08/07/2026
RSU, BFAR researchers inilatag ang Marine Habitat Assessment ng Odiongan sa MFARMC Meeting
July 7, 2026 | Mahahalagang datos at rekomendasyon para sa pangangalaga ng marine resources ng bayan ang ibinahagi sa isinagawang Municipal Fisheries and Aquatic Resource Management Council (MFARMC) Meeting, kung saan ipinresenta ng mga researchers mula sa Romblon State University (RSU) San Agustin Campus โ Marine Biology Department at Fisheries Department, katuwang ang BFAR MIMAROPA, ang resulta ng kanilang Marine Habitat Assessment Report.
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang pagpupulong na dinaluhan ng mga miyembro ng konseho at iba pang stakeholders upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng mga mangrove, seagrass, at coral reefs sa Bayan ng Odiongan. Layunin ng presentasyon na magsilbing batayan ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa development, livelihood, tourism, at environmental conservation.
Sa ulat ni G. Vincent Jay Gado, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga bakawan bilang natural shoreline shield, fish nursery, carbon store, at pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming pamilyang naninirahan sa mga coastal communities ng Odiongan. Ayon sa assessment, apat na mangrove areas sa bayan ang kinilalang pinakamalusog at may mataas na ecological valueโang mga ito ay matatagpuan sa Barangay Panique, Libertad, Canduyong, at Budiong. Sa kabuuan, 20 mangrove species ang naitala sa Odiongan, kung saan pinakamarami ang Rhizophora stylosa (bakhaw), sinundan ng Rhizophora apiculata (bakhaw lalaki), Avicennia marina (bangalon), at iba pang species.
Ipinakita rin sa presentasyon ang ilang banta sa mangrove ecosystem, kabilang ang illegal cutting, partikular sa mga high-value pagatpat trees, pagdami ng plastic waste at marine debris sa Canduyong Forest, mahinang natural regeneration sa Panique at Libertad, coastal conversion dulot ng development at fishpond expansion, at ang panganib na kinahaharap ng near-threatened na tabigi dahil sa patuloy na pag-aani at mababang recruitment. Bilang tugon, iminungkahi ng research team ang smart restoration approach. Inirekomenda rin ang pagtutugma ng tamang species sa kondisyon ng lupa at tubig, paggamit ng lokal na propagules upang mapanatili ang native genetics, at pagbibigay ng pagkakataon sa natural regeneration ng malulusog na mangrove stands. Ayon sa mga researchers, makatutulong ito upang dumami ang isda at alimango, maprotektahan ang baybayin, at makalikha ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan.
Sa bahagi naman ng Seagrass Assessment, ipinaliwanag ni G. Jeniel Santos ang mahalagang papel ng marine macrophytes sa pagpapanatili ng malusog na marine ecosystem. Aniya, nakatutulong ang mga ito sa sediment stabilization, shoreline protection laban sa storm damage, at carbon sequestration. Batay sa isinagawang assessment, mula sa 129 marine macrophyte species na naitala sa buong Romblon, 66 species ang natukoy sa Odiongan. Kabilang dito ang 31 Chlorophyta (green algae), 14 Rhodophyta (red algae), 12 Phaeophyta (brown algae), at 9 Angiosperms. Nilinaw rin ni Santos ang ilang maling pananaw tungkol sa seagrass. Bagama't tinatawag itong "eyesore" ng ilan, mahalaga umano ito sa pagpigil ng coastal erosion, pagsala at pagre-recycle ng nutrients sa tubig, at pagkuha at pag-iimbak ng carbon na mahalaga sa climate change mitigation.
Samantala, sa Coral Reef Assessment na ipinresenta nina G. Vincent Jay Gado, G. Roderick Galang, at G. Marvin Raรฑada, lumabas na ang Barangay Libertad ang may pinakamataas na coral diversity sa Odiongan na may 37 species bawat 1,000 square meters, na sinundan ng Budiong at Canduyong.
Kaugnay nito, inirekomenda ng research team ang ilang hakbang para sa coral reef rehabilitation, kabilang ang pagbibigay-priyoridad sa biodiversity conservation, pagtatatag ng strict "no-take" zones sa Canduyong upang maprotektahan ang 25 unique coral taxa, pagpapalakas ng sea-borne patrols at market denial strategies laban sa illegal fishing at poaching ng high-value marine species, gayundin ang tuloy-tuloy na monitoring ng mga coral reefs.
Ayon sa mga presenters, layunin ng mga resulta ng Marine Habitat Assessment na magsilbing scientific-basis ng lokal na pamahalaan sa pagpaplano ng mga polisiya at programang may kaugnayan sa environmental protection, sustainable livelihood, coastal development, at ecotourism upang matiyak ang pangmatagalang pangangalaga sa yamang-dagat na nakapalibot sa Bayan ng Odiongan.