DepEd San Isidro Alcantara High School - Camarines Norte

DepEd San Isidro Alcantara High School - Camarines Norte An institution that promotes quality education and helps learners achieve their goals in life

Congratulations 🤝👏🏆
04/09/2026

Congratulations 🤝👏🏆

🛡️ Sama-sama para sa Ligtas na Paaralan at Pamayanan.Isang makabuluhang araw para sa San Isidro (Alcantara) High School ...
03/09/2026

🛡️ Sama-sama para sa Ligtas na Paaralan at Pamayanan.

Isang makabuluhang araw para sa San Isidro (Alcantara) High School bilang bahagi ng pagdiriwang ng 32nd National Crime Prevention Week (NCPW).

Ngayong September 3, 2026, ganap na ala-una ng hapon, isinagawa sa ating paaralan ang Crime Prevention Symposium sa pakikipagtulungan ng MPS San Lorenzo Ruiz🫡.

Lubos ang aming pasasalamat sa MPS San Lorenzo Ruizsa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, mahahalagang paalala, at gabay na makatutulong sa ating mga mag-aaral upang maging mas mapanuri, responsable, alerto, at ligtas sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Bilang isang paaralan, naniniwala kami na ang kaligtasan ay nagsisimula sa kaalaman, disiplina, at malasakit sa isa't isa.Ang bawat aral na natutuhan ngayong araw ay isang hakbang tungo sa pagbuo ng isang mas ligtas at mapayapang paaralan at pamayanan.

Maraming salamat, MPS San Lorenzo Ruiz, sa inyong oras, kaalaman, at pakikipagtulungan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. 🤝

San Isidro (Alcantara) High School — sama-sama para sa ligtas na kinabukasan ng bawat mag-aaral.





KAHANDAAN NGAYON, KALIGTASAN SA BAWAT SANDALI. 🏫Ngayong Setyembre 3, 2026, buong-pusong nakilahok ang San Isidro (Alcant...
03/09/2026

KAHANDAAN NGAYON, KALIGTASAN SA BAWAT SANDALI. 🏫

Ngayong Setyembre 3, 2026, buong-pusong nakilahok ang San Isidro (Alcantara) High School sa Nationwide School Safety Drill.

Hindi lamang ito isang simpleng drill. Isa itong pagkakataon para sa ating mga mag-aaral, g**o, at kawani na matutong maging kalmado, alerto, at handa sa oras ng panganib.

Sa pagsasagawa ng Run, Hide, and Fight, naipakita natin ang kahalagahan ng tamang kaalaman at mabilis na pagkilos upang mapangalagaan ang ating sarili at ang bawat isa.

Sa bawat pagsasanay, mas pinapalakas natin ang ating kahandaan. Dahil para sa amin, walang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng bawat batang San Isidronians at ng buong school community.

Sama-sama tayong natututo. Sama-sama tayong naghahanda. Sama-sama nating pinangangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa. ❤️

San Isidro (Alcantara) High School — Ligtas, Handa, at Nagkakaisa!

Opisyal na sinimulan ng San Isidro Alcantara High School, sa pangunguna ng KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO (KAMFI...
03/08/2026

Opisyal na sinimulan ng San Isidro Alcantara High School, sa pangunguna ng KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO (KAMFIL), ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:

"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng mga mag-aaral, g**o, at pamunuan ng paaralan, ating ipinamalas ang pagmamahal sa ating wikang pambansa at kulturang Pilipino.

Nawa'y maging makabuluhan ang bawat gawaing nakalaan ngayong buwan upang higit pang mapaunlad ang pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa, kaalaman, at pagkakakilanlan.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2026!

Taos-pusong nagpapahayag ng pasasalamat ang San Isidro (Alcantara) High School, sa pangunguna ng aming Punong G**o, Ma'a...
27/07/2026

Taos-pusong nagpapahayag ng pasasalamat ang San Isidro (Alcantara) High School, sa pangunguna ng aming Punong G**o, Ma'am Olivia M. Lamadrid, kasama ang buong Teaching and Non-Teaching Personnel at Pres. Bonita Joven School Parents-Teachers Association (SPTA) kay Hon. Vice Mayor Randy D. Francisco sa kanyang ipinagkaloob na tulong pinansyal para sa Water Facility at Concrete Fencing ng paaralan sa ilalim ng PROJECT RDF (Ramay Dunong Fund).

Ang nasabing tulong ay malaking ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng ating paaralan, lalo na sa pagtiyak ng maayos at sapat na suplay ng tubig na mahalaga sa kalinisan, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong malasakit at patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon. Ang inyong kabutihang-loob ay sumasalamin sa tunay na diwa ng paglilingkod-publiko at nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga paaralan para sa kapakanan ng kabataang San Lorenzeño.

Muli, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyo, Hon. Vice Mayor Randy D. Francisco, sa pamamagitan ng PROJECT RDF (Ramay Dunong Fund). Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong adhikain na makapaglingkod nang tapat at may malasakit sa ating komunidad.

Ang Hunyo 1 ay hindi lang basta  petsa - ito ang hudyat ng ating pagkakaisa at simula ng mas maliwanag na bukas para sa ...
31/05/2026

Ang Hunyo 1 ay hindi lang basta petsa - ito ang hudyat ng ating pagkakaisa at simula ng mas maliwanag na bukas para sa ating mga mag-aaral!

Ang pamunuan ng San Isidro (Alcantara) High School ay buong-pusong nag-aanyaya sa ating BRIGADA ESKWELA '26 KICK OFF.

Magkita-kita po tayo ngayong Hunyo 1, 2026, sa ganap na alas - 8:00 ng umaga
sa ating paaralan.

Hawak ang ating puso at ating sipag, ating isasabuhay ang temang:📜 "Bayanihan
sa Paaralan: Nagkakaisa Para Sa Kaayusan at Kaalaman."

Hindi lamang tayo maglilinis ng silid-aralan - tayo at magtatanim ng pag-asa para sa kinabukasan. Kita-kits po tayo bukas!❣️

Muli po kaming nag-aanyaya sa mga magulang, mag-aaral, alumni at buong komunidad na makiisa sa ating Brigada Eskwela sa San Isidro (Alcantara) High School. 🤝

🗓️Kailan: Hunyo 1-5, 2026
📍Saan: Purok -1, San Isidro, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Bukas po ang ating paaralan para sa lahat ng gustong mag-volunteer at tumulong sa paglilinis, pagpipinta, at pagkukumpuni ng ating pasilidad.

Sama-sama po nating ihanda ang paaralan para sa mas ligtas at maaayos na pag-aaral ng ating mga kabataan! Kitakits po tayo!💙

Muli po kaming nag-aanyaya sa mga magulang, mag-aaral, alumni at buong komunidad na makiisa sa ating Brigada Eskwela sa ...
27/05/2026

Muli po kaming nag-aanyaya sa mga magulang, mag-aaral, alumni at buong komunidad na makiisa sa ating Brigada Eskwela sa San Isidro (Alcantara) High School. 🤝

🗓️Kailan: Hunyo 1-5, 2026
📍Saan: Purok -1, San Isidro, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Bukas po ang ating paaralan para sa lahat ng gustong mag-volunteer at tumulong sa paglilinis, pagpipinta, at pagkukumpuni ng ating pasilidad.

Sama-sama po nating ihanda ang paaralan para sa mas ligtas at maaayos na pag-aaral ng ating mga kabataan! Kitakits po tayo!💙

We are excited to see and teach you again, dear ARAL learners! Welcome to the ARAL Summer Reading Program 2026. Sama-sam...
05/05/2026

We are excited to see and teach you again, dear ARAL learners! Welcome to the ARAL Summer Reading Program 2026. Sama-sama tayong magbasa, mag-aral, at matuto ngayong summer!

SCHOOL ADMISSION GUIDE1. Get the Enrollment FormObtain it from the school office2. Fill out the formComplete all require...
05/02/2026

SCHOOL ADMISSION GUIDE
1. Get the Enrollment Form
Obtain it from the school office
2. Fill out the form
Complete all required information (student details, grade level, parent/guardian info).
3. Submit the Requirements and Form
Turn in the documents to the school office or registrar
4. Wait for Confirmation
The school will review your documents and confirm your enrollment.

23/07/2024

Address

San Isidro
San Isidro

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639985666010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Isidro Alcantara High School - Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd San Isidro Alcantara High School - Camarines Norte:

Shortcuts

Share

Category