27/08/2025
Nakiisa ang Mababang Paaralan ng Gallego sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2025, na pinangungunahan ng butihin at aktibong Ulong G**o na si Gng. Jocel B Montero. Sa pagdiriwang na ito ay tampok ang temang āPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.ā
Ang Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wika ay ginanap Agosto 27, 2025. Nagsilbing Tagapagsalita sa nasabing pagdiriwang si Gng Montero.
Sa kanyang talumpati, ipinaliwanag at tinalakay niya ang kahulugan ng tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Paliwanag niya, ang wika ay nagiging kaisa kapag ito ay nagagamit upang ipahayag ng isang tao ang kanyang saloobin, adhikain, at mga pangarap. Dagdag niya, ang wikang Filipino ay hindi lamang isang kasangkapan ng komunikasyon kundi isang makapangyarihang instrumento ng kalayaan, pagbabago, at pag-unlad.
Sa loob ng isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ginanap ang ibaāt ibang paligsahan na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wikang Filipino tulad ng paligsahan sa Tagisan ng Talino, Poster making, at guhit bulilit na nilahukan ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang ikaanim na baitang.
Sa patimpalak sa tagisan ng talino, nasungkit nina Joshua E. Dacuma at Edrian Themothy D. Abundo mula sa ikaanim na baitangvang unang puwesto; nagtagumpay din sa pagsungkit sa unang puwesto sa poster making ang mag aaral na si Franz Edrian Tafalla mula sa ikaanim na baitang; hindi rin nagpahuli si Aikah Martinez mag aaral mula sa ikatatlong baitang sa pagsungkit sa unang puwesto sa kategoryang Guhit bulilit.
Sa pagtatapos ng programa, pinasalamatan ni Gng. Montero ang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral at mga g**o. Ayon sa kanya, napatunayan sa loob ng isang buwang pagdiriwang na ang wikang Filipino ay buhay, mayaman, at patuloy na yumayabong sa bawat henerasyon.
Nagbigay din siya ng hamon sa bawat isa na ipagpatuloy ang diwa ng wikang filipino at kukutbong wika sa araw-araw ng ating pamumuhay at saan man tayo magpunta.