The Emblem/ Ang Sagisag- The Official School Publications of Vito NHS

The Emblem/ Ang Sagisag- The Official School Publications of Vito NHS Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Mataas na Paaralan ng Vito, 302771

Mga Atleta ng VNHS, Humahakot ng Karangalan sa Intramurals 2026Agosto 20, 2026 — Itinanghal ang mga natatanging atleta a...
20/08/2026

Mga Atleta ng VNHS, Humahakot ng Karangalan sa Intramurals 2026

Agosto 20, 2026 — Itinanghal ang mga natatanging atleta at koponan ng Mataas na Paaralan ng Vito sa seremonya ng pagbibigay ng parangal ng VNHS Intramurals 2026 matapos ang serye ng kompetisyon sa iba’t ibang larangan ng palakasan, na isinabuhay ang temang "One School. One Team. One Vision. Victory in Unity!"

Nagbigay-daan ang Intramurals sa mga mag-aaral upang maipamalas ang kanilang husay, disiplina, estratehiya, pagtutulungan, at sportsmanship sa iba’t ibang kompetisyon.

🥋 Taekwondo

Boys
Champion: Karl Aldrene G. Amago
1st Place: Christian Paul Anecito
2nd Place: Renziel Rabal

Girls
Champion: Camelle Rose Sagayno Requiron
1st Place: Jade Apas Monterroyo
2nd Place: Nida Rose N. Dadola

Poomsae

Champion: Hazel V. Requiron
Champion: Jade Ashley C. Allego
Champion: Camelle Rose S. Requiron
1st Place: Jade Apas Monterroyo
1st Place: Paul Vincent Dequito
1st Place: Ava Zaragoza
2nd Place: Nida Dadola
2nd Place: Renziel Rabal

♟️ Chess

Male Category
Champion: Keith Melquiades
1st Place: Jerry Mar Francisco
2nd Place: Jerry Cris Francisco

Female Category
Champion: Harriette Ochavo
1st Place: Riez Requiron
2nd Place: Roshayne May L. Golizao

🏃 Athletics

Running Events – Girls
1st Place: Ambiz E. Sarmiento
2nd Place: Jerry Cris Francisco
3rd Place: Jhon B. Fortunado

Running Events – Boys
1st Place: Yrich Jacle B. Rabino
2nd Place: Daniela Bea N. Alcional
3rd Place: Monique M. Figueroa

Javelin Throw – Boys
1st Place: Nathaniel Geronimo
2nd Place: Jhon B. T. Fortunado
3rd Place: Patrick John P. Parreno

Shot Put – Girls
1st Place: Danica Joy U. Pahayahay
2nd Place: Allen Villacuatro
3rd Place: Julia Mae Minoza

Long Jump – Boys
1st Place: Nathaniel Geronimo
2nd Place: Paul Jake M. Canoy
3rd Place: Aivan M. Alegre

Discus Throw – Boys
1st Place: John Michael D. Yutrago
2nd Place: Patrick John P. Parreno
3rd Place: Jhon Michael Severo

Shot Put – Boys
1st Place: Patrick John Parreno
2nd Place: Wammy Bryle M. Abria
3rd Place: Ejohn J. Pastidio

Discus Throw – Girls
1st Place: Allen Villacuatro
2nd Place: Revica Sagayno
3rd Place: Jholian B. Gonzaga

🥅 Sepak Takraw

Boys
1st Place: Ian Besa
2nd Place: Henry Bendevil

Girls
1st Place: Macres Padilla
2nd Place: Sara Geronimo
3rd Place: Alyza Patok
4th Place: Orlyn Dorimon
5th Place: Cris Ann Necessario

🎮 E-Sports – Mobile Legends

Senior High School Category
1st Place: Los Catalyst
2nd Place: Doomsday
3rd Place: John Bobong

Junior High School Category
1st Place: Zenith X Solace
2nd Place: Team Brgy. Pitipiwpiw
3rd Place: Sakading Sakadung Ding

🏀 Basketball

Junior Boys
Champion: SR Hoopers
1st Place: Mix-Up
2nd Place: Team SBT

Senior Boys
Champion: Red Bulls
1st Place: Blue Dragons
2nd Place: Pink Panthers

Senior Girls
Champion: Tigers
1st Place: Hilas Pilipinas
2nd Place: Bulls Strike

3x3 Boys
Champion: Blue Dragons
1st Place: NUB
2nd Place: Narra

🏐Volleyball - Boys
Champion - Grade 10
1st place - Grade 12
2nd Place - Grade 9
3rd PLace - Grade 8

🏐Volleyball -Girls
Champion- Grade 12
1st place - Grade 9
2nd Place - Grade 8
3rd PLace - Grade 7

🏸 Badminton

Boys
Single A – Grade 8: Roadden Ace C. Bacalso
Single B – Grade 7: Clienton James C. Bacalso
Doubles – Grade 12: Mylou Roa & John Ashley Carbaquil

Girls
Single A – Grade 9: Pauline C. Lequigan
Single B – Grade 10: Gelyn T. Gango
Doubles – Grade 8: Elieza S. Geronimo & Vejean M. Geronimo

Sa pagtatapos ng Intramurals 2026, naipakita ng mga atleta ang kanilang disiplina, determinasyon, pagkakaisa, pagtutulungan, estratehikong pag-iisip, at sportsmanship sa gitna ng matinding kompetisyon.

Higit sa mga nakuhang puwesto at parangal, naging mahalagang bahagi ng paligsahan ang pagpapalakas ng samahan ng mga mag-aaral at ang pagsasabuhay ng diwa ng pagkakaisa, isang paaralan, isang koponan, isang pananaw tungo sa tagumpay.

Sulat ni| Ang Sagisag

Baitang 10, Namamayagpag sa Dokyuwento 2026Agosto 19, 2026 — Namayagpag ang Baitang 10 sa patimpalak na Dokyuwento 2026 ...
20/08/2026

Baitang 10, Namamayagpag sa Dokyuwento 2026

Agosto 19, 2026 — Namayagpag ang Baitang 10 sa patimpalak na Dokyuwento 2026 matapos makamit ang Unang Gantimpala bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" sa pamagat na "Wikang Filipino at AI: Tinig ng Mag-aaral sa Makabagong Silid-aralan."

Nanguna sa patimpalak sina Ronelie Xianne D. Torreña, Keixha B. Bermejo, at Genara May O. Baitan, na kumatawan sa Baitang 10 at nagkamit ng pinakamataas na gantimpala.

Samantala, nakamit ng Baitang 9 ang Ikalawang Gantimpala sa pangunguna nina Drenzyl Mitch Macabebe, Lathea Samantha Melgar, at Shariene Tiffany Salili.

Nakuha naman ng Baitang 7 ang Ikatlong Gantimpala na sina Ezralene C. Valencia, Mica Nichole R. Villegas, at Rainniel F. Articulo, habang nagkamit ng Ikaapat na Gantimpala ang Baitang 8, na kinatawan nina Leianne Beatrice Madaiton, Sean Gierael Moncadilla, at Althea Marie Esperancilla.

Itinampok sa Dokyuwento ang husay ng mga mag-aaral sa pagsasalaysay at malikhaing paggamit ng wikang Filipino. Naging bahagi rin ang patimpalak ng pagdiriwang na nagbigay-diin sa papel ng Filipino at artificial intelligence bilang mga kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa yaman ng impormasyon.

Sa pamamagitan ng patimpalak, naipamalas ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10 ang kanilang talento sa paggamit ng wika at malikhaing pagpapahayag, kasabay ng pagtalakay sa papel ng makabagong teknolohiya sa pagkatuto.

Sulat ni | Ang Sagisag
Larawang Kuha | Tribu Filipinoy

Manlalaro ng VNHS, Umaarangkada sa Championship Finals ng Intramurals 2026Agosto 16, 2026 — Uminit ang kompetisyon sa Ma...
16/08/2026

Manlalaro ng VNHS, Umaarangkada sa Championship Finals ng Intramurals 2026

Agosto 16, 2026 — Uminit ang kompetisyon sa Mataas na Paaralan ng Vito nang idaos ang championship rounds at finals ng Intramurals 2026 noong Linggo sa bulwagan ng paaralan, tampok ang huling yugto ng mga laban sa iba’t ibang larong pampalakasan.

Sinimulan ang championship rounds at finals alas-8 ng umaga at isinagawa ang mga kinakailangang huling laban sa basketball 3x3 at 5x5, volleyball, chess, sepak takraw, athletics, taekwondo, at badminton.

Sa bawat laban, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay, determinasyon, disiplina, at sportsmanship habang pinagsikapang makamit ang panalo sa kani-kanilang event.

Naging tampok sa ikalawang araw ng palaro ang matinding sagupaan sa championship rounds at finals, na nagsilbing huling hamon para sa mga kalahok bago ang nakatakdang seremonya ng pagkilala sa mga nagwagi.

Sulat ni | Ang Sagisag
Tagakuha ng Larawan | Baby Jane Bawaan
Keila Jarina
Jopatt Pierre Sabaiton

VNHS, Humahataw sa Unang Araw ng Intramurals 2026Agosto 15, 2026 — Pormal na binuksan ng Mataas na Paaralan ng Vito ang ...
15/08/2026

VNHS, Humahataw sa Unang Araw ng Intramurals 2026

Agosto 15, 2026 — Pormal na binuksan ng Mataas na Paaralan ng Vito ang Intramurals 2026 na may temang, "One School. One Team. One Vision: Victory in Unity!" noong Agosto 15, 2026 sa bulwagan ng paaralan bilang bahagi ng dalawang araw na paligsahang pampalakasan na naglalayong itampok ang pagkakaisa, sportsmanship, at husay ng mga mag-aaral.

Sinimulan ang programa sa Entrance of Colors, na sinundan ng pag-awit ng Pambansang awit ng Pilipinas, Panalangin, Himno ng Rehiyon, at Himo ng Lungsod ng Sagay. Nagbigay rin ng pambungad na pananalita si Gng. Jessa V. Lobaton, PhD, punongg**o, bago isinagawa ang panunumpa ng mga atleta.

Isinagawa rin ang PTA intermission number, dance presentation ng Performing Arts, Oath of Sportsmanship, torch lighting, at opisyal na deklarasyon ng pagbubukas ng Intramurals 2026. Tampok din ang drum and lyre corps presentation na nagdagdag-sigla sa seremonya.

Matapos ang seremonya, agad na nagsimula ang elimination rounds sa basketball 3x3 at 5x5, volleyball, chess, sepak takraw, athletics, taekwondo, at badminton. Nagpatuloy ang mga laro hanggang makumpleto ang itinakdang mga laban para sa unang araw.

Ipinamalas ng mga kalahok sa unang araw ng palaro ang kompetitibong diwa, disiplina, at pagkakaisa sa loob at labas man ng larangan ng paligsahan.

Sulat ni | Ang Sagisag
Tagakuha ng Larawan | Baby Jane Bawa-an
Keila Jarina
Jopatt Pierre Sabaiton

Kabataang Mananaliksik ng VNHS, Wagi sa AI Saliksik Agosto 14, 2026 — Nangibabaw ang mga kabataang mananaliksik ng Mataa...
14/08/2026

Kabataang Mananaliksik ng VNHS, Wagi sa AI Saliksik

Agosto 14, 2026 — Nangibabaw ang mga kabataang mananaliksik ng Mataas na Paaralan ng Vito sa AI SALIKSIK, isang patimpalak para sa mga mag-aaral sa Senior High School, na isinagawa noong Agosto 14 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Layunin nitong malinang ang kritikal na pag-iisip, pagkamalikhain, at kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik sa pamamagitan ng responsable at makabuluhang paggamit ng Artificial Intelligence (AI).

Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan sa pagsasaliksik, pagsusuri ng impormasyon, at pagbuo ng makabuluhang output gamit ang AI bilang katuwang sa pagkatuto, habang nananatiling nakasandig sa pagpapahalaga at wastong paggamit ng Wikang Filipino.

Narito ang mga nagwagi:

BAITANG 11
🥇Unang Gantimpala:
Lynnox Fe S. Epanto
Hikaru Patigas
Shannahia Bianca Saraum

🥈Ikalawang Gantimpala:
Mark Lawrence K. Uyanib
Joella B. Flores
Clyde Leomarc T. Enot

🥉Ikatlong Gantimpala:
Andrea R. Requiron
Kaye Chie M. Jamili
Psalm Jerusrael B. Ledesma

Ikaapat na Gantimpala:
Daniel R. Cañete
Ralph Lorenz L Melgar
Jovit E. Alegre

BAITANG 12

🥇Unang Gantimpala:
John Vincent F. Articulo
Baby Jane C. Bawa-an
Jerry Mar M. Francisco

🥈Ikalawang Gantimpala:
Rhea Jean C. Almojallas
Trisha Sabaiton
Melissa Mae J. Caro

🥉Ikatlong Gantimpala:
Princess Aira S. Macna
Stuart Cyber A. Odasco
Kian Ytan Ramos

Ikaapat na Gantimpala:
Jerose P. Epogon
Rogie Dale B. Orot
Reyky Marie M. Busico

Ikalimang Gantimpala:
Judy-Anne E. Landao
Princes Nicole C. Lomokso
Jhoy Rey T. Gracia

Sa pagtatapos ng patimpalak, muling napatunayan ng mga mag-aaral ng VNHS na ang teknolohiya at Wikang Filipino ay maaaring magsanib upang higit na mapalawak ang kaalaman at mapaunlad ang kasanayan sa makabuluhang pananaliksik.

Sulat ni | Ang Sagisag
Larawan | G. Anthony Macabebe, Jr.

VNHS Peer Helpers Hinuhubog Bilang Mapagmalasakit na LiderHinubog ng Mataas na Paaralan ng Vito ang mga piling Peer Help...
08/08/2026

VNHS Peer Helpers Hinuhubog Bilang Mapagmalasakit na Lider

Hinubog ng Mataas na Paaralan ng Vito ang mga piling Peer Helpers bilang mga lider na may malasakit sa pamamagitan ng School-Based Peer Educators Training (PET) sa pangunguna ng City Population Office na isinasagawa noong Agosto 6–7, 2026.

Nililinang ng dalawang araw na pagsasanay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng positibong suporta sa kapwa mag-aaral, pagtataguyod ng kalusugang pangkaisipan at kagalingan, at pagbuo ng malusog na ugnayan.

Bilang mga peer educators, isinusulong din ng mga kalahok ang empatiya, paggalang, responsableng pamumuno, at isang ligtas at inklusibong kapaligiran sa paaralan.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, pinatitibay ng VNHS ang learner leadership ngat hinihikayat ang mga mag-aaral na maging tagapakinig, tagapagtaguyod, at katuwang sa pagbuo ng isang mapagkalingang komunidad.

08/08/2026
Mga Mag-aaral ng VNHS, Pinaiigting ang Kasanayan sa Pagsagip-Buhay sa Mass CPR DemoPinaigting ng mga mag-aaral, lider na...
08/08/2026

Mga Mag-aaral ng VNHS, Pinaiigting ang Kasanayan sa Pagsagip-Buhay sa Mass CPR Demo

Pinaigting ng mga mag-aaral, lider na mag-aaral, g**o, at administrasyon ng Mataas na Paaralan ng Vito ang kanilang kahandaan sa pagtugon ng emerhensiya sa pamamagitan ng Mass CPR Demonstration bilang paggunita sa National CPR Day 2026.

Lumahok sa pagsasanay ang CTP Officers, CTP Cadets, Boy Scouts, Girl Scouts, Senior Plus Red Cross Youth (SPRCY), at Senior Red Cross Youth (SRCY) upang matutuhan ang wastong pagsasagawa ng Hands-Only CPR at iba pang pangunahing hakbang sa emergency response.

Pinangunahan at sinuportahan ang aktibidad ng CHO–Sagay City Primary Care Facility, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at SDO Sagay City–School Disaster Risk Reduction and Management Office (SDRRMO).

Sa pamamagitan ng aktibidad, pinalalakas ng VNHS ang kultura ng kahandaan at pagtutulungan upang makabuo ng mas ligtas at matatag na komunidad ng paaralan.

08/08/2026

Alinsunod sa Memorandum sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 na pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang Mataas na Paaralan ng Vito ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang búkas.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, ating ipinagdiriwang hindi lamang ang wikang nagbubuklod sa ating pagkakakilanlan, kundi maging ang kapangyarihan nitong makibagay, umunlad, at maging daluyan ng makabagong kaalaman.

Sa panahong ang impormasyon ay mabilis na dumadaloy sa mundo ng teknolohiya at Artificial Intelligence, nananatiling mahalaga ang wikang Filipino bilang tulay sa pag-unawa, pagsusuri, pananaliksik, at paglikha ng kaalaman.

Hindi kalaban ng wika ang makabagong teknolohiya. Sa halip, maaari itong maging makapangyarihang katuwang sa paghahanap ng katotohanan—basta't ginagamit nang may kritikal na pag-iisip, pananagutan, at wastong pagpapahalaga sa kaalaman.

Magtanong. Magsaliksik. Magberipika. Lumikha.

Sapagkat ang tunay na yaman ng impormasyon ay nagiging makabuluhang kaalaman kapag ito ay ginagamit nang wasto, responsable, at may malasakit sa bayan.

Mabuhay ang Wikang Filipino! 🔥🔥🔥
Mabuhay ang mga wika ng ating bayan!
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2026!

Pinagkunan ng poster: Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

02/05/2026

Address

Brgy. Vito
Sagay City
6122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Emblem/ Ang Sagisag- The Official School Publications of Vito NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share