18/08/2026
PEKENG ADVISORY, KUMAKALAT ONLINE
FAKE ang kumakalat na public advisory na nagsasabing suspendido ang klase sa ilang lugar, kabilang ang Romblon, bukas August 19, 2026 dahil sa Habagat.
Pinapaalalahanan ang publiko na huwag basta maniwala o magbahagi ng mga impormasyong hindi nagmumula sa opisyal na sources.
Para sa mga lehitimong anunsyo hinggil sa suspensyon ng klase sa Romblon, abangan lamang ang opisyal na pahayag ng mga lokal na pamahalaan at ng Romblon Provincial Information Office (RPIO).
Huwag magpakalat ng fake news. Suriin muna bago mag-share.