Asnhs- Filipiniana

Asnhs- Filipiniana

Share

Mabuhay! Halina't maging bahagi sa aming masayang samahan sa ANSHS- Filipiniana! #KawikaTayo ♥️

Photos from Asnhs- Filipiniana's post 30/08/2025

PAMANANG WIKA, YAMAN NG BANSA| ASNHS, pormal na isinara ang pagdiriwang nv Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na nagpupugay sa kasaysayan at pagkakaisa ng bansa

Idinaos ang pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 sa bulwagan ng Agusan del Sur National High School noong ika-29 ng Agosto, 2025. Ang pagdiriwang, na nagsimula sa ganap na ika-1 ng hapon, ay nagbigay-pugay sa pambansang wika sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Sa palatuntunan ay nagbigay ng mensahe si Gng. Estrella Tabugon, Assistant School Principal, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapayabong ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa at identidad.

Ibinahagi rin ni G. Charles P. Galgo, SPTA President, ang kanyang suporta sa mga programa na naglalayong palakasin ang pagpapahalaga sa wika at kultura.

Bukod sa mga mensahe, nagkaroon din ng iba’t ibang pagtatanghal na nagpakita ng talento at kahusayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng sining at panitikan. Kabilang dito ang mga sayawit, sabayang pagbigkas, isahang awit, dagliang talumpati, balagtasan, at BidyoKasiya na nagbigay-buhay sa tema ng pagdiriwang.

Ang Buwan ng Wika ay taunang selebrasyon na naglalayong itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa bansa. Sa pamamagitan ng mga aktibidad at programa, inaasahang mas mapapalawak pa ang kaalaman at pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika at kultura.

📸 Aika Kate Kuizon, Francis Caraballe
✍🏻 Ocing Caholugan
💻 Aika Kate Kuizon

Photos from Asnhs- Filipiniana's post 09/08/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Daan-daang mag-aaral mula sa lahat ng baitang ng ASNHS ang lumahok sa panimulang gawain ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at sumali sa paligsahang Tagisan ng Talino na ginanap sa ika-8 ng Agosto, 2025, Biyernes, sa ASNHS Covered Court.

Layunin ng paligsahang ipamalas ng mga kalahok ang kanilang talino sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa wika at panitikang Filipino, gayundin ang natatanging kulturang Pilipino. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang silid ng paligsahan, patunay na masaya at mainit ang suporta nila sa nasabing paligsahan at sa pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa.

Tumutok lamang para sa mga susunod na gawain at paligsahan.

01/09/2024

Malaki ang ginagampanan ng media at ng pamamahayag sa pagpapaunlad ng ating wika.

@50

01/09/2024

Lakan(IKSP)

@50

31/08/2024

Aghaming Panlipunan
Lahok ng Baitang 12-Copernicus
Patimpalak sa Pagsulat ng Kanta(Rap)

31/08/2024

Kayamanang Wika
Lahok ng Baitang 12-Smith
Patimpalak sa Pagsulat ng Kanta (Rap)

30/08/2024

Lahok ng Baitang 10-Marcos
Patimpalak sa Pagsulat ng Kanta(Rap)

30/08/2024

"Kaalaman ang Sandata"
Baitang 12-Decartes
Patimpalak sa Paggawa ng Kanta(Rap)

Want your school to be the top-listed School/college in San Francisco?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

San Francisco
8501