DepEd Tayo Zenaida H Gaña MS - Dasmariñas City

DepEd Tayo Zenaida H Gaña MS - Dasmariñas City

Share

Zenaida H.

Gana Memorial School is a public elementary institution in the City Schools Division of Dasmarinas and has been a school of choice since 1970 in the community of barangay San Jose, Dasmarinas City.

23/06/2026

📢 𝗕𝗔𝗚 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗭𝗲𝗻𝗮𝗶𝗱𝗮 𝗛. 𝗚𝗮𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹

Alinsunod sa DepEd Order No. 6, s. 2026, ipinatutupad ng Zenaida H. Gaña Memorial School ang Bag Inspection upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran sa pagkatuto.

Ang inspeksiyon ay isasagawa nang may paggalang sa karapatan at dignidad ng bawat mag-aaral, na may layuning maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal at mapanganib na bagay sa loob ng paaralan.

Sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa para sa isang ligtas at masayang paaralan.

21/06/2026

💙 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝗺𝗮! 💙

Ngayong Araw ng mga Ama, taos-pusong pagpupugay ang hatid ng Zenaida H. Gaña Memorial School sa lahat ng ama at mga tumatayong ama na walang sawang nagmamahal, nagsasakripisyo, at gumagabay sa kanilang pamilya.

Maraming salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal, suporta, at dedikasyon. Kayo ang unang bayani, inspirasyon, at matibay na sandigan ng ating mga mag-aaral.

Nawa'y mapuno ng saya, pagmamahal, at pagpapala ang inyong espesyal na araw.

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝗺𝗮! 💙👨‍👧‍👦




Photos from DepEd Tayo Zenaida H Gaña MS - Dasmariñas City's post 18/06/2026

🚨 𝟮𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗘𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲 𝗗𝗿𝗶𝗹𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲 🚨

Ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na alas 9:00 ng umaga, matagumpay na nakiisa ang mga mag-aaral, mga g**o, at mga kawani ng Zenaida H. Gaña Memorial School sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng wastong "Duck, Cover, and Hold" at maayos na paglikas patungo sa itinakdang evacuation area, muling pinagtibay ng ating paaralan ang kahalagahan ng kahandaan sa oras ng lindol at iba pang sakuna.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng paaralan na mapaigting ang kamalayan, disiplina, at kahandaan ng buong komunidad tungo sa isang ligtas at matatag na paaralan.

Laging handa. Laging ligtas. Dahil ang kahandaan ay nakapagliligtas ng buhay.

Photos from DepEd Tayo Zenaida H Gaña MS - Dasmariñas City's post 13/06/2026

🎒📚 𝗧𝗮𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!📚🎒

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng 𝗭𝗲𝗻𝗮𝗶𝗱𝗮 𝗛. 𝗚𝗮ñ𝗮 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 sa 𝗪𝗮𝗹𝘁𝗲𝗿𝗺𝗮𝗿𝘁 sa kanilang pakikiisa at suporta sa pamamagitan ng 𝗔𝗱𝗼𝗽𝘁-𝗔-𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ng paaralan.

Sa kanilang kabutihang-loob, 𝟱𝟬 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝟭 ang nabigyan ng mga school supplies na makatutulong sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan sa paaralan.

Ang inyong malasakit at suporta ay nagbibigay inspirasyon at nagdudulot ng malaking tulong sa aming mga mag-aaral upang higit silang mahikayat na magpatuloy sa pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

Muli, maraming salamat sa WalterMart sa pagiging katuwang ng ZHGMS sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa bawat bata.

Sama-sama para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Pilipino! 💙





11/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.

11/06/2026

🇵🇭 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗸𝗮-𝟮𝟴 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗿𝗶𝗻𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀! 🇵🇭

📚 𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗠𝗼 𝗕𝗮? Ang watawat ng Pilipinas ay unang iwinagayway noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite, kasabay ng pagpapahayag ng kalayaan ng bansa.

❤️💙💛 Ipagdiwang natin ang ating kasaysayan, ipagmalaki ang ating kultura, at patuloy na mahalin ang ating bayan.

🇵🇭

Photos from DepEd Tayo Zenaida H Gaña MS - Dasmariñas City's post 10/06/2026

𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗢𝗕𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

June 10, 2026

Zenaida H. Gaña Memorial School welcomed Sir Michael De Guzman, PSDS; Dr. Fragilyn Rafael, Parent Supervisor; and Sir Allain Alvarez for the OBE 2026 monitoring visit. The team was received by School Head Sir Manny Bunan, together with Ma’am Rhodora Balungkas and Ma’am Hannah Mae Verzosa. The visit focused on addressing queries, providing technical guidance, and identifying key points for continuous improvement in the implementation of Outcomes-Based Education.

08/06/2026
07/06/2026

Welcome back to school ZHGMS learners!

07/06/2026

🎉ᕼᗩᑭᑭY ᗷIᖇTᕼᗪᗩY, ᗰᗩ'ᗩᗰ ᒪOᐯᗴᒪY! 🎉

Your ZHGMS Family warmly greets you with a happy and blessed birthday!

May your special day be filled with joy, love, and countless blessings. Thank you for your unwavering dedication, passion, and commitment in nurturing and inspiring our learners every day. Your hard work and kindness continue to make a positive impact on the school community.

As you celebrate another wonderful year of life, may God grant you good health, happiness, strength, and success in all your endeavors.

With love and appreciation from your ZHGMS Family 💙💛

📖 "The Lord bless you and keep you; the Lord make His face shine on you and be gracious to you."
— Numbers 6:24–25 🙏

Want your school to be the top-listed School/college in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Capt. Mario Saulog Street San Jose
San Jose
4116

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm