Juan Basangan NHS - Special Program in the Arts

Juan Basangan NHS - Special Program in the Arts School

07/06/2026

BUKAS NA!

Ready na ba ang lahat? Panibagong school year, panibagong experiences, at panibagong memories ang naghihintay. Kita-kits bukas! ๐Ÿ“šโœจ

Napaka-husay!๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿฅณ
30/05/2026

Napaka-husay!๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿฅณ

26/05/2026

๐™๐™ž๐™˜๐™  ๐™ฉ๐™ค๐™˜๐™ !โฐ

Tunog na minsan nakakakabaโ€ฆ at medyo nakakaiyak din ๐Ÿฅฒ

Ilang araw na lang bago ang pasukan! Malapit na namang makita ang mga kaibiganโ€ฆ at syempre, ang crush ๐Ÿฅฐ este, panahon na ulit para magsipag at mag-aral nang mabuti!

Handa na ba ang lahat para sa nalalapit na opening of classes o baka mas excited sa bagong bag, notebooks, at higit sa lahat, sa baon? โœจ

Ihanda na ang mga alarm clock, ayusin ang school supplies, at markahan na ang petsa!

๐Ÿ“Œ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

26/05/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“

Magalang po naming ipinababatid sa lahat na ang Juan Basangan National High School ay walang opisyal na ibinebentang tela o school uniform sa loob ng paaralan.

Malaya pong makapipili ang mga magulang at mag-aaral kung saan bibili ng tela o magpapatahi ng kanilang uniporme ayon sa itinakdang disenyo ng paaralan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta.

Para sa disenyo ng uniporme, mangyaring pumunta sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1Fpy9D5uH9/

Magandang araw!Ang pasahan ng mga dokumento para sa mga papasok bilang Grade 7 SPA Students ay itutuloy sa ika-1 ng Huny...
14/05/2026

Magandang araw!

Ang pasahan ng mga dokumento para sa mga papasok bilang Grade 7 SPA Students ay itutuloy sa ika-1 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Juan Basangan National High School Gymnasium.

Maraming salamat po. โœจ

12/05/2026
๐Ÿ“ฃ ANNOUNCEMENT!Para sa mga papasok na mag-aaral ng Grade 7 Special Program in the Arts (SPA), inaanyayahan po namin kayo...
05/05/2026

๐Ÿ“ฃ ANNOUNCEMENT!

Para sa mga papasok na mag-aaral ng Grade 7 Special Program in the Arts (SPA), inaanyayahan po namin kayong dalhin ang mga sumusunod na kinakailangang dokumento sa darating na May 11, 2026, 08:00am, sa Gymnasium ng Juan Basangan National High School.

Mangyaring tiyakin na kumpleto ang inyong mga dalang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng inyong pagpapatala.

Hanapin lamang po ang mga gurong taga-payo:
Sir Angelo Ferrer Garcia
Sir Darwin Cristobal
Sir Hernani Parungao Bruรฑa
Ma'am Ca Se Lyn Alcantara
Ma'am Clarisse Ann Vistan
Ma'am Claudette De Guzman
Ma'am Karen Clemente

Maraming salamat po.

To our dearest SPA-FPJ batch 2023-2024,Sa murang edad, natutunan ninyong mangarap, magsumikap, at maniwala sa sarili. ๐ŸŽ“S...
30/03/2026

To our dearest SPA-FPJ batch 2023-2024,

Sa murang edad, natutunan ninyong mangarap, magsumikap, at maniwala sa sarili. ๐ŸŽ“
Sa bawat araw na kayoโ€™y pumasok, may baon na pag-asa at determinasyonโ€”kahit may pagod, kaba, at mga pagkakataong gusto nang sumuko, pinili pa rin ninyong magpatuloy. Unti-unti ninyong hinubog ang inyong sarili, hindi lang bilang mag-aaral, kundi bilang mga batang may pangarap at puso.๐Ÿ’š

Hindi lang diploma ang inyong bitbit ngayon, kundi mga alaala ng tawa, luha, pagkakamali, at tagumpay na hindi kailanman matutumbasan. Bawat sakripisyo at pagsisikap ay nagbunga, at ngayon ay narito kayoโ€”matatag at handa sa panibagong yugto ng inyong buhay.

Habang tinatahak ninyo ang susunod na hakbang, dalhin ninyo ang lahat ng aral na inyong natutunan. Maaaring hindi magiging madali ang mga susunod na landas, ngunit tandaan ninyoโ€”kinaya ninyo noon, at kakayanin ninyo muli.

Congrats, graduatesโ€”ang galing ninyo! ๐Ÿ’–
Sa bawat pagtatapos ay may bagong simula, at sa bawat pangarap ninyo, may mga taong tahimik na naniniwala at buong pusong ipinagmamalaki kayo. ๐ŸŽญ๐ŸŽ‰๐Ÿฅฐ๐Ÿ’š

To our SPA- L. Francisco batch 2025-2026, Isang yugto ang natapos, at panibagong kabanata ang bubuksan. ๐Ÿ“–Sa bawat araw n...
30/03/2026

To our SPA- L. Francisco batch 2025-2026,

Isang yugto ang natapos, at panibagong kabanata ang bubuksan. ๐Ÿ“–
Sa bawat araw na kayoโ€™y natuto, tumawa, at minsan ay nadapa, unti-unti ninyong hinubog ang inyong mga pangarap at kakayahan. Hindi man naging madali ang lahat, pinatunayan ninyo na kaya ninyoโ€”taglay ang tapang at determinasyon sa murang edad.

Ngayon, dala ninyo ang mga alaala ng kahapon at ang pag-asa ng bukas. Kahit magbago man ang landas, huwag kalimutang balikan kung gaano na kayo kalayo.

Congrats sa ating mga alagad ng siningโ€”tuloy lang sa paglipad!๐Ÿ’ƒ๐Ÿผ๐ŸŽญ๐ŸŽธ
Laging may mga taong naniniwala at buong pusong ipinagmamalaki kayo. ๐Ÿ’–

Address

Basangan Street , San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija
San Antonio Primero
3108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juan Basangan NHS - Special Program in the Arts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share