10/09/2026
🎂💐 Maligayang Kaarawan, Ma’am Abigail P. Mendoza! 💐🎂
Ngayong espesyal na araw, nais naming ipahatid ang aming taos-pusong pagbati at maraming, maraming salamat sa isang g**ong tunay na naglalaan ng puso, panahon, at lakas para sa kanyang trabaho.
Bilang aming Grade 10 Chairperson at Curriculum Chairwoman, nakita namin kung gaano kayo kaseryoso at kasigasig sa inyong mga responsibilidad. Hindi lang po ninyo ginagampanan ang inyong tungkulin—talagang ibinibigay ninyo ang inyong puso rito. ❤️
Salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pag-unawa, at pagtulong. Salamat sa bawat oras na inilaan ninyo para maayos ang mga bagay-bagay, sa bawat problemang hinaharap ninyo, at sa bawat pagkakataong inuuna ninyo ang kapakanan ng inyong mga mag-aaral at ng buong Grade 10.
Ang inyong pagiging dedicated at passionate bilang isang g**o at lider ay malaking inspirasyon sa amin. Maraming bagay ang maaaring hindi namin nasasabi, pero lubos naming pinahahalagahan ang lahat ng inyong ginagawa at sakripisyo. 🌷
Sa araw ng inyong kaarawan, dalangin namin na suklian kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, saya, kapayapaan, at maraming biyaya. Nawa'y patuloy kayong bigyan ng lakas at inspirasyon upang makapaglingkod at makapagturo nang may parehong pagmamahal at dedikasyon.
Happy Birthday, Ma’am Abigail! 🥳🎉
Maraming salamat po sa pagiging isang g**ong hindi lamang nagtuturo, kundi nagbibigay-inspirasyon at nagmamalasakit. 💖
God bless you always, Ma’am! Enjoy your special day! 🎂🌸