SAMANFIL

SAMANFIL Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAMANFIL, College & University, San Jose del Monte.

Ang Samahan ng mga Mag-aaral na Nagtataguyod sa Wikang Filipino (SAMANFIL) mula sa Bulacan State University - Sarmiento Campus ay organisasyong makatutulong sa pagpapaunlad ng disiplinang Filipino.

17/09/2026

“Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street…” 🎶🎄 Ber months na!

Unti-unti nang sumasagi sa hangin ang Paskong Pinoy—mula sa mga kantang pamasko, makukulay na dekorasyon, Simbang Gabi, at hanggang sa masasarap na bibingka at p**o bumbong. Ngunit higit pa rito, ang Pasko ay salamin ng ating kultura: puno ng saya, pananampalataya, pagbibigayan, at pagmamahal sa pamilya at kapuwa. 🇵🇭🫂

Sabay-sabay nating alamin kung paano naging mahalagang bahagi ng ating kultura ang mga tradisyong ito at kung ano ang tunay na diwa ng Paskong Pinoy. Dahil minsan, hindi natin kailangan ng malalaking regalo—sapat na ang oras, pagmamahal, at liwanag ng puso upang maramdaman ang tunay na diwa ng Pasko. 🎄❤️

Kaya, halina’t samahan ninyo kaming kilalanin ang diwa ng Paskong Pinoy mula sa bagong trivia video ng SAMANFIL, na inyong kasama sa pagtuklas, pagpapahalaga, at pagmamahal sa ating wika’t kultura! ✨

✒️: Marcus Gonzaga
🎥: Jan Jerico Lofranco at Cris Angelo Plamo
🎨: Maridel Joy Cuanilo
🧠: Kiel Condat



Narito na ang tamang sagot sa ating Fun-Diwa kahapon! 🎉 Maraming salamat sa bawat isa na naglaan ng oras at sumubok suma...
15/09/2026

Narito na ang tamang sagot sa ating Fun-Diwa kahapon! 🎉

Maraming salamat sa bawat isa na naglaan ng oras at sumubok sumagot sa ating pagsusulit. Masaya kaming nakita ang inyong interes at pagmamahal sa ating panitikan. Nawa'y nagbigay ito ng dagdag na kaalaman at kasiyahan sa inyong araw. Tingnan na lamang sa ibaba kung nakuha mo ang tamang kasagutan! 😊

Hanggang sa susunod na Fun-Diwa na puno ng aral at saya, Samanpeeps! Patuloy nating pahalagahan at ibandera ang ating sariling panitikan at kasaysayan! ✨

✒️: Allysa Avril Orande
🎨: Dwayne Lazaca



MALIGAYANG ANIBERSARYO, KONGRESO NG MALOLOS🇵🇭Ngayong ika-128 na anibersaryo ng Kongreso ng Malolos, ating balikan ang is...
15/09/2026

MALIGAYANG ANIBERSARYO, KONGRESO NG MALOLOS🇵🇭

Ngayong ika-128 na anibersaryo ng Kongreso ng Malolos, ating balikan ang isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng ating bansa—ang pagtitipon ng mga kinatawan na naglatag ng mahahalagang pundasyon para sa pamahalaan at kalayaan ng Pilipinas.

Sa Malolos, isinabuhay ng ating mga ninuno ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagtataguyod ng isang bansang malaya at makatarungan. Ang kanilang mga adhikain ay nagsisilbing paalala sa atin na ang kalayaan ay may kaakibat na pananagutan sa bayan.

Sa paggunita ng makasaysayang araw na ito, patuloy nating pahalagahan ang ating kasaysayan at isabuhay ang diwa ng pagiging makabayan.

MABUHAY ANG LUNGSOD NG MALOLOS! 🎊✨

✒️: Ezekiel Daya
🎨: Dwayne Lazaca


Talino sa ating panitikan, halina't linangin at subukin sa ating Fun-Diwa! 🧠✨ Madalas ka rin bang malito kung ano nga ba...
14/09/2026

Talino sa ating panitikan, halina't linangin at subukin sa ating Fun-Diwa! 🧠✨

Madalas ka rin bang malito kung ano nga ba ang tamang salin at kahulugan ng pamagat ng pinakatanyag na nobela ni Dr. Jose Rizal? Madalas magkaroon ng kalituhan kung alin sa mga ito ang tiyak na ibig-sabihin nito. Kaya naman, dito mo na masusubok kung talagang alam mo ang tamang kasagutan. Basahin nang mabuti at piliin ang tamang sagot gamit ang mga reaksyon sa ibaba. 😊

Huwag nang patagalin pa ang pag-iisip ng sagot, ilabas mo na ang iyong galing sa ating panitikan! 🤓

PAALALA: Ang sagot sa ating Fun-Diwa ay ilalabas bukas, kaya't manatiling nakatutok! 👀

✒️: Allysa Avril Orande
🎨: Dwayne Lazaca
🧠: Princess Geraldine Gelera


MALIGAYANG IKA-26 ANIBERSARYO NG PAGKALUNGSOD, SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN! 🎉Sa bisa ng Batas Republika Blg. 11728, ang ...
10/09/2026

MALIGAYANG IKA-26 ANIBERSARYO NG PAGKALUNGSOD, SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN! 🎉

Sa bisa ng Batas Republika Blg. 11728, ang ika-10 ng Setyembre ay idineklarang Special Non-Working Holiday sa buong lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, upang gunitain ang Cityhood Anniversary sa araw na ito.

Higit pa sa selebrasyon ang natatanging araw na ito, dahil pagkakataon ito upang magbalik-tanaw sa sinimulang tanglaw ng ating lungsod. Tanda rin ito na dapat hindi tayo manatiling nakapikit sa sistemang natatamasa natin sa kasalukuyan, dahil ang daloy ng pag-unlad ay hindi dapat lamang sa iilan umaagos. Dapat itong maging sapa na pantay na bumabaha ng pag-asa sa bawat tahanan, anuman ang kalagayan. Kaya, manatili tayong tumindig at manindigan sa ating mga karapatan.

KARAPATAN PARA SA LAHAT, HINDI SA IILAN!

✒️: Jacob Cyrus Badulis
🎨: Cedric Cedro


06/09/2026

May exam pa pala? Akala ko huwag na lang eh. 🫨
‎
‎Oo, mga 'te! Tuloy na ang exam bukas, totoo na 'to! Ang tanong, nakapag-review na ba ang lahat? Pwes kung hindi pa, sama-sama tayong gumawa ng milagro bukas. 🥰
‎
‎Pwera biro, Samanpeeps. Hangad namin ang matagumpay ninyong pagsasagot sa panggitnang pagsusulit. Nawa'y maayos na nakapaghanda ang lahat, sa kabila ng hindi magandang panahon. Tandaan na ano man ang makuhang resulta, maaari pa namang bumawi next semester. 😅
‎
‎Pasadong grado, cutie!🤞🏻☘️

✒️: Princess Ellora Batistil
🎨: Dwayne Lazaca
‎
‎
‎

Bokabularyo ay paunlarin, sa diwa ay kilalanin! ✍️💡 Naranasan mo na bang makaramdam ng malasakit at pag-aaruga na parang...
04/09/2026

Bokabularyo ay paunlarin, sa diwa ay kilalanin! ✍️💡

Naranasan mo na bang makaramdam ng malasakit at pag-aaruga na parang mainit na yakap sa gitna ng hirap? Kahit gaano pa kabilis ang takbo ng buhay, minsan kailangan nating magbigay ng "lingap" sa ating kapuwa.

Samanpeeps, alam mo na ba ang salitang "lingap"? Kung hindi pa, hatid namin ang diwa nito upang mapayaman ang iyong kaalaman. Kaya't sabay-sabay nating tuklasin at pahalagahan ang ganda ng wikang Filipino!

Magbasa, maging maalam, at gamitin ang tamang salita sa tamang pagkakataon! ✨

✒️: Allysa Avril Orande
🎨: Jorlyn Nicart
🧠: Princess Geraldine Gelera



MARKAHAN ANG KALENDARYO, DAHIL PARA SA'YO ANG BUWAN NA 'TO! 🥳 Maligayang kaarawan sa lahat ng ka-SAMANPEEPS na ipinagdir...
01/09/2026

MARKAHAN ANG KALENDARYO, DAHIL PARA SA'YO ANG BUWAN NA 'TO! 🥳

Maligayang kaarawan sa lahat ng ka-SAMANPEEPS na ipinagdiriwang ang kanilang espesyal na kaarawan ngayong buwan ng Setyembre! Hiling namin na mapuno ito ng wagas na kagalakan, saganang pagpapala, at mag-iwan ng hindi malilimutang magagandang alaala sa bawat araw. Nawa’y bigyan din kayo ng maayos na kalusugan at kapayapaan ng isip sa inyong pagdiriwang. 🎊

Patuloy nating pasalamatan ang Diyos sa mahalagang regalong buhay at panibagong pagkakataong ibinigay Niya para sa atin. Sana'y ang panibagong yugtong ito ay maging daan upang mas lalo kayong lumago at magtagumpay sa pagkamit ng inyong mga mithiin.

Kaya’t palaging piliing magsaya nang lubos at magdiwang nang buong puso, dahil tunay na espesyal ang buwang ito para sa inyo! 🫵🏻🎉

✒️: Allysa Avril Orande
🎨: Rhyza Leih Tolo


01/09/2026

“Ivana, Ivana, may alam ka ba tungkol sa Doktrina Christiana?”

Una sa lahat, hindi naman ako si Ivana. Pero oo, may alam ako kaya ito ang ibabahagi namin sa inyo! 😉

Madalas natin itong marinig o talakayin lalo na sa asignaturang Filipino. Akala natin ay lumang aklat lang ito, ngunit mayroon itong nakatagong kasaysayan—kuwento ng paglilimbag, pagkatuto, at paghubog sa atin bilang isang Pilipino. Hindi natin alam na may mas malalim pa pala itong pinagmulan na nagpapakita kung paano nabuo at lumago ang ating kultura sa paglipas ng panahon. Handa ka na bang malaman at tuklasin ito?

Kung oo... ano, tara? Tara na! Kilalanin na natin ang tunay na kuwento at kahalagahan nito mula sa ating bagong ibabahaging trivia video ng SAMANFIL, na inyong kasama sa pagtuklas, pagpapahalaga, at pagmamahal sa ating sariling wika't kultura! 📚✨

✒️: Jasmine Rose
🎨: Richelyn Visbal at Dwayne Lazaca
🎥: Maridel Joy Cuanilo
🧠: JJ Moreno



Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, Ipinagmamalaki namin kayo! ✨‎‎Sa bisa ng Batas Republika Blg. 9492, s. 2007, g...
31/08/2026

Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, Ipinagmamalaki namin kayo! ✨
‎
‎Sa bisa ng Batas Republika Blg. 9492, s. 2007, ginugunita natin ang Araw ng mga Bayani tuwing sasapit ang huling Lunes ng Agosto. Sa araw na ito, muli nating sariwain ang kanilang mga alaala na nagsilbing pundasyon upang matamasa natin ang kalayaan mula sa mga banyagang mananakop sa kasaysayan.
‎
‎Huwag sana nating kalimutan ang kanilang mga sakripisyo para sa bayang minamahal, lipunang kinalakihan, at pamilyang pinakaiingatan. Ipinagpapasalamat namin ang dinala ninyong ilaw ng pag-asa para sa kasalukuyan at susunod pang mga henerasyon.
‎
‎Maligayang Araw ng mga Bayani!
Mabuhay ang Bayaning Pilipino! 🇵🇭

✒️: Princess Ellora Batistil
🎨: Cris Angelo Plamo
‎
‎
‎

Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAMANFIL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to SAMANFIL:

Shortcuts

Share