ba Aryo upang maging ganap na lalaki. Sa kabilang banda, napansin din ni Cleofe ang pagbabago sa kanyang katawan at ang pagreregla.
Binalitaan kapwa nina Ariel at Cleofe ng kani-kanilang mga magulang na sila ay binatilyo at dalagita na, kaya't hindi na sila maaaring maglaro, maghabulan, o magkasama nang tulad ng dati. Sinimulan silang limitahan at paalalahanan na ang lalaki at babae ay "tukso" sa isa't isa. Dahil dito, nagkaroon ng lamat ang kanilang kawalang-malay at unti-unting itinayo ng lipunan at ng kanilang pamilya ang isang mataas na dingding sa kanilang pagitan.
Nang magtapos ng mataas na paaralan, pumasok sila sa kolehiyo sa lungsod—si Cleofe ay pinag-aaral ng medisina ng kanyang mga magulang upang maging doktora. Mahigpit na ipinagbawal ng kanilang mga magulang ang kanilang pagkikita upang makatapos sa pag-aaral, at itinatak sa kanilang isip na ang pag-iibigan ay isang "tukso" at "kasalanan".
Bagamat sinubukan nilang mag-iwasan nang ilang buwan, hindi nila nasikil ang damdaming matagal nang nag-ugat sa kanilang mga puso. Isang araw, nagkasalubong sila sa lungsod at hindi na napigilan ang labis na pagnanais na magkasama. Nagsimula silang magkita nang palihim sa Luneta at sa iba't ibang kubling lugar upang takasan ang mga bawal at paghihigpit ng kanilang mga magulang.
Dahil sa paghihimagsik sa mga bawal ng lipunan at pamilya, naging mas makitid at tago ang kanilang daigdig. Ang dating malawak na looban at malamig na dalampasigan ay napalitan ng isang tago at makitid na silid—ang kanilang "Bagong Paraiso"—kung saan malaya nilang isinuko ang kani-kanilang sarili at damdamin sa isa't isa.
Subalit ang panandaliang ligaya ng kanilang paghihimagsik ay may kapalit na dusa. Isang araw habang bumubuhos ang malakas na ulan, masama ang pakiramdam ni Cleofe. Sa kanyang pagdungaw sa bintana, nakaramdam siya ng matinding pagduwal—isang senyales ng kanyang pagdadalang-tao. Sa pagdaloy ng kanyang isuka na inanod ng tubig-ulan sa kalsada, napabulalas ng iyak si Cleofe habang napagtatanto ang mabigat na bunga ng kanilang ginawa at ang tuluyang pagkawala ng kanilang lumang paraiso.

𝑹𝒆𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝑶𝒓𝒕𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑼𝒃𝒖 𝑴𝒐𝒏𝒖𝒗𝒖, 𝑰𝒔𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝑲𝑾𝑭 𝒔𝒂 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝑲𝒊𝒅𝒂𝒑𝒂𝒘𝒂𝒏Nagsagawa ng Palihan sa Pagrebisa ng Ortograp...
28/07/2026

𝑹𝒆𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝑶𝒓𝒕𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑼𝒃𝒖 𝑴𝒐𝒏𝒖𝒗𝒖, 𝑰𝒔𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝑲𝑾𝑭 𝒔𝒂 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝑲𝒊𝒅𝒂𝒑𝒂𝒘𝒂𝒏
Nagsagawa ng Palihan sa Pagrebisa ng Ortograpiya ng wikang Ubu Monuvu ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 6–7 Hulyo 2026 sa Bernardo's Mountainside Resort, Ilomavis, Lungsod Kidapawan.
Ang mga gawain ay pinangunahan nina Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran at Kom. Carmelita Abdurahman kasama ang mga mananaliksik ng KWF, SWK ng University of Southern Mindanao (USM), guro-manunulat mula sa DepEd Kidapawan, at mga elder ng komunidad ng Ubu Monuvu.
Naging katuwang ng KWF sa pananaliksik na ito ang mga kinatawan mula sa Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng USM para matiyak ang maayos na implementasyon ng mga gawain at mapalakas ang ugnayan ng dalawang institusyon sa mga proyektong pangwika.
Sa unang araw ng palihan, tinalakay ni Dr. Jose Evie G. Duclay ang introduksiyon sa proyekto ng KWF na pagbuo ng ortograpiya, kabilang ang henetikong ugnayan ng mga wika sa Pilipinas. Ipinakilala ng mananaliksik na si G. Rolien Mark M. Balisi ang International Phonetic Alphabet (IPA) at ginabayan ang mga kalahok sa pagtuklas ng mga tunog na ginagamit sa wikang Ubu Monuvu.
Pinangunahan naman ng mananaliksik na si G. Christian DS. Nayles ang pagsulat ng mga kabanata ng ortograpiya, kabilang ang pantig at pagpapantig, pagbaybay na pabigkas at pasulat.
Sa ikalawang araw, ipinakita ng mga guro-manunulat ng USM sa mga elder ang mga nabuong kabanata sa Filipino at Ubu Monuvu upang matiyak ang wastong salin. Nagsagawa rin ng pamās, isang ritwal kung saan humihingi ng pahintulot ang mga datu sa kanilang diyos para sa binubuong ortograpiya.
Sinundan ito ng paglagda ng Memorandum ng Unawaan (MOU) sa pagitan ng KWF, USM, Department of Education (DepEd) Kidapawan, at Kidapawan LGU para sa ortograpiya at iba pang proyektong pangwika.
Sa hapon, nagsagawa ng courtesy visit ang mga kinatawan ng KWF sa Schools Division Office ng lalawigan ng Sultan Kudarat upang makipag-ugnayan at maghanda para sa isasagawang Oryentasyon sa Pagbuo ng Ortograpiya ng Mënubù Dulángan.
Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsusulong sa paggamit ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

25/07/2026

On National Campus Press Freedom Day, we honor the principles that define responsible journalism—truth, freedom, and accountability.

A free campus press empowers student journalists to stand firm in these principles. When press freedom is upheld, the pursuit of truth continues without unjust interference.

🖋️THE SEARCH IS ON!📰✨Do you have a passion for writing, storytelling, photography, broadcasting, or graphic design? This...
13/07/2026

🖋️THE SEARCH IS ON!📰✨

Do you have a passion for writing, storytelling, photography, broadcasting, or graphic design? This is your chance to shine!

Join the Campus Journalism Auditions and become part of the team that informs, inspires, and gives voice to our school community.

Whether you're an aspiring news writer, feature writer, editorial writer, sports writer, photojournalist, cartoonist, layout artist, radio broadcaster, TV broadcaster, or copyreader, we are looking for YOU!

📅 Audition Date: July 24, 2026
🕒 Time: 3pm to 5pm
📍 Venue: Gr. 10 St. Alypius (English) and HUMSS 11 (Filipino)

Don't miss this opportunity to discover your potential, develop your skills, and make your mark through journalism.

📢 Your story begins here. Join us and let your voice be heard!

Address

Aglipay Street
San Jose
6202

Telephone

+639758130553

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LCC BAIS Press Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to LCC BAIS Press Club:

Shortcuts

Share