San Francisco Water District_Quezon

San Francisco Water District_Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Francisco Water District_Quezon, San Francisco Street, San Francisco.

!! PABATID SA PUBLIKO !! PANSAMANTALANG PAGSUSUSPINDE NG "NO NOON BREAK" POLICYIpinababatid sa lahat ng concessionaires ...
13/08/2026

!! PABATID SA PUBLIKO !!
PANSAMANTALANG PAGSUSUSPINDE NG "NO NOON BREAK" POLICY

Ipinababatid sa lahat ng concessionaires at kliyente ng San Francisco Water District (SFWD) na pansamantalang isususpinde ang pagpapatupad ng "No Noon Break" Policy mula Agosto 13 (Huwebes) hanggang Agosto 14, 2026 (Biyernes).

Sa nasabing mga araw, magsasara ang Cashiering Office mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-1:00 ng hapon upang bigyang-daan ang itinakdang oras ng pananghalian at pahinga ng nakatalagang kawani.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng concessionaires at kliyente na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago mag-alas-12:00 ng tanghali o pagkatapos ng alas-1:00 ng hapon.

Ang "No Noon Break" Policy ay muling ipatutupad simula Agosto 17, 2026 (Lunes).

Lubos po naming hinihingi ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Maraming salamat po.

18/07/2026

PAUNAWA SA PUBLIKO

Ipinababatid po ng San Francisco Water District (SFWD) na, bunsod ng mga ulat ng pagkawala ng daloy ng tubig mula sa ilang concessionaires sa iba’t ibang bahagi ng aming service area, pansamantala pong isinara ang daloy sa ilang linya kaninang 2:30 ng hapon upang bigyang-daan ang muling pagpupuno ng reservoir hanggang sa antas na makapagbibigay ng sapat na pressure at maabot ang lahat ng service connections.

Ang kasalukuyang paghina at tuluyang pagkawala ng supply ng tubig sa ilang lugar ay dulot ng patuloy na pagtaas ng demand sa tubig na hindi na kayang sabayan ng ating limitadong pinagkukunan. Ang sitwasyong ito ay pinalalala ng mga environmental factors, partikular ng El Niño, na inaasahang magpapatuloy hanggang taong 2027.

Kaugnay nito, hinihiling po namin ang malawak na pang-unawa at kooperasyon ng bawat consumer sa pamamagitan ng masusing pagtitipid sa paggamit ng tubig at palagiang pag-iimbak ng sapat na suplay para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Muli, kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa biglaang water interruption na ito at sa mga posibleng kasunod pang aberya habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang balanse ng supply at demand at agarang matugunan ang mga tagas sa linya.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

17/07/2026

UPDATE

Ipinababatid sa lahat na naibalik na ang serbisyo ng ECPay at GCash payment channels. Maaari na muling gamitin ang mga ito para sa inyong online na pagbabayad ng water bills.

Maraming salamat.

16/07/2026

‼️ PAUNAWA SA PUBLIKO‼️

Ipinababatid sa lahat na ang GCash at iba pang ECPay payment channels ay pansamantalang hindi magagamit dahil sa isinasagawang emergency system maintenance ng ECPay.

Dahil dito, ang mga online na pagbabayad sa pamamagitan ng mga nabanggit na payment channels ay pansamantalang hindi mapoproseso hanggang sa muling abiso.

Hinihikayat namin ang aming mga mahal na concessionaire na pansamantalang magbayad ng kanilang bayarin sa tubig nang direkta sa Tanggapan ng San Francisco Water District (SFWD) habang isinasagawa ang maintenance.

Maglalabas kami ng panibagong anunsyo sa oras na ganap nang maibalik ang serbisyo ng ECPay.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

‼️PABATID SA PUBLIKO‼️PANSAMANTALANG PAGSUSUSPINDE NG    "NO NOON BREAK" POLICYIpinababatid sa lahat ng concessionaires ...
13/07/2026

‼️PABATID SA PUBLIKO‼️

PANSAMANTALANG PAGSUSUSPINDE NG "NO NOON BREAK" POLICY

Ipinababatid sa lahat ng concessionaires at kliyente ng San Francisco Water District (SFWD) na pansamantalang isususpinde ang pagpapatupad ng "No Noon Break" Policy mula Hulyo 14, 2026 (Martes) hanggang Hulyo 17, 2026 (Biyernes).

Sa nasabing mga araw, magsasara ang Cashiering Office mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-1:00 ng hapon upang bigyang-daan ang itinakdang oras ng pananghalian at pahinga ng nakatalagang kawani.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng concessionaires at kliyente na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago mag-alas-12:00 ng tanghali o pagkatapos ng alas-1:00 ng hapon.

Ang "No Noon Break" Policy ay muling ipatutupad simula Hulyo 20, 2026 (Lunes).

Lubos po naming hinihingi ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Maraming salamat po.

29/06/2026

SFWD ADVISORY
WATER INTERRUPTION SCHEDULE

Ipinababatid po ng San Francisco Water District na bunsod ng kasalukuyang nararanasang water shortage ay pansamantala pong magpapatay ng daloy ng tubig tuwing gabi mula 8:00 PM hanggang 4:00 AM.

Magsisimula ang pagpapatupad nito mamayang gabi, Hunyo 24, 2026. Ang eksaktong araw ng ganap na pagbalik sa normal at tuloy tuloy na daloy ng tubig ay hindi pa matutukoy dahil sa epekto ng kasalukuyang El Niño.

Mahahalagang Paalala:

1.Mag-imbak ng sapat at malinis na tubig bago mag 8:00 PM para sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.

2.Magsanay ng pagtitipid sa paggamit ng tubig. Sa panahon ng El Niño,
3.Pakisiguro na nakasara ang lahat ng gripo bago matulog o umalis ng bahay. Ang mga gripo na naiwang bukas habang walang suplay ay maaaring magdulot ng pag-apaw at biglaang pagtaas ng konsumo sa sandaling bumalik ang tubig.

Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang maidudulot nito. Umaasa kami sa inyong pang-unawa.

Maraming salamat po.

Pamunuan
San Francisco Water District – Quezon

SFWD ADVISORYWATER INTERRUPTION SCHEDULEIpinababatid po ng San Francisco Water District na bunsod ng kasalukuyang narara...
24/06/2026

SFWD ADVISORY
WATER INTERRUPTION SCHEDULE

Ipinababatid po ng San Francisco Water District na bunsod ng kasalukuyang nararanasang water shortage ay pansamantala pong magpapatay ng daloy ng tubig tuwing gabi mula 8:00 PM hanggang 4:00 AM.

Magsisimula ang pagpapatupad nito mamayang gabi, Hunyo 24, 2026. Ang eksaktong araw ng ganap na pagbalik sa normal at tuloy tuloy na daloy ng tubig ay hindi pa matutukoy dahil sa epekto ng kasalukuyang El Niño.

Mahahalagang Paalala:

1.Mag-imbak ng sapat at malinis na tubig bago mag 8:00 PM para sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.

2.Magsanay ng pagtitipid sa paggamit ng tubig. Sa panahon ng El Niño,
3.Pakisiguro na nakasara ang lahat ng gripo bago matulog o umalis ng bahay. Ang mga gripo na naiwang bukas habang walang suplay ay maaaring magdulot ng pag-apaw at biglaang pagtaas ng konsumo sa sandaling bumalik ang tubig.

Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang maidudulot nito. Umaasa kami sa inyong pang-unawa.

Maraming salamat po.

Pamunuan
San Francisco Water District – Quezon

NOTICE OF VACANCY:The San Francisco Water District_Quezon is currently looking for candidates to fill its vacant positio...
23/06/2026

NOTICE OF VACANCY:

The San Francisco Water District_Quezon is currently looking for candidates to fill its vacant position as stated below. Qualified persons may submit their documentary requirements (please refer to the photo below for the complete list) at the SFWD Office or may send via email at [email protected].

*Note that applications with incomplete document/s shall not be entertained.

SFWD ADVISORY:Ipinaaalam po sa lahat ng mga concessionaire ng San Francisco Water District na magkakaroon ng pansamantal...
22/06/2026

SFWD ADVISORY:

Ipinaaalam po sa lahat ng mga concessionaire ng San Francisco Water District na magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig simula alas-8:00 ng gabi ng Hunyo 22, 2026 (Lunes) hanggang alas-2:00 ng madaling-araw ng Hunyo 23, 2026 (Martes).

Ang naturang water interruption ay kinakailangan upang bigyang-daan ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng ilang distribution lines na matatagpuan sa Brgy. Cawayan II at Brgy. Inabuan.

Dahil dito, pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat at malinis na tubig para sa kanilang pangangailangan habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni.

Pinapaalalahanan din ang publiko na maging matipid sa paggamit ng tubig, lalo na sa kasalukuyang panahon ng El Niño kung kailan mahalaga ang maingat na pangangasiwa sa ating limitadong pinagkukunan ng tubig.

Higit pa rito, hinihiling namin sa lahat ng concessionaire na tiyaking nakasara ang kanilang mga gripo bago matulog o bago umalis ng bahay. Ang mga gripo na naiwang bukas habang walang suplay ng tubig ay maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pag-apaw (overflow) at mataas na konsumo ng tubig sa sandaling manumbalik ang normal na daloy ng tubig.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot nito at hinihiling ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagkukumpuni upang mapanatili at mapabuti ang serbisyo ng tubig sa ating service area.

Maraming salamat po.

21/06/2026

PAUNAWA SA PUBLIKO

Ipinababatid po ng San Francisco Water District (SFWD) na bunsod ng mga report / ulat mula sa mga concessionaires sa Brgy. Inabuan partikular sa mga matataas na lugar, pansamantala po munang pinatay ang ilang linya kaninang 9:30 ng umaga upang bigyang daan ang pagtukoy ng sira at EMERGENCY repair sa ilang bahagi ng distribution lines. Humihingi po kami ng paumanhin sa biglaang water interruption na ito. Ang mga kawani ng SFWD ay nagtungo na kaninang umaga upang inspeksyunin ang linya at level ng tubig sa mga reservoir para sa agarang pagsasaayos. Muling ibabalik ang daloy ng tubig sa oras na matapos ang mga pagkukumpuni.

Hinihiling po namin ang inyong malawak na pang-unawa.

Maraming salamat po.

Address

San Francisco Street
San Francisco
4315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Francisco Water District_Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to San Francisco Water District_Quezon:

Shortcuts

Share