30/10/2024
MATINDING SAMA NG PANAHON BUNSOD NG SUPER TYPHOON LEON MARARANASAN SA EXTREME LUZON
Itinaas sa Signal No. 5 ang northern at eastern portion ng Batanes- Itbayat at Basco, dulot ng super typhoon Leon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 195 km/h malapit sa sentro at pabugsong 240 km/h, ayon sa PAGASA.
Huli itong namataan 100 km East Northeast ng Itbayat, Batanes kaninang alas-4 ng umaga.
Samantala, nakataas ang Signal No. 4 sa nalalabing bahagi ng Batanes.
Signal No. 3 naman sa northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.).
Signal No. 2 sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, northern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan), Apayao, at Ilocos Norte.
Habang Signal No. 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, northern at central portions ng Nueva Vizcaya (Bayombong, Dupax del Norte, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Aritao, Bambang, Diadi, Dupax del Sur, Quezon, Solano), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, northern at central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Dilasag).
Magla-landfall ang bagyong Leon mamayang hapon sa eastern coast ng Taiwan. At inaasahan ang second landfall nito sa mainland China.
π·: Dost_pagasa