Rang-ayan Elementary School & Mayba Extension - 110216

Rang-ayan Elementary School & Mayba Extension - 110216 "Empowering Teachers, Elevating Learners"

United for Rang-ayan ES Learners: INSET 2025 gathered RES educators from December 6–8 to strengthen teaching strategies ...
14/12/2025

United for Rang-ayan ES Learners: INSET 2025 gathered RES educators from December 6–8 to strengthen teaching strategies aligned with the revised K to 12 curriculum, improve literacy and numeracy, and promote inclusive classrooms.




October 6, 2025 – International Day of the Girl ChildTheme: “The Girl I Am, The Change I Lead: Girls on the Frontlines o...
06/10/2025

October 6, 2025 – International Day of the Girl Child

Theme: “The Girl I Am, The Change I Lead: Girls on the Frontlines of Crisis”

Today, we honor the strength, resilience, and leadership of girls around the world. This celebration is a powerful reminder that every girl has the right to dream big, speak boldly, and lead with courage. The program promotes empowerment, confidence, independence, and the freedom to make choices with a humble heart.

Our elected young leaders face great challenges, but with dedication and perseverance, they are proving that age is no barrier to making a difference. They are the change-makers of today and the leaders of tomorrow.

As Nestasia beautifully said:
“Your voice is your power. Speak up, stand tall, and change the world.”
Girls must rise, raise their voices, and take the lead.
Babae ka—hindi basta babae lang!

✨ Presenting our elected Little Principal: Nissha Ambry B. Dorado ✨- A shining example of in action!

Let's meet and congratulate the following teachers for their Outstanding Performances, awarded on October 3, 2025 during...
03/10/2025

Let's meet and congratulate the following teachers for their Outstanding Performances, awarded on October 3, 2025 during the Sablayan North District Teacher's Day Celebration.

Outstanding IP Teacher: Abraham Carlo Emperio (Mayba Extension)
Outstanding Multigrade Teacher: Mary Ann Delos Santos (Mayba Extension)
Outstanding Kindergarten Teacher: GracesZen GSuason (RES Main)
Outstanding Teachers: Maricel Tadeo Patingan and Anabel Domingo Duque (RES Main)
Outstanding Master Teacher: Randy Clavano Alcantara




Highlights of the School-Based Teacher's Day Celebration - G**o ng Rang-ayan: Tanglaw ng Karunungan, Haligi ng PaaralanT...
02/10/2025

Highlights of the School-Based Teacher's Day Celebration - G**o ng Rang-ayan: Tanglaw ng Karunungan, Haligi ng Paaralan

Today, teachers came together to celebrate Teacher's Day through simple yet meaningful and enjoyable activities. The event honored the unwavering dedication of our teachers—recognized as guiding lights of wisdom and pillars of the school. Their contributions continue to inspire learners and uplift the entire educational environment.


G'SAVERS: AREA SPORTS MEET 2025DANCESPORT AND SINGING COMPETITION
21/09/2025

G'SAVERS: AREA SPORTS MEET 2025
DANCESPORT AND SINGING COMPETITION

G'SAVERS: AREA SPORTS MEET 2025
21/09/2025

G'SAVERS: AREA SPORTS MEET 2025

Rang-ayan Elementary School, Host ng GSAVERS Sports Meet 2025: Isang Pagdiriwang ng Galing at PagkakaisaMatagumpay na pi...
21/09/2025

Rang-ayan Elementary School, Host ng GSAVERS Sports Meet 2025: Isang Pagdiriwang ng Galing at Pagkakaisa

Matagumpay na pinangunahan ng Rang-ayan Elementary School ang G’SAVERS Sports Meet 2025, na dinaluhan ng 11 paaralan noong Setyembre 18-19, 2025. Naging sentro ng paligsahan ang pagkakaisa, sportsmanship, at kahusayan ng kabataang atleta.

Mula sa makukulay na parada hanggang sa mga puspusang laban sa iba't ibang larangan ng palakasan, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang dedikasyon at determinasyon. Sa pamumuno ng mga g**o, magulang, at lokal na pamahalaan, naging matagumpay ang bawat araw ng palaro—isang patunay ng matibay na suporta ng komunidad sa holistic development ng kabataan.

Ang Rang-ayan Elementary School ay hindi lamang naging tagapagtaguyod ng paligsahan, kundi naging inspirasyon din sa pagpapalaganap ng disiplina, pagkakaibigan, at pagkakapantay-pantay sa larangan ng sports.

ARAL Program Kick-Off: Isang Hakbang Tungo sa Mas Malawak na PagkatutoSa temang “Bawat Bata, may gabay, Bawat pangarap, ...
15/09/2025

ARAL Program Kick-Off: Isang Hakbang Tungo sa Mas Malawak na Pagkatuto

Sa temang “Bawat Bata, may gabay, Bawat pangarap, abot-kamay,” matagumpay na isinagawa ang kick-off ceremony para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program noong Setyembre 15, 2025 sa Rang-ayan Elementary School, Brgy. Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ang programa ay pinangunahan ng punongg**o, Ma’am Marjorie Ann Banite, katuwang ang mga g**o, magulang, barangay officials, at community partners. Layunin ng ARAL Program na tugunan ang learning gaps ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mas inklusibo at mas epektibong pamamaraan ng pagtuturo.

Sinimulan ang araw sa isang Flag Raising Ceremony na sinundan ng parada kung saan tampok ang mga ARAL-themed props at color-coded groups na kumatawan sa iba't ibang sektor ng paaralan—mga mag-aaral, g**o, magulang, opisyal ng barangay, at mga katuwang mula sa komunidad.

Binigyang-diin ni Ma’am Marjorie Ann N. Banite ang kahalagahan ng ARAL Program sa kanyang welcome message at overview. Sinundan ito ng Pledge of Support mula kay Oliver B. Viernes, Presidente ng PTA, na nagpahayag ng buong suporta ng mga magulang sa adhikain ng programa.

Nagkaroon din ng mga aktibidad na nakatuon sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral tulad ng Spelling at Pronunciation Drill, Storytelling at Comprehension Activities, at ang ARAL Wall of Hope kung saan ipinahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga pangarap at layunin sa pag-aaral.

Isa sa mga tampok ng programa ang ARAL Jingle, na sabay-sabay na inawit ng lahat ng mag-aaral bilang simbolo ng pagkakaisa at inspirasyon.

Binigyang-pugay naman ni Hon. Ephil Emperador, Committee on Education, ang pagsisikap ng paaralan at komunidad sa pagtutulungan para sa edukasyon. Ang programa ay pinamunuan ni Randy Alcantara bilang tagapagpadaloy.

Ang isinagawang kick-off ceremony ay hindi lamang isang selebrasyon kundi isang panimula ng mas malalim na commitment sa pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang edukasyon para sa bawat mag-aaral sa Rang-ayan Elementary School. Sa pamamagitan ng ARAL Program, muling binibigyang pag-asa ang mga mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap sa tulong ng isang komunidad na handang gumabay.

𝑩𝒐𝒏 𝒗𝒐𝒚𝒂𝒈𝒆, 𝑴𝒂’𝒂𝒎 𝑨𝒏𝒏 & 𝑺𝒊𝒓 𝑭𝒓𝒂𝒏𝒌!💗🍾𝗪𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂 𝗯𝗼𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗮𝘀 𝘆𝗼𝘂 𝗯𝗲𝗴𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗷𝗼𝘂𝗿𝗻𝗲𝘆 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗻𝗲𝘄 𝗵𝗼𝗺𝗲. 𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶...
05/09/2025

𝑩𝒐𝒏 𝒗𝒐𝒚𝒂𝒈𝒆, 𝑴𝒂’𝒂𝒎 𝑨𝒏𝒏 & 𝑺𝒊𝒓 𝑭𝒓𝒂𝒏𝒌!💗🍾

𝗪𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂 𝗯𝗼𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗮𝘀 𝘆𝗼𝘂 𝗯𝗲𝗴𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗷𝗼𝘂𝗿𝗻𝗲𝘆 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗻𝗲𝘄 𝗵𝗼𝗺𝗲. 𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝗱𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗮𝗻𝗱 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝘀𝗵𝗶𝗽 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗯𝗲 𝗿𝗲𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝗲𝗱. 𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗲𝗮𝘂𝘁𝗶𝗳𝘂𝗹 𝗺𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀—𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗻𝗲𝘅𝘁 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗶𝘀 𝗹𝘂𝗰𝗸𝘆 𝘁𝗼 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂!🫶

Mahigit 50 mag-aaral, nabigyan ng libreng gupit sa Rang-ayan Elementary SchoolNgayong Setyembre 4, 2025, matagumpay na i...
04/09/2025

Mahigit 50 mag-aaral, nabigyan ng libreng gupit sa Rang-ayan Elementary School

Ngayong Setyembre 4, 2025, matagumpay na isinagawa sa Rang-ayan Elementary School ang Libreng Gupit Program ng Good Barbers Sablayan Group, kung saan mahigit 50 batang lalaki na mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 ang nabigyan ng libreng serbisyo.

Layunin ng programang ito na isulong ang kalinisan at personal hygiene ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng maayos at malinis na gupit. Sa simpleng paraan, nakatutulong ito upang mapanatili ang kaayusan sa sarili at maayos na pangangalaga sa buhok.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan na si Ma'am Marjorie Ann N. Banite, Principal II, sa Good Barbers Sablayan Group na kinabibilangan nina: Marc Anthony D. Elacion, Reymark Dela Cruz, Lovenice Francisco Orcasitas, Jheron A. Nidoy, Alraic Bien P. Belen, Eman C. Villegas, at Jayson G. Sonio sa kanilang bukas-palad na serbisyo at malasakit sa mga mag-aaral ng Rang-ayan Elementary School.

On September 4, 2025, the 'OK sa DepEd' activity was successfully conducted at Rang-ayan Elementary School, led by Dra. ...
04/09/2025

On September 4, 2025, the 'OK sa DepEd' activity was successfully conducted at Rang-ayan Elementary School, led by Dra. Betchay, Division Dentist II and Sir Amiel Zamonte, Division Dental Aide, together with District Nurse Ivan Harvey H. Pasajol. The activity featured comprehensive learner health assessments, dental check-ups, and nursing services—promoting the well-being and academic success of every learner.

Matagumpay na Pagpupulong para sa Area Meet 2025, Isinagawa kasama ang BarangayIsang matagumpay na pagpupulong ang isina...
28/08/2025

Matagumpay na Pagpupulong para sa Area Meet 2025, Isinagawa kasama ang Barangay

Isang matagumpay na pagpupulong ang isinagawa noong ika-26 ng Agosto bilang paghahanda para sa nalalapit na Area Meet 2025. Pinangunahan ito ng mga g**o ng paaralan, katuwang ang mga opisyal ng PTA, Barangay Health Workers (BHW), at mga miyembro ng Barangay Council. Personal ding dumalo ang Kagalang-galang na Punong Barangay Rodel Sioson bilang suporta sa mga inisyatibo ng paaralan.

Layunin ng pagpupulong ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng komunidad upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng Area Meet. Tinalakay ang mga plano, pangangailangan, at mga hakbang na isasagawa upang masuportahan ang mga kalahok na mag-aaral.

Ang aktibong partisipasyon ng pamayanan ay nagsilbing patunay na sa pamamagitan ng bayanihan, mas napapalakas ang suporta para sa edukasyon at kabataan. Sa pagkakaisa ng paaralan at barangay, tiyak ang tagumpay ng mga mag-aaral sa darating na paligsahan.

Ang ganitong mga hakbang ay nagpapakita ng matibay na ugnayan sa pagitan ng edukasyon at komunidad—isang mahalagang sangkap sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan.


Address

Sablayan
5104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rang-ayan Elementary School & Mayba Extension - 110216 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category